Ayos Lang
Ayos lang ba talaga?
**
Tinitigan ko lang yung inorder kong kape. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko yung sinabi sa akin ni Jin kaninang umaga. Sabi niya, well tinawagan niya ako, ganito: " Kita tayo sa Starbucks". Tapos binaba na niya kaagad...at pagkababa na pagkababa niya, dumaloy na ang kilig cells ko. Oo na, hindi pa ba obvious? Kinilig ako!
Tinext ko siya kung bakit, ang sagot niya 'basta'. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pagkabasa ko ng isang salitang 'yun. Ano kaya 'yang 'basta' na 'yan? Nakaka...nakakalurkey
Tiningnan ko ang relo ko. 3:40 pm na pala. Ang usapan namin 3:30, pero ayos lang, at least nga niyaya niya ako eh.
Humigop ako nang kaunti sa kapeng kanina ko pa tinititigan. Tamang-tama, maulan pa naman. Marso na Marso, maulan. Hindi ko tuloy mafeel ang summer. Anyway, mayamaya pa, nakita ko na siya. Pumasok si Jin at nginitian ako.
" Raine, sensya na nalate ako.", sabi niya habang pinupunasan yung braso niya na nabasa ng ulan. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. Siya na...siya na ang dahilan kung bakit nagwawala ang puso ko.
" Ayos lang.", tanging sagot ko. Ang dami kong gustong sabihin, gaya ng 'Wala 'yun, handa naman ako maghintay basta makita lang kita.' Yak, ang corny pala.
" Sensya talaga ah. Libre na lang kita.", sabi niya at umupo na. Kaharap ko siya ngayon. Shocks, nakakainis talaga 'tong puso ko. Baliw na eh....baliw na baliw kay Jin.
" Hindi, ayos lang.", sagot ko. Kinakabahan ako at the same time natutuwa. Aba ewan, abnormal ata ako eh. Abnormal 'pag siya ang kaharap.
Humigop pa ako ng kaunti sa kape na kanina ko pa inorder. Kinakabahan talaga ako. Ang weird kasi eh...hindi ko akalain niyaya niya ako..at viola! Eto siya nasa harap ko. Looking good as always. Naks
Nag-order siya saglit. Sabi ko 'wag na pero sabi niya gusto niyang bumawi. 'Eh di go ilibre mo na ako', sabi ko pa sa utak ko.
" Musta na pala Raine?", tanong niya pagkaupo niya. So yeah, tapos na pala siyang umorder. Aba malamang Raine, kaya nga nakabalik na siya eh. Gulo.
" A-Ayos lang.", sagot ko. Takte, ba't ba 'ko nauutal? Si Jin lang naman 'tong kausap ko ah. Haler anong 'Si Jin lang'? Siya lang naman ang taong mahal ko.
" Ganun ba? Sabi kasi ng mommy mo hindi ka raw kumakain noong isang linggo, tapos nagkulong ka lang daw sa kwarto mo", sagot niya. And I was like, 'What?!' Si mommy talaga! Ok, ganto kasi 'yun, that time, nabad trip ako. Bakit? Nakita kong magkasama si Jin tsaka si Zy. End of story.
So ayun, nagmukmok ako. Halos masira ko na nga yung kwarto ko dahil sa inis eh. Pano ba naman kasi, ang saya nilang dalawa. Yung tipong...meant to be sila.
" Ah wala 'yun, may hindi lang kaming pag-uunawaan ng best friend ko.", I lied. Pero wala na 'yun sa akin. Tumigil din ako sa kaartehan ko dahil dun sa tawag niya. Kaya eto, kasama ko siya ngayon.
" Mabuti na lang, akala ko kung anong nangyari sa'yo.", sagot niya. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. I-Ibig sabihin concern siya sa akin?
" Ayos lang.", sagot ko habang tinatago yung kilig ko.
" Nga pala. May sasabihin ako sa'yo.", sabi ni Jin. Dumating na yung inorderniyang kape. Sa sinabi niyang iyon, bumilis ang tibok ng puso ko. Ba't parang...parang eto na?
Kinabahan ako kaya humigop kaagad ako sa kape na kaseserve pa lang. Anak ng tinapa, ang init! Sobra!
" Ano?", sa wakas nakapagsalita na rin ako.
" Ano kasi...teka...pano ko ba 'to sasabihin.", sabi niya. Mas lalo akong kinabahan, eto na ata talaga...eto na ata.
" Ayos lang, take your time.", sagot ko sabay inom uli ng kape.
" A-Ano kasi...", paputol-putol niyang sabi. Mas lalo akong kinakabahan sa bawat segundong lumilipas.
" ...kami na ni Zy.", sabi niya. Natahimik ako sa sinabi niya. Gusto kong umiyak. Parang tumigil yung mundo ko. Parang...sinaksak ako...sa puso.
" Ayos ka lang?, tanong niya makalipas ang ilang minuto.
Ininom ko yung kape. Huling higop bago ko siya sinagot.
" Ayos lang.",sabi ko sabay ngiti nang mapait.
-End
Para sa mga nagmahal at nabigo
Para sa mga umasa at...
para sa mga mahilig mag-assume.