Thanks for this new generation,
Thanks for the creator all social media.
Thanks for the new technology.
I am one of the millions user of this apps.
I am one of the millions Filipino OFWs.
Masarap sa pakiramdam yung nakapagbibigay ka sa mga mahal mo sa buhay.
Magaan sa pakiramdam na malaman mong Hindi sila nahihirapan,
Hindi sila nagugutom...Masarap isiping lagi silang merong pagkain sa kanilang harapan,tatlong beses isang araw, meryenda umaga't hapon.
Nakakabili ng mga bagong damit o laruan anumang oras nilang gustuhin, ano mang okasyon ang darating.
Masarap isipin nakakapasok sila sa eskwelahan ng maayos, kompleto ang mga kagamitan,at laging may baon.
Maluwag sa pakiramdam bilang isang ina o ama na Hindi sila nagkakasakit.
Sa kabila ng sitwasyong kanilang hinaharap bilang isang OFW.
Nakakatuwang makita silang lahat na masaya,malawak ang ngiti sa kanilang mga labi.
Matutuwang makinig sa mga kwento nila sa nakaraan araw kahit pa nga sabihing sa isang maliit na monitor mo lang sila nakikita.
Ngunit sa kabila ng lahat ng tuwang iyong nadarama isang tanong ang maaari mong itanong sa iyong sarili.
"Ganito din kaya sila masaya na makita ka...?" tulad ng sayang umaapaw sa iyong puso ng makita mo sila.
O di kaya ay iisipin mong minsan kaya naisip din nila kung anong sitwasyon ang meron ka sa ngayon.
Minsan kase bilang isang OFW hindi natin maiiwasang magtanong ng kung "bakit".
O di kaya'y bigkasin ang salitang "sana".
Sa mga panahong walang sino man ang nakakaalam kung anong sitwasyon ang kinasasadlakan mo sa ngayon.
Walang sino man ang nakakarinig nang lahat ng " bakit" at lahat ng "sanang" meron ka sa ngayon.
Mahal pangako konting tiis lang matapos nating mabayadan ang lahat ng dapat bayadan ay sasadya tayo ng para sa atin,
mahal pangako ibibigay Kong lahat para sa inyo,
para sa ikatutuwa ninyo, para sa ikasasaya ninyo,
mahal pangako gagawin Kong lahat, ang lahat lahat ng aking makakaya.
Lahat matitiis ko para sa inyo ng mga bata lahat sa akin ay "ok" malaman ko lang na mas "ok" kayo.
Ngingiti ako sa abot ng aking makakaya, Tatawa sa harap ninyo wag lang kayong mag alala.
Ma.... Kamusta po.....?
Ok lang kuya....
Ma kelan ka papadala...?
Wala pa ngayon kuya sa sahod pa eh bakit...?
Ma kelangan ko po ng pera may bibilin ako..
BINABASA MO ANG
Im crying but i cant. ( one shot )
Historia Cortaonce you're became a mother and a wife .... you can't even say or think that you want to quits.. once you're "in" you can never be out of this.... its a life that you can't imagine being far from them... it is the life being an ofw hoping that one...