Chapter 2
Still five years ago
Arnie's POV
At ganun nga nagsimula ang napakaboring kong love life. Siya si Jerry Malibog, ang first ever crush ko. Hindi ko pa alam noon na crush na pala yung nararamdaman ko sa kanya. At huli ko na rin nalaman na crush at first sight pala ag tawag doon. Eh sa wala pa akong alam sa mga ganitong bagay, sa pagkakaalam ko nagkita lang si Cinderella at ang kanyang prince charming tapos nagmahalan na sila. Ganun lang ang preference ko about love nung bata pa ako.
Kaya naman laking pagkaignorante ko nung makakita ako ng nilalang na kagaya niya. Sinabi lang ni Caz sa akin nung nasa bahay na nila kami kagabihan niyan na crush pala ang tawag don. Ikwenento ko naman sa kanya ang nangyari at tinawanan lang ako ng gaga. Pagdadalaga daw ang tawag don at ang mas tinawanan niya pa ako nung dinescribe ko sa kanya si Jerry. Sabi niya wala naman kaming classmate na kasing perfect na dinidescribe ko.Eh sa matangos daw ang ilong, almond shape at brown daw ang mata, kissable na lips at napakakinis na mukha ay mukha daw yun ng mga artista, wala daw siyang nakitang ganun na classmate namin sa Chemistry I. Pero nung sinabi ko naman na yung lalaking ka group ko kanina yung nakasuot ng all white ay ganito lang ang sinabi niya.
"Gwapo ba yon?" at tumawa pa siya ulit. Kaysa sa pagtripan niya naman ang first crush ko, eh nagchange topic na lang ako. kumagat naman yung gaga.
Nung second day naman ng pasukan, parang timang naman ako sa pagpasok. Opposite na opposite talaga kahapon. Excited na excited na kasi akong makita siya. Pakanta kanta pa ako habang pumupunta sa harap ng room namin.
Nung nasa loob na ako ng classroom namin, siya yung una kong nakita. Hindi niya ako napansin at first kaya nagdirediretso na lang ako sa upuan namin ni Caz kahapon at nandoon na rin si Caz nakaupo.
Uupo na sana ako nung mapansin na ako ni Jerry finally, at ang kumag nagsmile pa siya. Para naman akong nasa langit agad habang yung puso ko eh parang lalabas na sa ribcage ko sa lakas ng tibok. Dahil hindi ko naman inaasahan na magsasmile siya sa akin, iniwasan ko na lang ng tingin, parang nahihiya kasi ako. Kahit ako naman hindi ko naman inexpect na marerecognize niya ang presence ko, hindi naman kasi ako kagandahan.
Sa susunod na lang na magbabati siya sa akin, saka ko nalang siya babatiin. Hala! Kinikilig na ako.
"Hala caz! Nakita ko yun!" Nabigla naman ako ng may magsalita sa tabi ko. Si caz pala, gosh, naluluka na nga ako't nawawala na nga ako sa sarili ko.
"Caz bakit mo siya ini-snob. Diba siya yung guy na kwinento mo kagabi?" nalito naman ako sa sinabi niya. Ano yung snob?
"Ano yung snob caz?" Parang timang ko naman siya na hinarap. Tinignan niya naman ako nang "really?" look.
"Diba nga nagsmile siya sayo, tinignan mo lang siya at nag-iwas tingin na parang 'who you?'. Snob yun caz. Kulang na lang irapan mo siya at nasa bitch mode ka na." Explain niya.
BINABASA MO ANG
Thanks to Dota
Teen FictionSabihin man nila na may forever, na may eternity, destiny at happy ending. Hanggang don lang yon, kasi ang buhay pag-ibig ng isang tao ay hindi perpekto. May forever at eternity nga, pero hindi sa tao. May destiny at happy ending man, pero hindu lah...