Dapithapon Sa Buhay Ni Budoy (Part 8)

652 0 0
                                    

Batang damo nga daw
Ang kailangan, aniya,
Ng matandang kalabaw
Upang tuhod ay tumikas,
Manumbalik ang lakas,
Dahil sa dalang sariwang katas.
Ngunit paano naman ang gagawin
Kung kalabaw ayaw kumain?
Hindi tulad ng kabayong buhong,
Laging umaaligid, lumalapit,
Upang damong nasabi'y lapain,
Ang tumulong katas ay lasap lasapin.
Mainggit kaya ang Kalabaw
At di na nito mapigil
higupin din ang katas ng damo
at parausin ang panggigigil?

"KATRINA?"

Nanumbalik sa kasalukuyan ang isipan ng dalaga sa boses na narinig. Tumingin ito kay Budoy. Bakas ang pagtataka sa mukha ng matanda.

"Po?" tanong ni Katrina. Nasa talipapa na pala sila. Malapit sa Aplaya. May iniaabot na pera ang matanda sa kanya. Isanlibo.

"Bumili ka na ng mamemeryenda habang nasa dagat tayo...Bumili ka na rin ng lechong manok na maiuulam mamaya pag uwi." marahan ang tinig ng matanda. Parang pakiusap ang dating at hindi pautos.

Tinanggap ni Katrina ang perang iniaabot ng matanda at bumaba ng sasakyan. Mabilis nitong tinungo ang tindahan ng lechong manok. Ilang sandali rin ang itinagal nito at pagkatanggap ng sukli'y pumunta na sa bilihan ng iba't ibang meryenda. Pinagmamasdan lang ni Budoy ang bawat lakad at galaw ng dalaga sa medyo matao pang talipapa. Nakikita nya rin ang ilang kalalakihang pinagmamasdan din ang dalaga habang nakikipaghuntahan ito sa iba pang mga nagtitinda sa palengke na halatang kakilala nito o ng ina nitong si Andeng. Sa uri ng pagtingin at pagkukuwentuhan ng mga lalaking nakatingin kay Katrina, nahuhulaan na ni Budoy ang mga kalaswaaang tema ng usapan ng mga ito patungkol sa dalagang kahit hindi naman kaseksihan ang suot ay makatawag pansin pa rin. Maganda talaga ang tindig ni Katrina. Tatawag talaga ng pansin ang magandang hugis ng mahaba, mapuputi at makinis nitong binti. Ilang sandali rin ang lumipas at naglakad na pabalik ng sasakyan ang dalaga. Habol ito ng tanaw ng mga kalalakihang nakatambay sa talipapa. Dinaanan saglit ni Katrina ang lechong manok at pagdaka'y dumirecho na ng balik ng sasakyan. Pagbukas nito ng pinto'y inilagay ang mga pinamili sa likuran ng passenger's seat. Dumukwang ito upang mailagay ang mga dala dalahan. Sa pagdukwang nito'y bumaba ang neckline ng maluwag na tshirt dahilan upang masilip ni Budoy ang maputing cleavage nito. Napansin din ng dalaga na nakikita ang bahaging yun ng kanyang dibdib. Sa peripheral vision nito, nakita niya ang matandang lalaking nakatingin dun. Hindi niya alam pero napangiti si Katrina. Mas pinagtagal pa nito ang pagsasalansan ng mga binili sa likuran ng passensers seat. Natutuwa siya sa atensyong ipinapakita ni Budoy sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil mabait ito sa kanya. Magaan talaga ang kalooban niya dito. Ano kaya kung...nailing ang dalaga sa naisip...at napangiti.

Nakarating na sila sa lugar na kung tawagin ay Tamauyanan, isang bahagi na hindi pa nasasakop ng mga beach resorts. Mabato ang bahaging iyun ng tabing dagat ng Anilao. Lalo na't kung kati o low tide. Bumaba na sila ni Katrina. Bitbit ni Budoy ang kanyang leather case na may lamang camera. Balak niyang kumuha ng mga litrato sa tabing dagat. Si Katrina nama'y kasunod na niya na bitbit ang mga kakaning binili nakalagay sa isang plastic bag at isang litro ng Coke. Naupo lang sa buhanginan si Budoy at inilabas ang camera nito. Naupo si Katrina sa malapit kay Budoy at pinagmasdan ang ginagawa ng matanda. Nalibang siyang panooorin ang pagpapalit palit nito ng mga lens ng camera at pagsubok sa iba't ibang buton nito. Ni hindi siya pinapansin ng matanda. Sinilip ni Katrina ang maliit na screen na tinitignan ni Budoy. Nasamyo naman ni Budoy ang mabangong amoy ng dalaga at bigla itong napalingon. Muntik nang magpang abot ang mga mukha ni Budoy at Katrina sa ginawang paglingon ng matanda. Isang iglap silang natigilan at nagkatitigan bago muling ibinaling ni Budoy ang tingin sa camerang hawak. Nakaawang ang magandang bibig ni Katrina na nakabawi na rin sa sandaling pagkatulala. Medyo namula ang pisngi nito. Minabuti nitong tumayo at tumakbo na patungo sa mababaw na bahagi ng tubig at naglakad lakad dun habang pinagmamasdan ang malinaw na repleksyon ng sarili.

Dapithapon Sa Buhay Ni Budoy ( Ang Simula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon