I

10.1K 106 1
                                    

  "Hey pogi , can I make love with you?" Tawag ng isang bakla sa atensyon ko. Sinipat ko muna ito. Hindi ko sya masyado maaninag dahil ilaw lamang ng bar ang nagsisilbing liwanag.

  Ngunit nakapukaw sa aking pansin ang mga kumikinang na alahas sa kanyang kamay. Mga singsing na nagkikislapan, at kwentas nyang kumikinang dahil sa liwanag.

Napagtanto kong mayaman ito. Nginitian ko sya at nilapitan. "Sure here , let me be the one who can bring you to heaven" pambobola ko sa kanya.

Ngumiti sya sakin at nagpakembot kembot. Kinumpas nya ang kamay nya. Nagmukha tuloy syang uod.

"Can I?" Sabi nya sakin. Sabay turo sa nakabukol sa harapan ko.

"Sure baby, in just 500 pesos." Pagpresyo ko sa katawan ko.

Kumuha sya ng pera sa wallet nya. Namangha ako sa laman nito. Halos hindi na ito maisara sa dami ng laman nito. Kung hindi lang siguro ako natatakot sa itaas ay inabangan ko na 'tong baklang to.

Pero hindi , okay na ako sa trabaho ko. Okay na ako na ito lang ang kasalanan ko ayoko ng dagdagan pa.

Pinakita nya sa akin ang pera sa kamay nya. Sumayaw-sayaw naman ako para mas lalo syang maengganyo. Mas ginalingan ko pa ang pag giling. Napansin kong namumula na sya. Napangiti na lang ako kasi alam kong tinatalaban na sya ng libog.

Itinaas nya ang isa nyang kamay para makapa ang bukol sa harapan ko. Bigla naman nyang hinawakan ito kaya hindi ako nakailag. Nakabrief lang ako that time kaya bakat ng bakat ang alaga ko.

"San ko naman ilalagay to Pogi?" Tanong nya. Napansin kong nanginginig na sya. Parang hindi nya kaya pa.

Nginitian ko sya , at ngumiti sya pabalik. Parang kinilig pa sya. Iniangat ko ang garter nhg brief ko at itinuro sa kanya. "Ipasok mo."

Tumili sya at halatang sabik na sabik. Nakita kong ipapasok sana nya ang kamay nya ngunit pinigilan ko sya. "Ops, ibang presyo yan."

Oo , ganito dito sa gay bar na pinapasukan ko. Ikaw ang bahala mag presyo sa katawan no , hindi na sila nakikialam. May membership fee kasi na binabayaran ang mga costumer dito , in short mayayaman ang mga tao dito. Hindi sila basta-basta. Kadalasan naming mga costumer dito ay mga kilalang tao. Sari-sari, may mga halatang bakla ,merong patago at meron talagang hindi halata.

Ilang beses na rin ako nagkaroon ng costumer na akala ko talaga ay lalaki ngunit pag kaming dalawa na lang sa kwarto ay bumibigay na. Meron namang mga bakla na galante at meron din naman kuripot. Pero nasa diskarte na lang yun kung ano ang gagawin mo para magbigay sila ng mas malaki.

Minsan nga nakakakuha ako ng costumer na naisasalba ang buong linggo kong consumo. Ganun sila kagalante. Pero minsan may costumer na halos hindi pa kasya ang ibinibigay sa gastusin mo sa buong araw , ganun din naman sila ka kuripot.

Masaya ba ako sa trabaho ko ? Oo. Oo kasi, marami akong natutulungang tao. Marami akong naisasalbang buhay.

Marami na akong naka one night stand na may mga problema. Ang iba ay negosyo , sa pamilya , sa anak ( oo , gaya nga ng sabi ko kanina ay may mga baklang hindi talaga halata. May pamilya sila , may asawa at may mga anak) , at meron namang gusto na magpakamatay kasi kesyo iniwan ni ganito , iniwan ni ganyan. Ang daming alam!

Paano ako nakakatulong ? Ganito lang yun, marunong kasi ako makinig. At dahil sa pakikinig kong yun ay nakakabuo ako ng desisyon. Kaya nagbibigay ako ng advice sa kanila. At nakakagaan naman daw ng loob sabi nila.

***

Nakita kong muli syang kumuha ng isa pang five hundred pesos bill. Ngayon wala na akong magagawa , ipinasok nya na ang ,limandaan sa loob ng brief ko kasama ang kamay ko.

Naramdaman kong kumislot ang nakatago doon. Naramdaman ko ding nilamukos nya ito. Gumiling-giling na lang ako para hindi nya masyadong mahipo si Junjun ko.

"Franco?" Narinig kong may tumatawag sa akin. Nilingon ko sya  habang patuloy pa din sa paggiling para mapaligaya itong nasa harap ko. Napansin kong sarap na sarap ang puta.

"Max ikaw pala. Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"May tawag ka sa telepono mo , importante daw." Sabi nya. "Kapitbahay nyo daw eh." Dagdag pa nya.

"Sige , sige. Tapusin ko lang to." Sabi ko at ibinaling na ang atensyon ko sa costumer ko.

"Sir pwede po bang makaalis muna?" Tanong ko sa kanya.

Napansin kong medyo kumunot ang noo nya. " Nagbabayad ako ng membership fee dito tapos bibitinin mo ako. Hindi pa ba sapat ang binibigay ko ? "

"Hindi naman po sir...."

"Magkano pa ba ang kulang sabihin mo lang at dadagdagan ko." Pagputol nya sa sinabi ko.

Bigla akong nanliit sa sarili ko. Feeling ko ay isa akong patapong bagay , na walang halaga. At walang nangangailangan. Gusto ko syang labanan pero wala na akong magagawa. Baka magreklamo pa sya sa manager , at alam kong kaya nya akong ipatanngal dito. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho.

  "Emergency lang po talaga sir." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Maya-maya lang ay nakita ko si Max sa likod ng bakla. Nilapitan nya ito at hinimas himas ang dibdib. Nasasarapan naman ang bakla , masyadong mahalata.

"Sige na Franco , ako na ang bahala kay sir... Ay maam pala. Hindi mali , dapat ay beautiful miss." Pambobola nito dito habang patuloy pa din sa paghihimas ng dibdib nito.

Hindi na ako napansin ng bakla. Kaya nagmadali na akong makaalis at nag thumbs-up na lang kay Max bilang tanda ng pasasalamat.

Agad akong kumaripas ng takbo para makapunta sa dressing room at masagot ang tumatawag sa akin. Medyo alam ko na ang dahilan kaya kinakabahan na ako. Wag naman po sana , wala po sanang masamang nangyari.

Habang papasok ay nakasalubong ko si Miss Babe. Sya ang handler namin at the same time manager. Sya ang nagpasok sakin sa trabahong ito kaya malaki din ang utang na loob ko sa kanya. Malaki pa din ang pasasalamat ko sa kanya kahit na sa ganitong trabaho nya ako pinasok. Inaamin kong hindi madali ang trabahong ito ngunit kailangan na kailangan ko'to.

"Kanina pa may tawag ng tawag sayo. Pinasagot ko kay Max , kapitbahay mo daw at may emergency." Bungad nya sakin.

"Kaya nga po eh." Sagot ko sa kanya habang pilit na ngumingiti. Kinakabahan na talaga ako.

Agad kong tinakbo ang dressing room para makuha ang cellphone ko. Wala ng tumatawag siguro na hang up nya na , medyo matagal din kasi ako dahil don sa costumer ko

Ngunit nagulat ako sa nabasa kong text , hindi pwede to .. Hindiiiiiiiii !!!!!!!

********

Guest Relation Officer ( BoyXBoy ) [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon