--
Naranasan mo na ba ang magmahal ng sobra?
yung tipong handa mong gawin ang lahat para lang sa taong yun?
yung handa mong isugal ang puso mo para sa taong minamahal mo?
yung makita mo lang siya na masaya, masaya ka narin.
yung pakiramdam na kumpleto na ang buhay mo at wala ka ng ibang hihilingin.
ANG SAYA DIBA?
para ka laging nakalutang sa alapaap.
at ang tiyan mo nagmistulang tirahan ng mga paru-paro.
Sa bawat pagngiti mo, halos langgamin ang labi mo sa sobrang tamis nito.
Purong saya lamang ang bumabalot sa paligid mo <3
-
Love means Everything!
Ow! everything. Andami nun!
Diba sa sobrang dami hindi na natin alam ang real description ng love.
Hindi na natin alam kung saan ba talaga nanggagaling ang mga salitang pwede nating ihalintulad dito.
May kanya kanya tayong explanation na mahirap man sabihin pero masarap pakiramdaman.
Sa love, hindi natin alam kung kanino tayo mafafall. Dahil ang pagmamahal walang pinipili, hindi nasusukat, at walang hinihintay na kapalit.
Kusa nalang natin itong mararamdaman, and once na mafeel natin yun, para bang ayaw na nating tapusin.
Too many emotional feelings are included.
Nandiyan ang saya, ang lungkot o kung ano pa, pero kapag nagmahal ka hindi mo na iisipin kung masasaktan ka as long as masaya ka.
Sabi nila, kapag nagmahal ka, Magiging tanga ka. They're WRONG.
Walang mali sa pagmamahal.
Ang mali ay nasa taong nananakit.
dahil kapag sinadya mo ng manakit, dun ka na magiging tanga.
.
Mahirap turuan ang puso.
It takes a lot of time to learn how to love someone.
Just wait for the real one.
Pero kung dumating na ang taong nakatadhana sayo. Hindi ka na mahihirapang ma-inlove. Kasi ang destiny hindi napipigilan, hindi nababago at hindi kayang palitan.
"LOVE"
1word, 4letters but means everything!
.
.
.
.
.
--
Naranasan mo na ba ang iwanan ng taong minamahal??
yung halos gawin mo na ang lahat pero kulang pa.
yung tipong pati puso mo isinugal mo na.
yung masaya ka para sa kanya kahit ang totoo unti unti ka ng pinapatay ng sakit.
at yung akala mong may pag-asa pa pero ang totoo WALA NA TALAGA.
.
.
.
Sobrang Sakit diba?
Para kang itinulak sa ika-100th floor ng building, nasagasaan ng 10wheeler truck. Nabagsakan ng sampung eroplano. Natapakan ng limang libong tao. Pinag-agawan ng limampung toro.
at ang masaklap, Buhay ka parin </3
hindi mo na alam kung pano ka pa mabubuhay.
Nakasanayan mo na lagi siyang nandiyan.
Araw-araw, gabi-gabi mo siyang iniiyakan.
Oras-oras, minu-minuto mo siyang gustong hagkan.
Kung ano ang saya nang ma-inlove,
doble ang sakit nang maiwan.
Habang pinipilit mo siyang kalimutan, lalo mo lang siyang natatandaan.
Memories? Numero unong kalaban sa paglimot ng pinagsamahan. Pano nga ba natin ito iiwan? Kung ang puso natin nabubuhay parin sa nakaraan.
Masaya ang mainlove, ngunit MASAKIT din.
Laging kapartner ng saya ang sakit. Maiisip mo nalang na unfair ang pagmamahal.
Dahil mas mahaba pa ang panahon ng kalungkutan kesa sa panahon ng kaligayahan.
Sobrang sakit at sobrang hirap ang iwanan.
Yung feeling na gustong gusto mo pang ipaglaban, pero sa huli marerealized mo nalang na ikaw nalang pala mag-isa ang natitirang gumagawa ng paraan.
Pinaglaban mo siya, sinuko ka niya.
Binigay mo ang lahat, nagsawa siya.
Nilalapitan mo na, umiiwas pa.
Nasasaktan ka na, patuloy pa rin siya.
Ang salitang "move on"
ilang beses pa ba nating sasabihin? At kailan ba natin ito matutunang panindigan?
Habang nasasaktan tayo, hindi na natin iniisip ang maaaring maging epekto nito.
Sa halip na magalit tayo, bakit hindi nalang natin isipin na darating ang araw na magsasawa din tayo,
sadyang nauna lang sila.
Mahirap man kalimutan ang sakit na naramdaman,
Darating parin ang tamang tao na handang burahin ang nakaraan at palitan ng panibagong kaligayahan na sa atin talaga nakalaan ;)
ciao.
--
wiiiii. sorry, may mapaglabasan lang ;D
BINABASA MO ANG
Love Vs. Pain (one shot)
Romancenaranasan mo na ba ang magmahal? . . . eh ang maiwan? . . . this is only one shot. better check this, if you want ^__^ #