02

209 15 8
                                    

Jennie

Touch down! Finally, after a long ass ride. Nasa busan na rin kami. Kanina sleepy head pa ang mga kasama ko but nagising ang diwa nila noong sinabing touch down na.

"Saan na tayo, Jennie?" Tanong ni Jisoo unnie habang kinukusot kusot ang mata.

"Sasakay na tayo ng bus para makapuntang hotel. Magpahinga muna siguro tayo dun sandali tapos punta agad tayo sa Gukje Market." Tumango tango naman sila saka naglakad papuntang station ng bus.

"Bus 90? Ito ba sasakyan natin?" Tanong ni Lisa. Tumingin ako sa bus at nakita kong papunta yun sa hotel na is-stayan namin.

"Oo..." Pagkasakay namin. Sila muna inuna kong paupuin then ako nagbayad sa bus. Libre ko muna sila ngayon pero mamaya sila magbabayad ng kakainin ko. Kailangan may kapalit no.

Pagkatapos kong magbayad. Umupo ako sa tabi ni Chaeyoung saka nagunat unat. Ang sakit ng katawan ko. Feeling ko nagbuhat ako kahit di naman talaga. May jet lag pa ata ako eh.

"Okay ka lang unnie?" Tanong ni Chaeyoung. Binigay niya sa akin yung tubig kaya ininom ko ito.

"Oo.. Hilo lang siguro to." Tumango tango naman siya sabay isinalpak ang earphones niya.

Di naman tumagal ang byahe namin. After a minute eh napunta agad kami sa hotel na pupuntahan namin.

Pagkapasok sa hotel. Agad akong pumunta sa check-in desk.

"Uh I have a room reservation. A room for 4 people to be exact." Tumango ang receptionist at tinignan ang computer.

"What's your name ma'am..?" Agad kong sinabi ang pangalan ko at tila ba nagulantang ang mundo niya. Fan ko siguro siya? Ganda ko kasi eh, Joke.

"O-oh here's your keys ma'am. Room 128 second floor." Binigay niya sa akin ang keys kaya tinanggap ko iyun.

"Second floor daw tara." Agad kaming pumunta sa elevator. May operator doon kaya tinanong kami kung saang floor kami.

"Second." I simply said.

Agad kaming nakapunta sa second floor. "Anong room ulit tayo?" Tanong ni Jisoo unnie.

"128." Agad namang humagikhik si Lisa kaya nagulantang kami. Nasasapian siguro ang isang ito.

"Sayang naman! Dapat 127 eh. May unit na 127 sa nct eh. Naalala ko tuloy bigla si Chittaphon." Tumawa tawa naman siya na para bang nahihibang at nagf-fantasize kay Ten.

"Ten na naman tsk tsk. Nandito naman si Chaeyoung pero si Chittaphon pa din tsk tsk." Gayshit! Mukhang di napagod ang mga to ah.

"Manahimik na nga kayo diyan. Ito yung room natin oh. Akin na yung key, Jen." Binigay ko naman agad kay Jisoo unnie yung keys. Binuksan niya iyun at nakapasok naman kami kaagad.

Agad akong nagpalit ng damit. I mean- Yung kumportable. Kailangan ko na talagang matulog. Bibigay na ata itong mata ko.

"Buti naman nakapunta tayo rito ng maayos. Akala ko sumunod yung mga sasaeng natin eh." Sambit ni Lisa. Di na ako sumingit dahil masyado na akong pagod para sumingit pa.

"Sasaeng ba yun?! Anti yung mga yun eh! Nakalmot kaya ako nun last time. Ang tutulis ng mga kuko. Qualified na ngang maging pusa ang mga iyun gash!" Sambit ni Chaeyoung kaya bahagya kaming napatawa.

Nagpatuloy lang sila sa paguusap tungkol sa sasaeng at syempre di mawawala sa usapan si Chittaphon. At dahil doon, Agad akong nakatulog.

Rosé

Papunta na kami sa Gukje Market. Mamimili ng souvenirs at pagkain daw namin. Hindi ko talaga alam kung anong trip nila at pupunta pa kami dito eh pwede naman kami sa hotel or magparoom service na lang. Pero sabi nila iyun daw gagamitin naming pagkain para sa Haeundae.

"Kain muna kaya tayo?" Suggest ni Jisoo unnie. Tumango tango naman kami sabay naghanap ng pwedeng kainan doon.

Agad kaming umorder ng seafoods saka kumain ng kumain.

Pagkatapos naming kumain. Hindi na natigil si Lalisa sa pagsasabi na ang sarap daw nung kinain namin. Ibang klase talaga ang isang to ano.

Nagtingin tingin kami pero si Jisoo at Jennie unnie lang ang mismong pumipili. Malay ko ba sa shopping shopping na yan? Tsaka wala ako budget! Nasa kanila yung pera no.

Nagtingin tingin lang ako saka nakakita ng pink bracelet. Ang ganda niya. Mahilig pa naman ako sa pink.

"Bibilhin mo?" Tanong nung nagbebenta. Awkward akong tumawa saka umiling.

Gusto ko mang bilin... Wala si Jennie unnie. Wala akong sponsor!

Kinuha ko yung bracelet tsaka sinuot sa kamay ko. Ibabalik ko na sana ng may biglang nagsalita.

"Bagay sa'yo yung bracelet." Tumindig balahibo ko sa boses niya.

Tumingin ako sa gawi niya at muntik nang tumulo ang laway ko dahil sa nakita ko.

Shit!

Ito yung crush ko! Si Jung Jaehyun.

Vacation ; NctpinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon