That Angel is My Savior!(on-going)

26 0 0
                                        

Chapter  2

After  1 week…

“Ate gising na! may pasok ka na kaya?!”

“Rica…ang ingay mo,inaantok pa ako.”

“Kanina pa kaya tunog ng tunog yung alarm clock mo! Pag di ka bumangon diyan Ate, hihilain ko yung paa mo pababa sa kama at dadalhin kita sa higaan ni Potchi!”

“ito na babang o n na oh.”

Si Potchi ang alagang aso naming sa bahay.St Bernard ang  lahi nya kaya masyado siyang malaki kumpara sa ibang aso.

1 week  na rin ang nakakalipas matapos ang insidenteng iyon.Hindi ko na sinabi pa iyon kay rica kung ano talaga ang nangyari,pero hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako noong mga panahon na iyon.

“Angelika,bumaba ka na diyan at kumain ka na dito, malelate ka na!” sabi ni Tita Carla(mommy ni Rica)

“opo Tita,pababa na ako.”

Si Tita Carla at Tito Robert ang nagpalaki sa akin dahil may kanya-kanya nang pamilya ang mga magulang ko.

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ako kay Tita para pumasok, nauna na pumasok si Rica kaya nagmadali akong nglakad .Habang naglalakad ako papasok sa school, may nadaanan akong isang sasakyan,mukhang mamahalin at papunta din sa gawing dinadaanan ko at tinutunton din ang daan papunta sa school. Huminto ang sasakyan sa tapat ng campus at may isang taong bumaba, kaso hindi ko nakita yung mukha ng lalaki kaya patuloy lang akong naglakad at hinayaan ko nalang.

Nang makarating ako sa tapat ng classroom, pagpasok ko palang maririnig na agad ang bulong-bulongan ng mga kaklase ko.As usual, madami silang tanong kung bakit daw ako natagpuan na walang malay sa baba ng building ng campus? At kung anotalaga ang nangyari sa akin, pero isa lang ang isinasagot ko sa kanila…”WALA” ayoko naman na sa buong school ay maging trending topic pa ako at baka ma-dyaryo at sumikat ako. Hahaha, sa bagay, baka pag kinuwento ko pa ito sa kanila ay pagkamalan akong baliw, halimbawa ganito.

Classmate: “uy angelika, ano ang nangyari?”

Ako: “ahh..kasi nagattempt ako magpakamatay kaso may taong nagliliwanag ang sumagip sa akin.”

Classmate: “hala!!! Nababaliw ka na angelika! Wag mo masyado dibdibin kung ano man yun, kawawa ka naman”

Oh di ba? Ganyan mangyayari sa akin pag kinuwento ko yung nakita ko.Anyway, halimbawa lang yan kung sakaling sabihin ko sakanila ang totoo.

maya-maya pa, dumating na rin ang prof namin na si Ms. Coronell.

“Goodmorning Class! Let's start our lesson for today and Ms.Dizon,welcome back to my Class, madami kang na-missed na lessons kaya bibigyan kita ng pamplet para naman makapag-review ka. Class remember, malapit na ang….”

Napahinto ang prof naming nang biglang may mukhang anghel na kumatok sa pintuan ng classroom namin,hindi lang si prof ang napahinto at napatingin, pati na rin ako at ang mga classmate ko na nangniningning ang mga mata.

“By the way Class, may bago pala tayong transferee galing sa ibang bansa. Go ahead,you may come and please introduce your self.”

“Hi i'm Angel  Jin Seuk, i'm half Filipino and half Korean, I came from south korea, nice to meet you all!”

“okay Class, be nice to your new classmate, Mr. Seuk please sit beside to Ms.Dizon. Anyway, as I said a while ago, malapit na ang midterm exam niyo kaya kailangan niyo mag-aral mabuti at magreview sa mga past lessons. Ms. Dizon, please come to my office para maibigay ko ang pamplet, tulungan mo din si Mr.Seuk sa ibang lessons.”

(School Bell Rings)

“Goodbye Class, see you tomorrow.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Angel is My Savior!(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon