1

11 0 0
                                    

Them


"ANO? Ano kamo? Aba sumosobra na talaga yang Reyes na yan ah!" reklamo ni Aaron. Ano nanamang pinaglalaban ng bakla?

"Sakin nya ginawa bakla ka. Atsaka, wala nanaman yun." sabi ko

"Anong wala?" sabi nya habang tinitignan ako ng masama

Aba, hindi ko naman talaga binibigyan ng malisya yung ginawa ni Brian. Normal 'yon. Magpupustahan sila tapos ako ang naging-- patay.

"Ano narealize mo ng gaga ka? Hindi ito papalampasin ng kuya mo at ng mga pinsan mo. Isa ka pang bakla ka!" inis na sabi nya.

"Hindi naman nila malalaman kung walang magsasabi diba?" sabi ko nalang. Alam kong wala akong laban pagdating dito. At baka pag nagsalita pa ako manumbong pa 'to.

"Patay ka talagang babae ka pag nalaman 'to. Hays wag lang pati si papa Mason magkaroon ng pasa at naku!!!" sabi nya na nagtititili na. 

"Ako nanaman nakita mo, Aaron ah. Umisa kapa." 

Naglakad lakad lang kami. Matagal pa naman ang susunod na klase namin.

Ang course na kinuha ko ay Tourism, at well, nandoon si Brian na nang bully sakin. Lagi nya kasing tinatanong kung pwede ko ba daw syang tulungan kay Charlotte na pinsan ko. At lagi ko namang sinasabi sa kanya na itanong nya sa kapatid non eh ayaw. At ako naman ang pinagbuntungan.

Nangyari yung kay Brian kanina lang bago matapos ang Second Subject at lagot talaga ako kay Kuya ko pag nalaman nya.

"Gaga! Gaga uy tignan mo!! Ay nandun si bebeloves ko!!! Ikaw kasi eh!" sigaw ng bakla

"Ano?" 

"Yung mga pinsanin mo! Ay talaga nga naman. I smell something bang bang. Hu!" sabi nya at nagpapaypay ng sarili.

Pinsanin... pinsan.

"Ano??" wala na ba akong masabi kundi ano?

"Sige, ano ka ng ano. Papunta sa Room 8. E diba yun yung lungga ng mga kalahi ni Reyes? Myghaad." 

Pag kasabi nya ng mga sinasabi nya ay tumakbo na ako para puntahan yung mga pinsan kong lokoloko na nakapasok na sa loob. Sinasabi ko ng wag ng papatol eh.

Patuloy lang ako sa pagtakbo at ng marating ko na yung Room 8 ay mabilis akong pumasok para harangin na sila. Pero..

"Diba sinabi kong wag mong papatulan ang pinsan ko ha?" Sigaw ni Julian

"Jul.." mabilis kong singit 

"You have no rights to even lay your f*cking fingers on her! How dare you!" sigaw narin ni Charlotte.

"Huh, eh bastos sa usapan yang si Monte eh. Kung makaasta.." hindi natuloy ang sasabihin nya dahil sa kinuwelyuhan na sya ni kuya.

"Kuya Landon ano ba." pagpipigil ko.

Nasa ganong kalagayan kami ng biglang may tumikhim sa likod namin. At sasabay kaming napatingin dun. 

The Valdemore Cousins.

"Binalaan na namin kayo Reyes ah? Makulit talaga?" sabi nung isang lalaki.

At napansin kong nasa likod pala si Aaron kaya sinenyasan kong pumunta sakin

"Gaga, Nandito rin sila Ezekiel. Omyghossh." bulong sakin ni Aaron.

Sino daw?

"Hindi talaga titigil. Lakas bro." sabi pa nung isa pang lalaki na nakikipag apir sa isa pang lalaki. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AWhere stories live. Discover now