That Angel is My Savior!(on-going)

154 5 5
                                    

HI! Just trying out my writing skills, I hope you guys would enjoy my story. I will do my best para mapaganda pa ang story na ito…..well, I dedicated this story to oreo pau,baby bro,venus and my insan erikaJ hope you like it.

Chapter 1:

 PROLOGUE:

Akala ko dito na matatapos ang buhay ko, hindi ko alam na meron pa palang taong magliligtas sa'kin

Sa matinding bangungot ng aking buhay. Ako nga pala si Angelika Anne Dizon,18 yrs old, at ito ang storya kung paano ako nailigtas sa bangungot ng aking buhay.

Angelika's P.o.V.:

“ayoko na! ayoko na talaga magmahal!”

Ang sakit pala sa puso kapag palagi kang iniiwan. Oo, iniwan ako ng taong mahal ko,akala ko mga

magulang ko lang ang aabandona sa akin at kahit paano ay maiiwan siya sa akin.Wala na, iniwan na

rin ako ni levi, si Levi ang taong nagpapatibok ng puso ko since highschool, siya ang una kong boyfriend

at una kong minahal.Kahit cassanova pa siya, hindi ko pa rin siya magawang iwan,martyr ba? Alam ko

naman na martyr ako magmahal kaya hanggang ngayon nagpapakatanga pa rin ako, kahit na ipagtabuyan nya pa ako,bastusin sa harap ng barkada niya,hindi ko pa rin siya magawang iwan.

“Levi, mahal na mahal kita pero bakit mo ako patuloy na niloloko at pinagtatabuyan? After  4years iiwan mo lang din ako? Madami na tayong pinagdaanan pero bakit? Bakit ka nagbago? Hindi ko na kaya!

Sabi mo sa akin mahal mo din ako.”

Tatalon na sana ako sa rooftop ng school namin nang may maaninag akong liwanag na nagmumula

sa gilid ko at unti-unting papalapit sa akin.

Napabulong ako sa sarili ko “taong nagliliwanag? meron ba nun?” bigla akong napaisip ngunit nagkamali

ako ng tapak ng paa kaya tuluyan na akong nalaglag.

“Ang liwanag, nasaan ako? Nasa langit na po ba ako lord? Ang sakit ng ulo ko.”

“Ate! Ate! Kamusta ka na Ate?”

“Rica?” si Rica ang pinsan ko, magkasama kami since pinanganak siya kaya sobrang malapit kami sa isa't-isa.

Pagmulat ng mga mata ko, nakita ko nga si Rica na alalang-alala. Saka ko lang naalala ang mga nangyari kaya naman tumingin-tingin ako sa paligid para naman hanapin ang taong nagligtas sa akin.

“Rica? Nasaan na siya?”

“Sinong hinahanap mo Ate?”

“Yung taong nagligtas sa akin, nasaan na siya?”

“Ate, wala ka namang kasama, natagpuan ka sa ibaba ng building ng school natin na walang malay.”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Rica, ang alam ko may taong nagligtas sa akin, hindi kaya guni-guni ko lang un? Pero napakaimposible naman kung guni-guni nga yun.Kitang-kita  ng mga mata ko ang pangyayari at naaalala ko pa ang muka nya kaya hindi ako maaari magkamali. Pero isa lang ang pumasok sa isip ko, maraming salamat sa kanya at hanggang ngayon, patuloy pa rin akong humihinga.

Chapter 2

After 1 week…

"Ate gising na! may pasok ka na kaya?!"

"Rica…ang ingay mo,inaantok pa ako."

"Kanina pa kaya tunog ng tunog yung alarm clock mo! Pag di ka bumangon diyan Ate, hihilain ko yung paa mo pababa sa kama at dadalhin kita sa higaan ni Potchi!"

That Angel is My Savior!(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon