Bakit List Entry #2: Bakit kailangan mo pang makilala't mahalin ang isang tao kung di din naman pala para sayo?
----****Alpha's POV
Good morning world!
Maaga na ko ngayon! Kahit late akong nakatulog kagabi! Hahaha pagtingin ko sa wall clock ko 6:35 am palang. Hihihi
Sareh masaya lang akong nagising ng maaga! HahaGinawa ko na ang morning rituals ko! Baka kasi makaidlip na naman ako. Sayang yung gising ko ng maaga! Hahahahaha
Pagkatapos kong gawin lahat ng rituals ko sa banyo! Bumaba nako
"GOODMORNING MY AT DY!!" Bati ko sa mama ko na naghahanda ng breakfast at kay daddy na nagbabasa ng newspaper.
"Wow nak! Ang aga mo ngayon ah? Anong nakain mo kagabi't nagising ka ng maaga ngayon? Himala!"-mama
"Tss mama talaga!"
"Nak! Yung pasalubong ng ninang mo nasa kwarto namin ng daddy mo. Kunin mo nalang dun mamaya."
"Yes!" Sagot ko na may suntok sa hangin effect pa hahaha
"At nak. Si Jiro hinahanap ka."
"Po?! Bakit daw po? Kilala pa pala niya ako?"
Sasagot na sana si mama ng may sumabat sa likod ko.
"Oo naman amihan. Kilala pa kita."-Jiro
"Jiro!!"
"Hello baby girl! Musta na? Ang tangkad mo na ah!"
"Syempre! Alagang cherifer yan!" Sagot ko sa kanya. Siya si Jayden Ivan Rye Oxford aka JIRO. Ang ultimate crush ko. At naka base sa kanya ang standard ko sa pag pili ng mamahaling lalaki. Siya yung living example ng almost perfect guy. Mabait. Maalaga. Mapagmahal sa pamilya. Talented. Gwapo. Nasa kanya na lahat ng nanaisin mong lalaking maging boyfriend. Kaya lang little sister ang turing niya sakin. Ang saklap lang. Char! Hindi kami pwede. Andun yung gusto ko siya pero walang. Spark! Naks! Hahaha
"Hoy! Natulala ka na naman."
"Bakit ang aga mong nangapitbahay?" Pag iiba ko sa sinasabi niya. Baka mamaya mabuking pa ko nito na natulala sa kanya! Mehehehe
"Syempre namiss kita. Labas tayo!"
"May lakad kami nila Kelly eh." Sagot ko. Tiningnan ko ang reaksyon ni Jiro. Hmmm ang lawak ng ngiti nito.
"Sama ako!!" may hint na ba kayo kung bakit hindi kami pwede? Hahaha
"Bilis ah! Hahaha mamaya pa kaming 10 aalis ang aga mo 7:15 palang oh."
"Pero sama ako ahh?"
"Oo na. May gusto ka lang makita eh."
Ngumiti lang ng malapad ang monggi!"Mag aayos lang ako. Alam mo nanang matagal ako sa banyo eh."
Pagkasabi ko nun Umakyat na ko sa kwarto ko.
After 12345666 years!
"AA!! Ano ba natulog ka na naman ba?!" Sigaw ni mama tss AA talaga tawag niya sakin kapag naiinis siya!
"Hindi po!. Pababa na ko!"
Kinuha ko na yung slingbag ko. Kasya lang dito ang wallet at phone ko.Makababa na nga anjan na siguro sina Amber kaya nagsisisigaw na naman si mama.
Pagka baba ko. Tama nga ako andito na sila.
"Antagal mo ahh!" Nakasimangot na sabi ni Kelly. Natawa ako sa itsura nya. Pano ba naman parang naalibadbaran siya kay Jiro. Na kung makadikit sa kanya akala mo itatakbo na si Kelly. Long time crush ni Jiro si Kelly. Crush ko siya buti nalang crush lang pero may sakit parin kunti.
BINABASA MO ANG
The Bakit List
FanfictionMay mga bakit sa buhay na hindi natin mahanapan ng dahil. May mga bakit sa buhay na sana hindi na lang nabigyan ng dahil. May mga bakit sa buhay na lubos na pinagsisishan. May mga bakit sa buhay na dapat ng huwag bigyan ng dahil. ALPHA's Bakit List...