DIANNE

2 1 0
                                    

Itatago nyo nalang ako sa pangalang Dianne. Tubong probinsya ng North Cotabato. Nangyari ang kwentong ito nung ako ay magtatapos ng high school - SY 2005.

Itong nangyari sakin ay nakakakilabot. Hndi ko masasabing sa akin lang ito nangyari, dahil marami kami. Preperasyon namin nuon para sa graduation, syempre excited ang lahat and at the same time nalulungkot din kasi nga maghihiwalay na kaming mga magbabarkada.

Sumapit ang huling linggo ng rehearsals, syempre dahil uso na ang groupies nuon, madalas kami nagpipicture. Minsan may nakukuha kaming group pics na malabong parte. Natatakpan ung mukha nya. As in blurred tlga sya. So hndi na namin napapansin kung sino un basta kaming magkakalapit na kaibigan eh malinaw naman ang kuha. Uso padin nung time na un ung may films na camera. Yung pinapa-develop and pwede rin sya ipa-recopy basta nasayo lang yung kopya ng negative.

Sumapit ang araw na ayaw naming mangyari sa aming magkaklase. Pero syempre gusto dn naming matapos na kasi isang malaking achievement ang makapagtapos. Oo naman.
Picture dito. Picture duon. May digital cameras na gamit. May cellphones din. Uso pa nun sa amin yung Nokia N-series. Angganda din ng camera. Si ate ko, may napapansin dun sa kuha, may estudyante tlga sa likuran ko na bahagya lang nakasilip pero hndi klaro yung mukha. Eh sa pagkakaalala ko at namin, wala namang nag photobomb nung time na kinuhanan kami.  Nung time na un, medyo pinansin na namin. Sounds weird na kasi. Yung shoes na gamit nung nagphotobomb eh tugma din dun sa shoes ng nasa group pics namin na blurred abg kuha sa mukha nya. And iniisip namin kung sino sya sa mga classmate namin, subalit wala tlga. Hndi namin sya kilala. Nakakatindig balahibo isipin na sa bawat pics eh nasa malapit ko sya. Madalas katabi pa o nasa likuran.

Nung nakuha na namin ang pina develop namin na mga graduation pics, isa sa nakatawag pansin ay yung pic naming apat na magbebestfriends. Dahil medyo blurry na naman sya at ang kinagimbal pa sa lahat, 5 na kami sa picture. 😱😱 .

Hndi namin kilala yung pang lima sa amin. At para maalis ang duda, tiningnan namin sa negative copy, andun talaga sya. Same shoes padin yung suot nya. Hndi namin maipaliwanag ang nangyari o kung ano ang nais ipahiwatig ng pagpapakita nung babaeng yun sa mga larawan namin.

Sa kabilang dako, wala namang nangyaring masama samin. Inisip lang namin na baka hndi naman sya masama.

Hanggang dito nalang.

-Dianne.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DIANNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon