Day 2

5 2 0
                                    

"George! Kunin mo nga yung mga plato dun." Utos ni Mama

"Opo" sagot ko naman.

Pumunta naman ako sa kusina na namin para hanapin yung mga plato, Birthday na kasi ni papa ngayon kaya nag aayos na kami ng pagkain para sa mga bisita mamaya. Nasa mesa ang mga plato, kinuha ko na yun at binigay kay mama

"Osige anak, Kanta ka na dun sa videoke" sabi ni mama

Pumunta naman ako sa videoke na rinentahan ni mama para kay papa. Nakita kong nandun ang mga kaibigan ko sina Camille,na namimili ng kanta kasama si Anne at Maricar, habang sina JM at Jastine naman ay kumakanta. Yung lalaki nakita kong nakatayo at nakatingin sa akin.Pumunta na lang ako kina Camille, na biglang tumayo upang maglagay ng kakantahin niya.

Nakita ko yung songbook kaya tinignan ko yun para pumili sana ng kanta, habang binabasa ko yung mga title may pumunta sa gilid ko at nakitingin rin, hindi ko na siya tinignan dahil busy ako sa pagbasa.

"1908" sabi niya tsaka pumunta sa videoke upang maglagay ng kanta

Doon ko napansin yung lalaki palang may gusto daw sa akin yung katabi ko. Bumalik siya sa pwesto niya kanina kung saan duon ko siya nadatnan kanina.

"Yeah yeah" tapos na ang kanta nila camille at ang kasunod na kanta naman ay 'Crazy for this girl by Evan and Jaron'. Binigay ni Camille ang mic dun sa lalaki gusto daw ako. Nagumpisa na siyang kumanta

She rolls the window down
And she talks over the sound
Of the cars pass us by
And I don't why
But she changed my mind

Ewan ko pero bakit sa akin siya nakatingin?

Would you look at her? She looks at me
She's got me thinking about her constantly
But she don't know how I feel
And as she carries on without a doubt
I wonder if she's figured out
I'm crazy for this girl
Yeah, crazy for this girl

Ayokong mag assume pero diba sinabi na niyang gusto niya ako? Ito ba yun?Pero para sa akin ba itong kantang to?

She was the one to hold me
The night that sky fell down
And what was I thinking then
The world didn't end
Why didn't I know what I know now?

Would you look at her? She looks at me
She's got me thinking about her constantly
But she don't know how I feel
And as she carries on without a doubt
I wonder if she's figured out
I'm crazy for this girl
Yeah, crazy for this girl

Would you look at her? She looks at me
She's got me thinking about her constantly
But she don't know how I feel
And as she carries on without a doubt
I wonder if she's figured out
I'm crazy for this girl
Yeah, crazy for this girl.

Natapos ang kanta ng nakatingin lang siya sa akin pero ewan ko kung ano tong nararamdaman ko, like there are some butterflies inside my stomach, feeling ko kaming dalawa lang ang nandito. Nagsloslow-mo yung paligid.

----------------------------------------------------------------

Hapon na natapos ang party ni Papa kaya pinayagan nila akong maglaro dahil nagiinuman nalang sina papa sa bahay.

Pinuntahan ko yung lalaking may gusto daw sa akin, hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget over sa kanta niya, ang lalim kasi ng boses niya hindi mapaghahalatang bata lang ang kumanta, kaya pupuntahan ko siya para malinaw na sa akin to.

Habang naglakad ako papuntang bahay nila, para silang nagliligip ng gamit. Aalis ba sila? Magoouting? Swimming?

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila. May nakita akong babae siguro mama niya to. Nakita ata ako nung mama niya kaya ngumiti sa akin, ngumiti naman ako pabalik

"Iha, hinahanap mo ba yung anak ko?" Tanong niya

"Opo e, nanjan po ba siya?at magswiswimming po ba kayo bat po kayo nagiimpake?" Sabi ko sa kanya

"Ahh oo nandito siya, saglit lang at tatawagin ko" pambabaliwala niya sa isa ko pang tanong at pumasok ito sa bahay nila

Lumabas yung lalaki na parang nakakita ng multo. Huh? May multo ba sa likod ko? Tumingin naman ako sa likod ko. Wala naman e. Weirdo niya talaga Alien hahaha

"Ui George buti pumunta ka dito?" Tanong nya

"Ahmm oo e, bawal ba? Busy ka ba? Sorry" sabay talikod para umuwi .Bigla niyang hinawakan ang balikat ko. May naramdaman naman akong kuryenteng dumaan sa balikat ko.

"Ay hindi, hindi. Nabigla lang ako kasi dumalaw ka, ano ba yung kailangan mo?gusto mong maglaro?" Dali dali niyang sagot

"Ahh, hindi may itatanong lang sana ako, yung ano... Paano ba ito... Yung...." Kinakabahan kong sabi

"Yung ano? About ba to dun sa kinanta ko? Ahm para sayo yun e nagustuhan mo ba?" sagot niya sabay kamot ng ulo

Omo, I knew it! Para sa akin yun !

"Ahh oo nagustuhan ko, pero bakit para sa akin yun?" Tanong ko

Bigla naman siya namula.

"Ahh. Kasi ano.. Kasi gusto kita George" sabi niya

Wait? Gusto niya talaga ako? Omo bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Nagsloslow-mo nanaman at nandito nanaman yung mga Butterfly sa tyan ko.

______________________________________________

Invi_fellas

I fell inlove within 3 daysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon