Chapter 1: THE SECRECY
Nakikita ko ang sarili ko. Masayang masaya akong naglalaro kasama ang mga kaibigan kong pixies. Hinahabol ko yung mga pixies habang lumilipad sila. Ang saya lang sana hindi na to matapos.
Kung gaano ako kasaya parang higit pa ang kasiyahan na nararamdaman ng aking mga magulang na pinapanood ako sa ilalim ng isang glowing oak tree.
Nung medyo napapagod na ako kakatakbo.. “ Waaaaah! Andaya niyo naman frendy pixies kayo nakakalipad ako hindi! >~< “ sabi ko habang nakapout. Aba nakakapagod naman talagang magtatakbo dito paikot-ikot noh di tulad nung mga pixies ang saya saya nilang lumipad! *u*
“Kawawa naman ang prinsesa ella ko nakabusangot, gusto mo bang makalipad anak? Hahaha. “ aba! Awtomatikong nagsikislapan ang mga mata ko sa tuwa sa sinabing iyon ni papa.
“ Opo! Opo! Opo! Gusto kong matutong lumipad! Gusto kong makalipad kagaya ng mga kaibigan kong pixies! Gusto kong lumipad papunta doon sa ulap! Parang mas masayang maglaro doon! *o* “ naiisip ko pa lang na makakalipad ako at makaklulutang sa ere na-eexcite na ako kakaibang experience to siyempre!
“ Kung yan ang gusto mo aking mahal na prinsesa, masusunod. Pero maari mo bang isara ang iyong mga mata? “ ipinikit ko nalang ang aking mga mata. Kaiba talaga tong si papa pa-suspense pa eh! XD
Noong nakapikit na ako may binanggit na kung anong spell si papa at parang unti unting gumagaan yung pakiramdam ko. Biglang pumitik si papa at naramdaman ko na parang umaangat na talaga ako sa lupa dahil don napamulat ako at napansin kong nakalutang na nga talaga ako sa ere! Ang galing talaga ng papa ko the best! (/*o*)/
“ Waaaaah! Ang galing galing mo Papa! I Love you! Lab you Papa! Salamat papa! Yuhooooooo! *o* “ Niyakap ko sa si Papa at hinalikan ko siya sa pisngi dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. Tapos sinubukan kong lumipad kagaya ng mga kaibigan kong pixies at ang galing talaga! Nag-fefeeling pixie ako ngayon. Hahaha XD Pero siyempre napagod din ako kaya nagpababa na rin ako.
“ Grabe papa, ang galing galing mo! Hindi ko akalain na makakalipad talaga ako. Akala ko jino-joke mo lang ako na pwede akong makalipad ehh! Paglaki ko Papa gusto ko maging katulad mo. Gusto ko maging malakas at magaling makipag laban tulad mo. Sabi ng mga kaibigan ko at maraming mga tao ay idolo ka daw nila kayo dahil magaling ka daw pong wizard! *u* “ dire diretso kong sabi kay papa. Well, totoo naman talaga na isang magaling na wizard si papa dahil napapanood ko siyang magtraining ng mga kawal namin at sa mga lower class wizards eh. Halos lahat ng mga tao ginagalang nang husto si papa dahil siguro magaling talaga si Papa.
“ Alam mo anak, mas malayo pa ang pwede mong marating kesa sa akin. Alam kong kaya mong higitan ang lakas na aking taglay. Mas malakas ka sa akin anak pero hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat ng mga bagay. “ seryosong sabi ni papa sa akin.
Bakit ganun? Parang may ibang ibig sabihin si papa sa bawat salitang sinasabi niya. Parang andami ko atang hindi alam? Naguguluhan ako.
“ Pa, anong ibig mong sabihin? Malaman ang lahat ng bagay? Meron po ba akong hindi nalalaman?” inosenteng tanong ko kay papa kasi talagang naguguluhan na ako.
“ Anak ko, wag mo masyadong isipin ang mga sinabi ko sa iyo dahil malalaman mo rin iyon sa tamang panahon. Hindi natin pwedeng madaliin ang tadhana kahit ano pang gawin natin hindi natin maiiwasan ang itinakda para sa atin. Hawak mo ang desisyon para sa nakatakda sa iyo. Basta lagi mong tatandaan na ang bawat desisyon na gagawin mo ay dapat para sa kabutihan at sa ikaliligaya mo.”
BINABASA MO ANG
Loving Death
FantasyHello there readers! Take note po ang genre ng story na to is FANTASY. Fantasy po siya kaya kung may mabasa man kayong mga out of this world gawa po ito ng mapaglaro kong pag-iisip kaya wag na kayong magtaka dahil medyo loka po ang sumulat nito.Haha...