Una't huli

7 0 0
                                    

"Our father who art in heaven, holy be thy name, thy kingdom come, thy will be done on earth as it is in heaven."

Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Father. Napatitig pala ako ng matagal sa likod mo. Nalate ka kasi sa misa kaya napansin kita.

I also noticed the girl you are with. Infairness, maganda sya. Alam ko naman bagong babae mo na naman yan. Flavor of the month kumbaga. Sana seryoso ka na dyan. Hinarap mo pa naman sya kay Lord. Tsk!

Di ka pa rin nagbago. Kahit noong crush pa kita, playboy ka na. You entertain all those girls na nagkakacrush sayo. Pero wala ka namang sineseryoso, in the end, iiyakan ka nila.

One time nga, nakita ko yung classmate natin na umiiyak sa harap mo dahil nagconfess sayo pero dedma ka lang. Umabsent pa sya ng 1 week pero sayang lang effort nya. Wala kang pakialam.

That is one of the reasons kung bakit di ako umamin sayo. You don't care to what others may feel. You only care for your own happiness. Selfish freak.

Kaya up until now di mo alam. Maraming what ifs. Maraming sana ako na lang.

Suddenly, bigla kang lumingon. Kinabahan ako kasi baka napansin mong tinititigan kita. Baka naririnig mo na yung heartbeat ko.

Yung pala Peace be with you na at nginitian mo ko. Di ako nakagalaw non kasi andyan na naman yung killer smile mo. Di kita tuloy nasuklian ng ngiti.

2017 na, self. Tama na ang katangahan. Tama na ang 8 years na pagkakacrush sa kanya. Stop it na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CrushedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon