<3 >>16 police vs realista

1.4K 16 7
                                    

ate cathlyn para sayo tong ud nato kasi every chappy vinovote mo^__^ saka kahit busy ka binabasa mo to^^ 

Aye Pov

 Ilang araw ko nang di nakikita si Ross miss k------

Err. ano ba yang sinasabi ko bakit ko naman mamimiss yung pang patay na bulaklak na yun! e pahamak yun sa buhay ko at pag wala siya tahimik ang mundo ko pero bakit ganon na iinip ako at hinihiling na magparamdam siya sa akin. Ano ba yan! nasasapian na ata ako ng kaluluwa na ang operator e si Ross! Tama na nga kahit ano naiisip ko na walang sense! Kasi naman kahit wala na nga yung exsitence na ngayun e gumugulo pa rin siya sa isiipan ko and i hate it!

Nandito pala kami sa tooot street (wala akung masabi na street e) dahil sa mga mamamayan na nagrarally dahil sa pagdedemolish sa mga kanilang tahanan. Ayaw kasi nilang umalis sa lupang di nila pag aari kaya walang nagawa ang mga gobyerno kundi ipademolish iyun at dahil don nagalit ang mga mamamayan at nagrally.

Required ang quarter namin na pumunta at nalaman ito ng parents ko at ayaw akung pasamahin pero wala naman sila magagawa kaya eto ako ngayon nakatayo sa init at kasama si Chief Devera. Kami ang nangunguna sa mga kapwa naming pulis.

Kung titignan mo ang daming realista at mga pulis. 

"Ayaw namin kayong masaktan kaya wag niyo ng ituloy ang pagrarally" sabi ni chief devera na rinig ng lahat

"Hindi namin yan gagawin! pano na ang mga pamilya namin! San kami titira ngayon!kaya kahit buhay namin itataya namin mabalik lang kami sa teritoryo namin!" galit na sabi ng namumuno ng Realista

walang ayaw na umayaw at sa di kaalamang dahilan nangbato na ang mga realista at ang mga pulis ay nakadepense lang gamit ng pananggala nila at pinaulan sila ng tubig na ginagamit pagmay sunog. Palapit ng palapit yung mga realista hanggang nakapunta na sa kampo namin kaya wala ng nagawa si chief kaya inorder na niya na magchargeback dahil di na mapigilan ang mga realista na gusto ang kanilang teritoryo dahil hindi naman pwede dahil sa di sakanila ang lupang tinatayuan ng kanilang tahanan.

MAhirap iexplain ang nangyayari. Nagkakainitan na ang dalawang kupunan dahil ang mga pulis ay gumagamit na ng baril at pinapatamaan ang realista sa dapat na tamaan na hindi nila ikamamatay at ang mga realista naman ay gumagamit ng sumapak o yung tinatawag na improvise gun nila. Hindi ko alam kung sino ang unang nagpaputok pero ako di ako gumagamit ng baril nakadepensa lang ako sa mga binabato nilang bato upang di ako matamaan. May naghagis pang teargas sa mga pulis.

Madami na ang nasusugatan sa mga  nangyayari at wala man lang akong magawa upang mapigilan ito. nagiging brutal ang dalawang kupunan at nagkakasakitan ang dalawa. 

*uuawaaaaa* iyak ng isang bata.

nasa gitna siya at sa isang iglap lang matatamaan siya kaya naman agad agad kung kinuha ang bata dahil nawawala ata siya. Bakit kailangan pa nilang dalhin ang bata dito e alam naman nila na ganito ang mangyayari.

"bata nasan yung mga magulang mo? bat nandito ka? Mapanganib dito" sabi ko sa batang lalaki 

"wa-wala akung magulang isa lang akung palaboy laboy dito at di-diko alam*huk* ang nangyayari ate *huk*"

bigla akung lalong nalungkot sa bata sa sinabi nito 

"AYE!!!!" sigaw ni chief devera sa pangalan ko na ang ibig sabihin na may mangyayari sa akin at tama nga kaya niyakap ko ang bata at natamaan ako ng bato sa likod ko at sa pangalawang tama ko ay sa ulo ko na ang lakas ng impak at medyo malaki ang bato. Nanghihina ako at parang nagiging blurd ang paningin ko. Rinig na rinig ko ang pagiyak ng bata at sa pagtawag sakin na ate habang nakahawak sa kamay ko na hinawakan ko rin siya

"Aye!" sabi ni chief at June nakalapit na sila nakita ko na di malinaw na ang paninginin ko ay nakadepensa si June para di kami matamaan ulit ng bato.

"wa-wag kang lalayo sa akin ba---------ta" sabi ko sa bata sabay nawalan ako ng ulirat wala na kung alam kung ano ang nanyari

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

misx_inn0cent note: 

Sorry sa late ud. 

ano na kaya mangyayari kay aye?

at bat sinabi ni aye sa bata na wag lumayo yung bata sa kanya?

bakit di nagpaparamdam si Ross e diba mahal niya nga daw si Aye?

kung curious kau abangan ang susunod na ud. 

SAna naman magparamdam naman angmag silent reader kahit papano vote and comment plss..

next chapter: Searching my self

L.O.v.E (the second time around) |FIN|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon