Eh Kasi Nga HighSchool.

111 5 2
                                    

I'm graduating.

I'm leaving High School..meaning, I'll walk in a road...towards life.

It happened so fast. Sa four years na yun...napakaraming nangyare..at ngayon, matatapos na agad.

I still can remember my freshmen days, hoping that I wouldn't mess up my first year in HS. First day..Nakasabay ko pa sa pagpasok sa pintuan yung bago kong kaklase not knowing na magiging barkada ko pala. Nagngitian pa kami nun ni Aleyah Zerrudo at pagkatapos ng eksena namin sa pintuan..pinag-ayos kami ng kurtina ni Mrs. Rances (my very first adviser in HS). At first, nagkakahiyaan pa kaming lahat but apparently, naging magkakaibigan kami. It was fun..but second year was better. Dumami ang mga kaibigan ko. :) Nagkaroon kami ng grupo ng magbabarkada. We became a little bit loud making our teachers irritated, but who cares? We're just having fun. HAHA Dito kami nagsimulang gumawa ng mga kalokohan. :D Dito ko nalaman ang totoong kahulugan ng salitang "Teamwork". Teamwork sa pagrereview, yung tipong kanya-kanyang topics na rereviewhin tapos Teamwork din sa pagsagot ng tests. XD Yes, All of us were immature.

However, Third year was a blast!! It must be the best year ever! I had a good time laughing with my friends. We're close like siblings that we even drink in one cup and eat in one plate. Sa kalokohan, iyakan at galaan..sama sama kami. We don't care for what others think about us, as long as we are all having fun. We're happy. Cool! Dito kami naging sobrang wild sa life..We gave silly nicknames to our most disliked teachers..XD We all cheated. We all had a good time laughing with our friends because of our own corny jokes. We even created a loud music habang may naggigitara during classes. And the nervousness na nararamdaman namin everytime our teacher announces that there will be a recitation or surprise exams and we didn't listened her lectures before. We all experienced cramming our heads with notes on the same day of the test kasi hindi nakapagreview dahil busy sa paggagala. Dito din naganap yung war between the two groups of barkadahan sa section namin which is between my group (ICL) and the Domo Family. Pero sa haba ng pag-uusap namin nun or should I say sigawan? Ayun at nauwi rin sa iyakan, at paggugroup hug naming lahat. Natatawa na nga lang ako pag naaalala ko yun eh. hahaha SOLID talaga yung grupo namin, kaaway ng isa..kaaway ng lahat..mahal ng isa..mahal ng lahat. Pero dahil napakaimmature namin..yung solid na grupo, nagkawatak watak din..dahil sa simpleng bagay lang, nagkaaway away kami..at kahit pinagbati- bati pa kami nila Kuya Wilbert at Ate Jeneth..nagkaron talaga ng malaking lamat ang group naming yon hanggang sa..unti unti..nawala na ang ICL :( Pero dahil don, mas naging close ko yung dalawang member ng ICL. Sina Sharmaine at Jessa na naging Bestfriends ko.

Yung happy and very wild section namin dati..nawala na, nagkahiwalay hiwalay kami. And..it was very different. We all have a little bit more mature minds, having crushes and special someone. Palagi nang may pressure kasi ang nasa isip namin..dapat ganito, dapat ganyan..na everytime na magjojoin ang section namin sa mga contests and activities..dapat galingan, dapat mahusay unlike dati na okay lang kahit ganito..ayos lang kahit ganyan..basta masaya tayo. And still, we all need to move fast. We must submit this activity today, should finish that lecture later and pass those projects tomorrow. Everything was organized and planned. Sa sobrang laki ng pinagbago ng atmosphere, pati mga tao sa paligid ko nagbago rin..nagkaron ako ng mga bagong kaibigan..pero hindi kagaya nung closeness ng grupo namin dati..Nawalan ako ng barkada..dalawa na nga lang natira sakin..nawala pa yung isa. Yung super mega bestfriend/soulmate/sister kong si Sharmaine...nawala pa sakin. Hindi ko alam kung ano bang nangyari basta bigla nalang naging ganun. Hindi ko alam kung kanino ba ako dapat magalit..sakanya ba, sa bago nia bang bestfriend o sa sarili ko din. Basta ang alam ko lang..masakit mawalan ng boyfriend..pero mas masakit mawalan ng bestfriend. And because of that..mas napalapit kami ni Jessa sa isa't isa, kasi kaming dalawa nalang ang natira. 

Time flew fast. We didn't realize that Graduation came closer. We crammed, passed the test and have fun. Yea, hindi namin nakakalimutan maging masaya kahit papano. But honestly, I don't feel that I'm still belong anywhere..kaya gustong gusto ko na talagang gumraduate. Fast as the wind..heto, at nagbibilang nalang kami ng araw bago dumating ang Graduation Day. At habang tinatype ko ito, nagtext sakin si Sharmaine. It's been a long time nung huli kaming magkatext and magkausap. Nakakatouch yung message..(pero di ko na isheshare dito. Jahe naman. XD) And seriously, I REALLY MISS MY BEEESSSTTTFFRRRIIIEEEENNNDDDDDDD!!!!!!! Kaso wala akong load kaya di ako makareply. -_-

Kahit gaano pa ako kaexcited gumraduate...nakakalungkot din pala talaga pag dumating na yung oras na yun. High School must be the best part of school life. Dito tayo naging binata't dalaga, nagkaroon ng first crush..first kilig moment..first boyfriend/ girlfriend..first kiss? Grabe hindi pa naman siguro. Dito natin nakilala yung mga kaibigan natin for life. And the best part of it was..we have created a lots of memories that will surely make us smile everytime na maaalala natin. To all those memories and experiences.. kasama ko kayong lahat. At napakarami kong natutunan. Sabi nga sa kanta ni Lindsay (isa sa mga ICL..9 kasi kami) di ba.. Things didn't matter if we are all together..kaya salamat.

Kahit sabihin nating sana walang magbabago..alam kong maraming magbabago paggraduate natin..tulad ng wala nakong makokopyahan twing my quiz..at hindi na ko ulit makakapagpalibre ng sago dun sa tindahan sa court..pero sana walang kalimutan ha..And to this farewell, I want us all to be successful..kasi malay natin, five years from now..magkita kita ulit tayo sa School..edi mas masaya kasi lahat tayo tagumpay sa buhay diba? Wala nang manghihingi ng papel kapag kelangan nila..pati yung mga madalas humingi ng piso baka sila naman yung hingian..XD Yung mga tahimik at mahinhin baka mas wild na saakin..yung palayan baka sementado narin..at higit sa lahat..yung mga matatangkad .. SANA mapantayan ko rin. :)

The memories we've shared were so much worth treasuring. One- A..Two-A..Three-A..Four-A-ver and Ever..

That is High Shool. Dream big Guys and Gals. :) Mamimiss ko talaga ito. Hanggang sa muli. :)

**Life's too short to have regrets. So I'm learning how to leave it in the past and try to forget. Only have one life to live..so you better make the best of it..**

-Joyce

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eh Kasi Nga HighSchool.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon