Chapter 1
Ito yung mga araw na gusto na lang niyang matapos na lahat ng pasakit sa buhay niya. Pero kahit gusto man niya ay walang siyang magawa. Yun naman lagi eh.
Napabuntong hininga na lamang si Yra, at tumingin sa unti-unting pag baba ng araw.
"Lalim ng iniisip mo ah."
Napatingin siya sa taong nasa tabi niya at napataas ng kilay.
"Excuse me?" Mataray na tanong niya dito.
Natawa na lang ang lalaking katabi niya at napailing.
Hindi na lang pinansin ni Yra ang lalaki at pinag patuloy ang pag mamasdan sa araw.
"Ang sakit no?"
Hindi sumagot si Yra at tumingin lang sa senaryo sa harap niya.
"Yung ginawa mo na lahat pero di pa sapat."
'Jusko humuhugot pa to' isip ni Yra.
"Pero alam mo... kahit na ganon? May parte pa rin sa akin na masaya."
'Iwan mo na ako, wag ka ng mag kwento. Hindi ko kailangan ng life struggles mo.'
"...masaya ako na at least nadama ko na minahal niya rin ako kahit konti."
Natawa ang lalaki at napa iling.
'Baliw siguro to, tumatawa mag isa.'
Mula sa peripheral vision ni Yra nakita niya na tumingin ang lalaki sa kanya.
"Iniisip mo na siguro na baliw ako." sabi nito.
'Oo, tumpak ka diyan. Kaya tumigil ka na kasi ayaw ko pang isipin ang mga problema mo. Wag mong i-share, kontento na ako sa lahat ng pinag dadaanan ko ngayon.' pabalang na pag sabi ni Yra sa isipan niya.
"Alam mo mukha kang tanga eh no?" Biglang sabi ng lalaki.
Napaharap si Yra sa sinabi niya at humalukipkip.
"Aba, ikaw pang may ganang sabihan ako na isa akong tanga ah. Ikaw kaya yun, umasa ka kasi." Sagot ni Yra at tiningnan ang lalaki na parang nag hahamon.
"Oo, umasa nga ako pero ako nag ka relationship. Ikaw para kang tanga diyan sa suot mong sapatos. Di pa man parehas suot mo. Yan tuloy pinag titinginan ka ng mga ibang tao."
Muntik ng napanganga si Yra sa sinabi ng lalaki. 'Aba, yabang nito ah! Porket NBSB?!'
"Hoy! Parehas kaya sapatos ko tingnan mo pa--" napatahimik so Yra ng makitang hindi nga parehas ang suot niyang sapatos.
Yung isa Adidas tapos Nike.
Tiningnan niya ang paligid at namula siya sa hiya ng makitang may ibang taong tahimik na tumatawa o nakatingin sa kanya.
"Oh, tama ako eh. Tanga ka nga."
Galit na tiningnan ni Yra ang lalaki at hinila ito habang mabilis siyang nag lalakad.
"H-hoy! San mo ko dadalhin? Hon, naman pupunta na naman tayo sa room mo? Eh kakatapos lang natin eh! Grabe ka naman hon, adik ka ata sa ano ko---"
"ANO BA PROBLEMA MO?!" galit na tanong ni Yra ng maka rating sila sa wala masyadong tao na lugar.
Tumingin lang pabalik ang lalaki, nag tataka.
"Ha? Ako? Oo may problema ako yung ex--"
Huminga ng malalim si Yra, 'Na kaka beast mode tong taong to grabe.'
"Hindi yon. Tahimik lang ako dun sa lugar ko tapos bigla kang darating at iku kwento mo buhay mo? Hindi ako agent ng MMK o Magpakailanman di ko kailangan ng istorya mo. Tapos bigla mo akong tatawagin na tanga? May saltik ka ba o ano?" Mapag timping tanong ni Yra.

BINABASA MO ANG
Through the Eyes Of
RomanceBawat tao ay may perception sa buhay. May mga taong ang tingin dito ay blessings. Mayroon ding hindi. Maraming problema man ang kahaharapin sa buhay mayroong mga taong hindi sumusuko. Pero mayroon ding gusto na lang mamamatay para matapos na ang lah...