Chapter 1

6 0 0
                                    

Chapter 1: 

"Zara, ano ng balita? Naka-hanap ka na ba ng matutuluyan mo?" tanong ng bespren ko sa kabilang linya. Halata naman sa boses nito ang pagaalala dahil malapit na din ang pasukan. Eh? Ano connect? Hindi ko din alam, haayss. Ganito ba talaga ang epekto kapag namo-mroblema ako?

"Hikari... Huwag kang magalala," sabi ko sa kabilang linya habang palipat-lipat ng channel sa tv, mamaya magulat na lang ako sira na pala yung tv dahil kanina pa ako palipat-lipat ng channel, kahit paulit-ulit lang din ang mga nakikita kong mga palabas. Kaya agad kong pinatay ang tv at umakyat na lang sa kwarto ko.

"Anong huwag mag-alala? Sira ka na ba talaga? Wala ka na ngang matutuluyan tapos sasabihin mong huwag akong mag-alala? Eh kung pwede nga lang kitang batukan diyan, edi sana kanina pa kita binatukan *Batukan mo! Huwag lang puro salita!* TUMAHIMIK KA DIYAN KAORU! *Ano sabi niya? Meron na ba siyang nahanap? Sabihin mo, dito na lang kasi siya tumira okay naman kay mommy at saakin!* Wala siyang paki sa nararamdaman mo Kaoru!" rinig kong sabatan ang dalawa sa kabilang linya. Itong dalawang kambal na ito hindi ko alam kung dalawang beses ba iniri ni tita at ganiyan kakulit.

Napa-iling na lang ako sa kawalan at pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa malambot kong kama.

"Oo nga Zara, ba't ayaw mo dito sa bahay? Ayaw mo ba akong maka-sama?" nagtatampong saad ni Hikari na agad kinatawa ko, isa pa hindi ko din alam kung paano ko ba sila naging kaibigan. Eh mas matino naman ako kesa sa mga 'to, gawin ba namang tabo yung bote ng yakult.

"Ayaw mo ba akong makasama, Zara ko~" rinig ko namang nag-salita si Kaoru sa kabilang linya.

"Sabi ko nga saiyo, wala siyang paki sa nararamdaman mo!" harsh na sinabi ni Hikari sa kambal.

"Eh kung pag-salitain niyo kaya ako? Ang sarap niyong itapon sa North Korea! HINDI PA AKO TAPOS SA SASABIHIN KO!" sigaw ko sakanilang dalawa

"Easyhan mo lang Zara hehehe. A-ano iyon?" nau-utal na sagot ni Hikari sa kabilang linya. Natakot tuloy ang babae.

"Gaya nga ng sabi ko," at balik normal na ulit boses ko, sabi sainyo eh. Mas matino ako sakanila. "Huwag ka ng magalala dahil may nahanap na ako, boarding house siya actually tapos mura lang kaya keri!" sabi ko naman habang umiikot-ikot sa kama ko.

"Ang taray naman, boarding house! Gusto ko din sana ng ganiyan, magbo-boarding house na din kaya ako!" sabi ni Hikari na kina-tawa ko na naman.

"Sige subukan mong mag-boarding house, lagot ka kay mommy! Paniguradong ibo-bored ka niya sa house na ito" rinig kong sabi ni Kaoru. Totoo rin naman kasi ang sinabi ni Kaoru, hindi pinapayagan si Hikari na mag-dorm or boarding house o kaya naman bumukod ng bahay, actually dalawa silang hindi pwede sa ngayon.

"Epal ka talaga kahit kailan 'no? Hindi ko alam kung paano kita naging kambal eh" sabat naman ni Hikari sa kambal, "Pero Zara, bakit ba kailangan mong mag-boarding house pa? Eh ang yaman-yaman niyo naman, may sarili rin kayong bahay. Hindi ka man lang magkwe-kwento diyan?" nagtatampo ulit na sinabi ni Hikari

"Ayun na nga eh, ang yaman ko kaya magbo-boarding house" sabi ko naman at tumawa sakanila dahil sa sabay silang nag-react sa sinabi ko.

"Ewan ko saiyo Zara, ang labo labo labo mo kausap! Hinding-hidni kita maiintindihan!"

"Nag-salita ang naiintindihan ko" sabat ko naman sakanya. Maka-lipas ang ilang minutong paguusap naming tatlo ay binaba na nila dahil tinatawag na sila ni tita at may pinapa-gawa sila ng mga gawaing bahay na kina-reklamo agad nila.

"Zara!" narinig ko naman ang biglang pag-bukas ng pintuan sa kwarto ko at ng tinignan ko ay ang nanay ko pala na naka-ngiti saakin.

"Ma, bakit?" pagtatanong ng nakita kong naka-ngiti pa din si mama saakin, bumangon ako sa pagkaka-dapa ko sa kamay at naka-indian seat na umupo dito.

Can  You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon