CHAPTER II

5.3K 106 2
                                    

Author’s Note:

 

Ito lang masasabi ko..

SORRY POOOOOOOOOOOOOOOOOO… :’)

 

 

VOTE AND COMMENT J

____________________________________________

CHAPTER II

 

            Umuwi ako ng bahay na gulong-gulo pa rin ang utak ko.  Naabutan kong nagluluto ng panghapunan si mama at si papa naman ay nagsasabit ng lambat.

            Siguro hindi ko pa nakwento sa inyo. Mahirap lang kami. Nakatira kami sa beach!

            HAHAHAHA!!

            Nakatira kami sa tabing dagat at ang tanging ikinabubuhay lang ng aming pamilya eh ang pangingisda na ginagawa ng papa ko. Si mama hanggang grade six lang ang natapos, samantalang si papa naman ay umabot pa ng second year sa high school pero dahil na rin sa hirap ng buhay, napagdesisyonan na rin ng mga magulang niya na tumigil nalang sa pag-aaral.

            Minsan nai-kwento sa akin ni mama yung tungkol sa pangarap nila ni papa. Sabi sakin ni mama parehas daw sila ng pangarap ni papa. Parehas nilang gustong maging abogado balang araw. Sinabi niya rin sa akin noon na huwag ko daw silang tularan. Sabi niya, kahit daw mamatay na sila sa kakatrabaho, basta’t makatapos lang daw ako sa kolehiyo.

            Alam ko naman na importante ang edukasyon. Alam kong mapapasaya ko sila kung makakatapos ako ng kolehiyo. Pero pano kapag matapos ko ang lahat, pagkatapos ay bigla nalang silang mawala? Dahil lang sa akin. Ano pang kwenta ng pag-aaral ko kung wala rin lang sila?

            Dahil dun, napagdesisyonan ko nang hindi tumungtong ng kolehiyo at manatili nalang ditto upang tulungan si papa sa pangingisda. Ngunit sa di naman talaga inaasahang pagkakataon, nangyari pa ito..

            Nanatili lang akong nakatitig sa kanila hanggang sa mapansin nila ako.

“Oh, anak andiyan ka na pala. Magpahinga ka muna diyan at maya-maya’y kakain na tayo. Malapit na rin namang maluto tong ulam natin, “ sambit ni mama habang hati ang atensyon niya sa akin at sa niluluto niyang pagkain.

Nanatili akong nakatitig sakanya. Kilala ako ng mama ko. Alam niyang kapag ganun ang kinikilos ko, may gusto akong pag-usapan. Usapang pamilya ika nga. HAHAHA ^___^

Pagkatapos ng ilang minutong pagtitig ko sakanya sa wakas bumigay na rin siya.

“Umupo ka diyan at tatawagin ko lang ang Papang mo,” ang sabi niya sa akin sa tonong seryoso. Pinatay niya na ang kalan at lumabas para tawagin si papa.

Napabuntong-hininga nalang ako. Alam kong hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang mga magulang ko, pero magagaling sila. At sa lahat ng mga debateng naganap sa pagitan ng anak at magulang, wala pa ni isang napanalunan ang anak. -_________________-

Ilang sandali pa’y dumating na si papa. Sabay silang umupo sa papag na katapat ng upuan ko. Di ko na napigilan at ako na ang unang nagsalita.

“Ma ano nanaman ito? Di ba napag-usapan na natin ito?,” ang sabi ko sakanila habang seryosong nakatitig sa mga mata nila. Alam kong kahinaan nila ang mga mata ko. ^______^

Hindi muna sila nagsalita. Ngunit bago pa ako makapagsalita ulit, nauna na si papa.

“Anak, para sa’yo din lang itong ginagawa namin. Alam mo naman ang pangarap namin ng mamang mo di ba? Ayaw mo bang sumaya kami ng mamang mo? Anak, yun lang ang tanging hinihiling naming sa’yo ng mamang mo. Sana kahit ito man lang, pagbigyan mo kami.”

Nagulat ako sa mga sinabi ni papa. Kadalasan kasi si mama ang nakikipagtalo sa akin at si papa naman ang magdedesisyon sa huli. Kumbaga last touch siya. Haha

At hindi lang iyon. Kadalasan, hindi nagsasalita si papa ng mahaba. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng ganun kahaba sa buong buhay ko.

Tinignan ko si mama ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Gusto ko pa sanang kumontra pero nakita ko ang pagsusumamo sa mga mata ni papa. Tumango nalang ako sa desisyon nila. Hindi ko naman masasabing ayaw ko ang desisyon nilang iyon.

Kahit ako naman kasi, gusto ko ring makapagtapos..

Mabilis na dumaan ang araw. Isang umaga, pagkagising ko, ang ingay sa labas. Sabado na pala, aalis na ako.

 >__________________<

Pagkalabas na pagkalabas ko palang ng kwarto ko, sigaw na agad ang sumalubong sa akin.

“Aki! Ano ba?! Bat ba ang tagal tagal mong magising? Tanghali na oh magbibiyahe ka pa,” sigaw sakin ni mama habang iniimpake niya yung mga gamit ko.

Di ko nalang siya pinansin kasi alam ko namang nag-aalburuto na naman siya.

Pero kapansin-pansin talaga ang dami ng tao sa bahay namin. Ano to fiesta?

-____________________-

Lahat na ata ng tao sa amin alam kung kelan ako aalis. Ganun ba talaga ka-importante ang pagpunta ko sa Maynila? Hayst.

Hinayaan ko nalang silang gawin kung ano ang gusto nila. Pumunta na ako sa banyo para maligo dahil maya-maya lang dadating na si Principal Batobalani para sunduin ako.

Alas-otso na nun nang makaalis ako sa amin. Ayokong umiyak dahil wala namang mamamatay. HAHAHA :D

Hindi ako umimik sa buong biyahe. Di ko napansin na nakatulog na pala ako sa kotse. Ginising lang ako ni Principal nung malapit na kami. Iminulat ko ang aking mga mata at namangha ako sa laki ng eskwelahan na papasukan ko.

Kinausap ako ni Principal tungkol sa school. Sinabi niya sa akin na bawat isa sa mga estudyante sa school na yun ay may kanya kanyang dorm ngunit mag-i-stay daw ako sa Dorm A at katapat ko daw yung room ni…

Hmmmmm..

Alexander Lee? O______o sino naman kaya to?

Magtatanong pa sana ako sakanya pero itinigil niya na ang sasakyan sa tapat ng isang malaking gate. Sinabi niya sa akin na bawal daw siyang pumasok sa loob. Binigyan niya ako ng wallet at isang card. Sabi niya gagamitin ko daw yung card para makapasok ako. Bumaba na kaming dalawa. Habang tinititigan ko yung card na binigay niya, binababa niya naman yung gamit ko. Di ko alam kung pano gamitin yung card na yun. Tatanungin ko na sana siya pero bigla siyang nagsalita.

“Oh pano Aki, aalis na ako ha, sinabi ko na sayo lahat lahat ng dapat mong malaman. Andiyan na rin yung address si Xander sa loob ng wallet. Godbless Iho, sige aalis na ako at may pupuntahan pa ako, kung may gusto kang malaman kay Xander mo nalang tanungin ha” sabi niya sa akin. Wala na akong nagawa dahil pagkatingin ko sakanya, nakasakay na siya sa loob at ayun, umalis kaagad.

Waaaaah!!!!! Pano na yan? Di ko alam gagawin kooo!! T^T

Falling For Mr. Bad Boy (boyxboy/yaoi/m2m)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon