Sa 64th monthsarry ko dapat ito pinost sa watty kaso walang net so sa fb ko lang na post. Shoutout sa mga naka basa na!!! But I hope you'll still like this sibbies! Sige na start na tayo.
STOP. PAUSE. PLAY
PLAY.
"Ana Karylle Tatlonghari, meeting you at first is the worst but knowing you, and seeing how genuine you are is the best thing that happened in my life. Remember our first meeting? Nung nakatayo lang ako sa tabi ng mabahong kanal tapos nagmamadali ka na para kang may hinahabol kaya naitulak mo ako kaya nahulog ako doon sa kanal"
Napatawa naman ako habang inaalala ang araw na iyon
".....Eh hindi ko naman ginusto na pumunta sa lugar na yun, sadyang may kailangan lang akong puntahan dahil inutusan ako ni Dad at di ko rin naman alam na nanakawan ka pala at hinahabol mo yung magnanakaw kaya moko naitulak sa kanal...... Galit na galit ako nun sayo. Naiinis kasi hindi ako makapag higanti sa kahihiyang nagawa mo saakin. Hindi naman kasi kita kilala, hindi ko rin alam kung san ka nakatira, pero mapaglaro talaga ang tadhana at yung taong pinunta ko sa lugar na iyon ay ikaw pala, ikaw ang pinapahanap saakin ni Dad, ikaw ang tagapagmana ng matalik na kaibigan ni Dad, Si Don Modesto......ang iyong Ama.
Sa pagkikita nating yun, expected na na hindi tayo nagkasundo dahil agad kitang binulyawan tungkol sa insedenteng nangyari. Hindi ko naman kasi naisip na kaya mo pala ginawa ang lahat para habulin ang magnanakaw na iyon ay dahil pang tuition ng dalawa mong kapatid ang ninakaw niya and worse dahil di mo siya nahabol. Nung sinabi mo yun, nabago mo ang pananaw ko sa buhay, naisip ko na ang swerte ko pala sa sobrang swerte ko diko naisip na may iba pala diyan na lahat gagawin para sa pamilya nila, para saakin sila ang tunay na maswerte. Tulad mo......."
Naalala ko naman ang araw na iyon, pagkatapos kong sigawan siya at sabihin ang dahilan kung bakit naitulak ko siya nagulat nalang ako nung tumawag ang eskwelahang pinasukan ng mga kapatid ko na bayad na daw ang whole year tuition nila
".......Simula nun, sinikap kong maging magkaibigan tayo at sa Awa ng Diyos natunaw na ang puso mong yelo"
Natawa ako
".....Then at that time nung magkaibigan tayo I really felt happy. True Happiness. Each moment with you really shined. Little did I know that I was slowly falling......little did I know na hindi nalang pala kaibigan ang turing ko sayo, hindi ko narealize yun until Ding came, that guy really got into my nerves........"
Rinig ko ang sobra niyang iritasyon kay Ding, napatawa ako. Si Ding ang college friend ko
".......The way he looks at you, the way he holds you it's different nabubwisit ako sa diko malamang dahilan eh kaso yung hindi ko malamang dahilan pala ay dahil mahal na kita....."
Bumilis ang tibok ng puso ko at para na akong maiiyak
"......Ayun nung narealize ko na, I was confused, isang bakla magkakagusto sa isang merlat? Nakakaloka naman talaga yun diba? Naisip ko, baka masyado lang akong nag o-overthink, baka masyado lang akong na-attach sayo kaya ganito..........but no. I felt something in my heart. It was beating faster than the normal rate whenever I'm with you. The time na readyng-ready na ako, the time when I already proved to myself that I love you, the time when I said na wala ng atrasan to'! That time was also the time where a guy started courting you........Yael"
Para namang sinaksak ng libo-libong patalim ang puso ko, naririnig ko kasi ang sakit sa boses niya kaya't nasasaktan rin ako
"That time mayaman ka na, nakuha mo na ang mana ng iyong ama kaya napasayo narin yung mga businesses ng ama mo, kaya si Yael, ang anak ng buisiness partner niyo sa kompanya mo ay niligawan ka agad.....yung Yael talaga na yun! Nakaka bad trip, but did I give up?........"
No, no you did'nt, Vice
"That's right. I did'nt. I still confessed to you and said I'll court you..... Mahirap kalaban yung Yael na yun eh lamang na siya saakin eh, lalaki siya tas ako bakla mas alam niya kung papaano manligaw ng babae but I still did'nt give up..... Well I thought........matapos ang dalawang buwang panliligaw ko sayo nalaman kong may sakit ako......"
This time tuloy-tuloy na ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko
"May sakit ako sa puso....but I still did'nt gave up. You did. You gave up. Nagpaalam ako sayo na mawawala ako ng isang buwan dahil may business trip lang ako abroad, pero ang totoo niyan I went abroad not because of a business trip but to conduct different tests para malaman kung anong procedure ang gagamitin para malunasan ang sakit ko. I did'nt tell you kasi ayaw kong mag-alala ka. It's only a one month treatment. My Doctors said that One Month is'nt enough they insisted na mas habaan ang treatment ko but I refused I wanted to go back to you..... Gusto kong ipagpatuloy ang panliligaw ko sayo but when I came back......n-nalaman kong kayo na ni Yael........y-you gave up.....So I gave up too..... I gave up on courting you but I did'nt stopped loving you....i-ikaw parin,, Karylle....."
I heard his voice broke
Tuloy-tuloy na ang pag agos ng luha ko"I'm sorry Vice.....I'm Sorry"sabi ko na as if maririnig niya ako
"........I started my treatment but my heart is'nt responding well with my meds, that time when I was at the hospital bed, pinapasundan kita sa mga tao ko at nalaman kong i-ikakasal na kayo ni Yael the next week. My condition got worse, worse because I stopped taking meds, what for? Hindi rin naman nagrerespond ng maayo ang puso ko doon. My Doctor said that the only chance for me to live is through surgery but I refused....After months of pain not only physically but also emotionally, my condition got worse and worse, may times nga na akala ko oras ko na...... The Doctor said that Heart Transplant nalang ang only chance ko ngayon.....and guess what?"
"NO!!Don't say it------!"sigaw ko na para niya akong maririnig
"I Refused"
Narinig kong humahagulgol na siya, bakas sa boses niya na naghihina na siya at nasasaktan
"......Then the day of your wedding came, I saw pictures of you Smiling genuinely, laughing then I said to myself... Masaya na siya.....M-masaya sa piling ng iba...well atleast masaya na siya... I think I can rest now? Can I?...."
"No"bulong ko
".....Ana Karylle Tatlonghari, remember this. Sa bawat segundo ng buhay ko, Sa bawat moment na kasama kita, Sa bawat pintig ng puso ko, ikaw at ikaw parin ang minamahal ko.....Ngayon, in my last 64 heartbeats I wanted to say for the last time.....that.....
I Love You...."
At tuluyan ng nawalan ng tunog ang voice recorder
STOP. PAUSE. PLAY
"I Love You too, Vice" at tuluyan na akong napahagulgol
Kung alam ko lang sana na mamamatay parin siya kahit sagutin at pakasalan ko si Yael edi sana di na ako pumayag sa lintek na arranged marraige na yan!
I just married Yael para sa buhay ni si Vice if I refused to marry him he'll kill Vice, knowing Yael he got all the connections to do it anytime....
Regrets, Pain, Agony
I again pressed the Play button of that sound recorder
I wish life was like this voice recorder in which we can always play the memories in our life in which we can go back to those happy times....
"I'm sorry Vice......maybe we aren't destined in this life but I hope on the next one it'll be our happily ever after...."
END.