Author's Note 1: The first parts of the story will be in Jessy's point of view. FYI, madaldal po ang character ni Jessy, and the whole Prologue will only be attributed to her life BEFORE Mr. TGTBT. Just so you know, she's a big sharer. Expect this Prologue to be long.
A/N2: For readers who easily get bored at hindi interesado sa buhay ng bida (sa part na hindi pa connected sa title ng storya), you might want to skip the Prologue. Introduction pa lang naman 'to.
*Jessy's POV*
Bago ko isalaysay ang masaklap na buhay ko sa kamay ng lecheng pag-ibig na yan, pakilala muna ako, para mas maawa naman kayo sa akin. LOL. De, para naman mailagay niyo ang sarili niyo sa sitwasyon ko, para maintindihan niyo kung gaano kasakit maging ako!
Ay, pambungad drama agad eh noh? Eto na. Pay attention. HAHA. De, kasi parang pang-MMK ang storya ng buhay-pag-ibig ko. Para char!
Ako si Jessybelle Marish Castrodes Fortaleza. Bente anyos. Hindi ko gusto ang pangalan ko, feeling ko kasi ang jologs at hindi ko alam kung saan 'to napulot ng nanay ko at ito yung pinangalan sa akin. May "Belle" ako sa pangalan pero di po ako kagandahan. Kulot ang buhok na damaged, hindi pantay ang skin tone, maraming pimples, at inaasa nalang sa makeup ang mukha para masabihang maganda. I believe kasi that putting on makeup is an everyday art. Charot! Mataba rin po ako. Pinaganda lang yung "chubby" eh, pero tanggap ko ang fats ko kahit hindi ko 'to pinaghirapan. 38-32-40 nga ang vital stats ko. In short, I have nothing special physically. (Bawi-bawi nalang sa acads.)
(A/N3: You can skip reading the next paragraphs kasi medyo boring, baka mayabangan pa kayo, patrivia-trivia pa lang 'to, di pa yung love-love na part. Hanapin niyo lang yun tatlong asterisks " *** " baka dun pwede na.)
Anak ako malamang ng nanay at tatay ko, at ako ang bunso sa aming magkakapatid. Nakatira kami sa Bohol ng pamilya ko, at sa tanging syudad sa Bohol ako nag-aaral. Fourth year college na ako, sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Mathematics.
Kung bakit ako magte-teacher ay dahil sa ambisyon ko 'to mula Grade 1, kahit pa hindi ako masipag sa school works, pero ginusto ko lang talagang maging teacher pagdating ng araw.
Kung bakit sa high school ay dahil ayokong magturo sa klase ng mga maliliit na bata na maiingay, malilikot, at mga dependent; hindi ako pasensyosa kaya good luck nalang sa akin pag nagturo na talaga ako.
Kung bakit major in Math ay dahil mahal ko ang Math nung elementary ako, I hated it when I was in high school, at dahil hindi ko alam kung ano na ba talaga pagdating ng college kaya naisipan kong kilalanin pa ito nang mabuti just to realize that I love AND hate Math at the same time; kung paano at kung pwede bang mangyari yun ay hindi ko alam. Okay na rin, kasi sabi ng mga tao, pamilya daw kami ng mga kumakain ng numero. Char lang.
Masasabing achiever ako, pero hindi ako pala-aral o palabasa na estudyante. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang makapasok sa honors kahit hindi ako nagsisikap, hindi sa pagmamayabang, pero baka dahil lang 'to sa genes or whatever.
Naggraduate ako ng kinder na salutatorian, ginawa namang assurance ng pamilya ko na nagkaganun lang (daw) dahil sa favoritism. Aba malay ko, wala pa akong kamuwang-muwang dun tungkol sa mga honors-honors na yan.
Nung elementary ako, panay akong sumali sa contests, lalo na sa Math, yung mga MTAP, super quiz bee, etc. Simula Grade 1, first honor ako, at naggraduate akong Valedictorian, char naman, tsumamba lang.
YOU ARE READING
Falling for Mr. TGTBT (Too Good To Be True)
RomanceAko si Ms. Hopeless Romantic, Wattpad writer, in a six-year relationship, lakas makapaniwala sa destiny at sa powers ng universe (pero hindi sa forever), kahit alam ko na nagpapaka-"hopeless romantic" lang ako. ISANG GABI, NAKILALA KO SIYA. And my l...