Autumn Love

25 0 0
                                    

[A/N: READEEEEEEERS!! ^O^ pangalawang story ko na to hahaha sa notebook ko nakasulat to matagal na so ishi-share ko lang XD uhmm.. peyborit kong author eto na po yung request mo hihihi ^_________^v enjoy readers. pati ikaw peyborit author hihi ^____^]

Autumn Love ~

A one shot story of fantasy by KersanaReacher [Yan daw kunwari username ko lels XD]

Ashton's POV :

*click* lumabas na ang litrato mula sa camera ko pagkatapos kong kunan ng litrato ang isang malaking garden na nadaanan lang namin habang bumabyahe. Papalipat nanaman kasi kami ng bahay ngayon. Ewan ko ba kung bakit palipat-lipat kami ng bahay ni mama. Pero okay lang, ikanga "Mother knows best." kaya hinahayaan ko na lang. As long as may makukunan yung camera ko, ayos na sakin. Para kasi sakin, ang magagandang bagay ang makakapagbigay sakin ng kasiyahan kahit simple lang ito kung maituturing.

After few hours of travelling, huminto na ang sasakyang sinasakyan namin ni mama sa isang bahay. Oo malaki yung bahay at kung titingnan mo sa labas, halatang maganda sa loob. But I just noticed something...

Walang ka buhay buhay ang nasa paligid ng bahay. Walang halaman, flowers, walang garden, walang puno, walang kahit anong maganda sa mata but a white-painted swing na naka-pwesto malapit sa gate. And the rest? Grass.

"Mom why did you choose to stay in a place like this?" tanong ko kay mama.

"Why? Maganda naman sa Korea diba? hindi mo ba nagustuhan yung bahay? Malaki naman and comfortable ah?" Sagot niya naman habang hinihila yung baggages papasok sa bahay kaya tinulungan ko na.

"No mom it's not about the country nor the house. Tingnan mo nalang yung paligid ma, walang kabuhay buhay and it seemed to me that everything is boring. Even my camera would even refuse to take pictures here, I bet." sagot ko sakanya saka pinagpatuloy yung pagbubuhat nung bagahe.

"Wala ka nang magagawa baby, pagtiyagaan mo nalang ah? haha"

nilapag ko ang bagahe at tumakbo papunta sa likuran ng bahay. Sa hindi naman kalayuan, may natanaw akong malaking puno na may mga pulang dahon. Ang pinagtataka ko lang...

Walang dahong nahuhulog mula dito kahit sa pagkaalaam ko naman,

taglagas na.

Kinuha ko ang camera ko at tinutok sa malaking kahoy na yun para kunan ng litrato.

*click* right after that, lumabas na yung picture at agad ko naman itong sinulatan sa likod.

"Kakaibang puno ng Taglagas"

Kakaiba ang punong to kasi ito lang ang kaisa-isahang puno na nakita kong di pa nahuhulog ang dahon kahit taglagas na. Tinago ko na ang litrato saka naglakad papalapit sa lilim ng punong yon. Laking gulat ko lang nang pagkalapit ko sa punong yun, that's when the leaves started falling. Alam niyo yung feeling na nahuhulog yung mga pulang dahon ng puno habang naglalakad ka sa ilalim niya? Ang sarap sa pakiramdam.

"Hi!"

laking gulat ko nang makakita ng babae sa likod ng puno at kumaway sakin with her wide smile while waving at me. And I was like ---> O.O

When I looked at her, nakita kong naka-uniform siya. Long sleeves yung suot niyang white blouse na may necktie na color red. Yung palda niya kulay pula rin na above the knee, may kneesock na color white at shoes na color red. Ang ganda-gandang tingnan kasi tugma yung kulay ng suot niya sa kulay ng puno at ng mga dahong nahuhulog mula dun.

"I'm Autumn! ^_________^ ikaw anong pangalan mo?"

Sabay lahad niya ng kamay niya para makipag-shakehands. Sandali.. did I just heard her speak Filipino? O.o nasa Korea naman ako diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Autumn LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon