CLASH 😋

225 7 12
                                    

KAYE

..noon bawat letra ng kanta ramdam ko.. pero ngayon bawat titik ng kakantahin ko..tagos pa sa  pwede mong isipin..di ko maipaliwanag.. saan..kailan nagsimula. yung magising ka nalang na litong lito ka.. sa damdaming pinipilit mong kitilin..yung pinapakahulugan mo nalang na isang normal na atensyon lang para sa isang kaibigan ito..

pero bakit??

madamdamin na siwalat ko kay miss ad.

di ko na kayang itago pa to sa kanya napansin kasi nito na matamlay ako mula ng makauwi galing sa zamboanga.

..yung makita mong di mo kayang tapatan ang kong ano mang meron sila.. oo magkababata. mag kaibigan..pero yung nakita kong ngiti sa mga mata niya tuwing nag uusap sila ay di ko makita pag magkasama kami..kahit gaano ko iparamdam na iba na ang pagtingin ko sa kanya. wala parin..

patuloy ko.

tahimik lang si miss Ad. nakikinig lang sa akin.

..at alam mo ba parang sasabog ang puso ko ng makita ko silang magkayap.. ng gabing yun..

bumalik ulit ang pangyayaring nagpapalungkot sa  akin puso ngayon.

nagkaroon ng konting salo salo. pansin ko ang kakaibag palitan ng tingin nila tisay at toni.pero di ko na binigyan ng ibang kahulugan pa.

maaga kaming nagpahinga ng gabing yun nagpaalam na rin ako  sa pamilyang tinuluyan namin.

di ako maka tulog  kaya naisipan kong magpa hangin sa labas.
pero anong pagkabigla ko ng may marinig akong nag uusap sa di kalayuan.

hinanap ko kong saan ito galing.
ng makita ko ang dalawa.
nakatalikod sila mula sa kinatatayuan ko..

..ikaw din ingat ka..tawagan mo ako agad pag nasa maynila ka ha..

dinig kong sabi ni tisay..

aba sempre!! mamimiss ko ata ang mahal ko..
sagot naman ni toni dito. sumunod na nga ang pagyayakapan ng dalawa.

di ko kaya ang nakikita ko..
mabilis akong umalis doon at pumasok sa kwarto..

yung gusto mong manakit.magsisigaw pakiramdam ko ginamit ako ni tisay..
pinili niya dito kina toni..
kong pwede namang ipilit nito na mag hotel o alin mang inn kong anong meron dito!!

ilang gabi na ganito ang ginagawa nila. ilang gabi na nagtatagpo sila sa dilim!!!
ahhh!! sh***!!
mababaliw na ako sa naiimagin kong nangyayari habang akoy tulog..na akala ko mahimbing din itong nagpaphinga..

...kaye.. yan nga yung sinasabing love at the wrong time..mayroon na siyang mahal.. nakilala mo siya sa alanganing pagkakataon.. di naman love story hanap mo. maid diba!!? so ano ngayon drama mo..

tinignan ko miss ad ng masama.
kahit kailan talaga napaka taray nito pagdating sa love problem ko..

kay janet nga tinawanan pa ako..
pano ba naman kasi umiyak ako noon sa kanya..

o tissue!! magpunas ka ng sipon! asar nito sa akin alam ko namang wala dahil ayaw ko ng umiyak. pinangako ko sa sarili ko yun..

o ngayon ano na.. akala ko ba si janet pa rin..?
tinanong pa talaga e.

akala ko din e.
mahinang sagot ko.

ilang babae naba ang ikukwento mo pa.. iiyakan at sasabihin huli na?
si miss ad.
seryoso ito.

iba to!!
diin ko

oo alam ko iba talaga si tisay sa lahat. yung di mo type..na sinasabi mo..
at iba din ang drama mo ngayon. award winning!!
pang iinis pa niya.

TADHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon