Chapter 3

21.1K 671 22
                                    

Chapter 3 :


Sky's POV


" Teka nga ? Bat parang marami ka atang alam sa kagaya nila ? Gangster ka rin ba ? " takang tanong ni Daldal na ikinagulat ni Nerd


" H-hindi ah ! Mahilig lang talaga ako sa mga kagaya nila, lalo na at gangster rin yung kuya ko " depensa ni Nerd at bahagyang napayuko


" He's already gone " sabi ko rito na ikinaangat ng tingin nito, tingin na nangungulila at lungkot, so, tama ako


" Ano ba nangyari sa kuya mo ? " alanganing tanong ni Daldal


" Namatay siya 3 years ago, nung magkaroon sila ng Gang War " mapait nitong sabi


" Ano pa bang alam mo sa mga Gangsters ? " pag-iiba ko sa usapan


Tiningnan naman ako ni Daldal na parang nagulat sa tanong ko


" Interesado ka rin sa kanila Sky ? " takang tanong nito na pinagkibit balikat ko lang


" Hindi ata magandang dito tayo mag-usap tungkol dyan " alanganing sabi ni Nerd bago pasimpleng nilibot ang tingin


" Sa Garden na lang tayo. Alam ko namang mamaya pa rin ang klase niyo " suhestyon ni Daldal na may nakakalokong ngiti


At dahil tapos na rin naman kaming kumain ng di napapansin ay tumayo na rin kami. Nasa may gitna na kami ng biglang natapilok si Nerd o sadyang pinatid


" Aray ! " daing nito ng mapaupo sya sa sahig kasunod ng malalakas na tawa


" Ay ! Lampa talaga ang mga nerd. Haha ! " malakas na sabi ni Stella


Agad namang lumapit si Daldal kay Nerd para tuluyan itong makatayo. Lalapit na rin sana ako ng maramdaman ko ang malamig na likido na dumaloy mula sa ulo ko na ikinasinghap ng karamihan


" Oops ! Baka kasi naiinitan ka, kaya tinulungan na kitang palamigin " nang-aasar na sabi ni Stacey ng lingunin ko ito


" Oh my ! Sky ! " lalapitan na rin sana ako ni Athena ng mahigpit siyang hinawakan ni Janice sa braso


" May atraso ka rin samin " nakataas pa ang isang kilay nito at tiningnan ng masama si Athena


Napapikit na lang ako, hindi dahil sa nangyayari kundi dahil sa ramdam kong magbabago na naman ang kulay ng mga mata ko, shit ! Hindi to pwede


Ethan's POV


Ano ba yan ? Hindi talaga nauubusan ng tili ang mga babae, pati ba naman dito sa Cafeteria ? Iba talaga pag gwapo ka *winks*


" Naku kambal, alam ko na laman ng utak mo " basag sakin ni Nathan


The Elementalist ( She's No Ordinary ) [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon