2017.
So far ang malas-malas ng mga nagaganap sa buhay ko. #struggleisreal talaga sa unang mga araw ng bagong taon na 'to. For sure magkakandamalas-malas ako throughout the whole year. I figured, damn! 2017 might not really be a good year for me. #superstitiousbelike. Hmmmn.
Kakauwi ko lang galing school. Heartbroken ako ngayon.
Naaalala ko, nag-end yung 2016 ko na hindi pa kami natatapos sa mga kailangan namin for our thesis proposal. Graduating nga pala ako ngayong sem na 'to, pero dahil sa thesis eh hindi na ako masyadong sigurado.
Matagal-tagal na nung nagtaning yung Dean namin sa deadlines ng thesis proposals at defense, November pa nga yun nung 2016 hanggang sa inextend ng December. Technically, dapat hindi na kami allowed na magpropose, which would mean that we're doomed to not graduate this semester (BTW, by group kasi kami gumawa ng thesis, groupmates ko mga ka-major in Math ko lang din), kasi nga lagpas na lagpas na sa deadliest deadline.
Kinapalan na nga lang namin ang mga pagmumukha namin, lalo na ako kasi ako yung leader, para magBEG (oo, BEG talaga) na bigyan kami ng chance to propose this first month of the new year, kahit late na, basta lang makagraduate kami ngayong March. Isa kami sa tatlong grupo na nagrant yung request. Salamat nang marami, Sir Dean!
Kaso, hindi ko alam kung saan ako nakatagpo ng itim na pusa, o kung may balat ba ako sa pwet na hindi ko alam kasi hindi ko makita sa salamin o kaya invisible, o kung malas lang talaga ang pagmumukha ko at yung thesis proposal namin ay na-REJECT. Anak ng pating! Sa lahat ba naman ng bagay o pagkakataon na mare-reject ako, eh dito pa sa thesis proposal na 'to na nakataya ang paggraduate ko.
Akala ko masakit na yung breakan ka ng kasintahan mo. Akala ko masakit na yung hindi ka crush ng crush mo. Akala ko masaklap na yung male-late ka na nga pero lahat ng parahin mong tricycle tinatanggihan ka. Akala ko masaklap na yung isang point nalang, papasa ka na sa major exam. Akala ko masaklap na yung magpa-pass ka ng assignment o project nang late at hindi tinanggap ng instructor niyo. Eh may mas titindi pa pala sa mga rejections na yun.
January 11, 2017. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'to. Isa sa mga pinakamasakit na rejections na nangayari sa buong buhay ko. Hindi ko man masyadong sineryoso yung pagte-thesis na yun, pero kasi eh, yung time, effort, pera, at kung anu-ano pa... nasayang eh....
Yun bang pinaglaban mo, kaso ni-reject talaga at ang tanging sinabi nalang eh, hindi daw magwoworkout kung ipagpapatuloy namin, kaya ang suggestion maghanap nalang daw kami ng bagong study. Parang relationship, ganern? Ang sakit lang :'(
Kaya eto, umuwing luhaan ang lola niyo. Chosss! Hindi naman luhaan. Wasak lang ang puso. Yun.
"Uyy Kulot, anyare sa'yo? Ba't parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" pambungad ng ka-roommate kong si Edang pagkadating ko sa boarding house. "Kulot" tawag niya sa 'kin, tsaka yung ibang mga ka-close ko. Ayaw na ayaw kong nakiki-"Kulot" sa akin yung mga bagong kakilala o ano, aba'y ang fi-feeling close eh noh?
Gusto kong maiyak, pero pinigilan ko. Mamaya nalang siguro pag patulog na ako.
"Naalala mo na ngayong araw kami magpo-propose ng thesis?" sabi ko habang nilalapag sa lalagyan yung mga dala ko from school."Oo nga pala, kumusta yun? Ano, di ba kayo natuloy?" takang tanong ni Edang.
"Worse than that." I sighed as I lay on my bed, kahit nakauniform pa lang ako. Gusto ko nalang matulog! Hindi pa ako maka-move on eh.
Hearing no response, tiningnan ko si Edang. She still had that confused look on her face.
Halos mangiyak-ngiyak, naka-pout kong sagot, "Edang... Na-reject yung thesis proposal namin." At saka pangawa-ngawa kong isinalaysay ang masaklap na pangyayari kanina.
YOU ARE READING
Falling for Mr. TGTBT (Too Good To Be True)
RomanceAko si Ms. Hopeless Romantic, Wattpad writer, in a six-year relationship, lakas makapaniwala sa destiny at sa powers ng universe (pero hindi sa forever), kahit alam ko na nagpapaka-"hopeless romantic" lang ako. ISANG GABI, NAKILALA KO SIYA. And my l...