Terrence the Devil

58 1 0
                                    

Cliche. Kinuha ko yung first scene neto sa Devil Beside Me. Hihihi. Pero yung first part lang. //

- - - 

Dear You,

Hi. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan to. Nahihiya ako, pero nilakasan ko ang loob ko para dito, para sayo. Alam mo bang, gustong gusto kita? Lalong lalo na yung mga ngiti mong nakakapagpataas ng balahibo ko, yung mga tingin mo na halos atakihin ako sa sobrang kilig. Ang korni no? Pero totoo yun. Tingin ko nga hindi lang gusto 'tong nararamdaman ko para sayo, kakaiba kasi to. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, sayo pa ako nahulog. Kapag kinakausap mo ako, halos mabaliw ako dahil paulit ulit kong naririnig ang boses mo sa utak ko, kapag nagkakatext tayo, hindi mo alam na gumugulong-gulong na ako sa kama dahil sa sobrang excitement tuwing magrereply ka, hindi mo alam kung paano mo ako napapasaya. Sobrang saya ko kapag nakakasama kita. Minsan nga, habang magkasama tayo nag-aassume talaga ako na tayong dalawa na. As in mag-on. Grabe, baliw na nga yata ako sayo. Ikaw kasi, bakit ba ang perfectionist mo? Kahit pa sabihin nilang walang perpekto, para sa akin perpekto ka. Ayokong magpakilala kasi baka layuan mo ako, natatakot ako na baka hindi mo na ulit ako pansinin, natatakot ako na baka mawala ka sa akin, kaya okay na ako. Okay na akong ganito na lang, walang ibang iisipin kundi ikaw. Panatag ako kasi hindi mo ako kilala. Lagi mong tatandaan na gustong gusto-- ay mali, na mahal na mahal kita. Balang araw makikilala mo rin ako. Pinapangako ko, dadating ang araw na kapag kaya ko na, haharap ako sayo para ipagsigawan sa lahat kung gaano kita kamahal. Hanggang dito na lang. Bye.

Love, me.

Itiniklop ko na ang papel at isinuksok iyon sa puting envelope na nasa harapan ko. Tinitigan ko ang love letter na ginawa ko para sa kanya. 

Kinakabahan ako. First time ko kasing mag-bigay ng love letter sa lalaking natitipuhan ko. 

Paano kung mahuli niya ako?

Or worst..

Paano na kung iba ang makahuli sa akin?

Anong gagawin ko?

- - - -

ALL RIGHTS RESERVED. 2014. 

Terrence the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon