CHAPTER 5 - D-19

19 0 0
                                    

Tanghali na ng magising si Mae. 

"Hay~~~ anung oras na ba??" Tamad na tamad at inaantok pang tanong ni Mae sa sarili habang inaabot ang isang alarm clock.

"Aaaaahh tanghali na!!!" Sigaw ni Mae habang dali daling bumabangon sa kanyang kama at halos madapa pa.

Nang papalabas pa lamang siya ng kanyang kwarto ay nagulat siya ng makita niya si Kris na nakatayo sa tapat ng pinto ng kwarto niya at akmang kakatok pa lamang sa pinto.

"Good morning~~" nakangiting sinabi ni Kris. "Alam mo namang lalabas tayo ngayon di ba?" Tanong ni Kris.

"Aahh oo oo alam ko." Nakangiting sinabi ni Mae habang inaayos ang kanyang buhok at kinukusot ang kanyang mga mata. "Hintayin mo muna ako sa sala at mag aayos na muna ako." Dagdag pa nito.

"Buti naman naalala mo pa, sige hihintayin nalang kita sa sala." Nakangiting sinabi ni Kris.

Nagpunta muna si Mae sa kusina upang magkape at pagkatapos ay nagpunta na siya sa banyo upang maligo. Pagkatapos niyang maligo ay nagpunta na siya sa banyo upang magbihis at mag ayos. Nakita ni Mae na nakabukas parin ang bintana ng kwarto niya.

"Hindi pala bumalik si Chenfrost kagabi." Tanong sa isip ni Mae habang sinusuklay ang kanyang buhok.

Pagkatapos mag ayos ni Mae ay nagpunta na siya kay Kris at umalis na sila ng bahay. Natulog si Mae sa kotse habang papunta sila sa bahay ni Shael. Pagkasundo nila kay Shael ay nagpunta na sila sa isang Coffee Shop kung saan ay hinihintay na sila ni Baek.

"Teka parang si Baek 'yon aah??" Tanong sa isip ni Shael habang pababa siya ng kotse.

"Uy Mae gising na , nandito na tayo." Sinabi ni Kris kay Mae habang ginigising ito.

"Aah sige sige bababa na ko ng kotse." Sagot ni Mae.

Pagkababa nila ng kotse ay pinuntahan nila ang isang lalaking nakaupo sa isang lamesa.

"Buti naman at nandito na kayo." Nakangiting sinabi ni Baek.

"Sabi ko na nga ba ee." Sagot ni Shael. "Bruha ka talaga Mae." Nagmamasungit na sinabi ni Shael, ngunit hindi ito pinansin Mae.

"Hindi mo ba alam na double date 'to??" Tanong ni Kris.

"Wala naman kasing sinabi si Mae ee." Sagot ni Shael. "Kung alam ko lang sana na double date to edi nagpaganda ako ng bonggang bongga." Bulong sa isip ni Shael.

Umupo na sila sa isang table at nag-order na din si Kris ng mga kakainin nila. Napansin ni Kris na parang wala sa mood si Mae at mukang inaantok pa ito.

"Masama ba ang pakiramdam mo Mae.??" Tanong ni Kris.

"Aah hindi ok lang ako Kris." Sagot ni Mae habang pinipilit na ngumiti.

"Kumain ka na oh." Alok ni Kris kay Mae habang inaabot ang isang putahe.

"Sige." Sagot ni Mae.

"Bakit parang hindi ka pa natutulog ha Mae??" Tanong ni Shael.

"Kasi... may.... may hinihintay ako kagabi." Malungkot na sinagot ni Mae.

"Sino naman??" Tanong ni Shael.

"Wala ka na don." Pabarang sagot ni Mae.

CHEN FROST [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon