ANO ANG KRYPTONITE MO ?

1.6K 0 1
                                    

ANO ANG KRYPTONITE MO ?

            Nakapanood ka na ba ng movie ni Superman o nakapagbasa ng comics nito, siguro naman hindi na bago sayo ang salitang kryptonite. Kryptonite, eto yung radioactive ore na matatagpuan lamang sa planet Krypton, ang planetang pinanggalingan ni Superman. Kryptonite din mismo ang isang bagay na iniiwasan ni Superman dahil kapag malapit siya rito, nawawala lahat ng lakas nya dahil ito ang kanyang kahinaan, parang si Achilles sa Greek Mythology na may Achilles heel na sa una ay asset nya sa pakikipaglaban pero nandun din pala ang kanyang kahinaan. Ngaun ang tanong ko sayo, bilang isang normal na tao na hindi gaya nila Superman, ano naman sa tingin mo ang masasabi mong “kryptonite” sa sarili mong pagkatao.

            Bakit nga ba kryptonite? Ang sagot eh simple lang, ito kasi yung bagay na naisip kong gamitin bilang simbolo ng ating kaninaan o weakness, ang laging kadugtong ng strength o kalakasan. Gaya ni Superman na sinabing “super” dahil sa kakaiba nyang lakas, bilis at abilidad, eh meron din palang kahinaan, ganun din tayong mga normal na tao, sa buhay natin ay maituturing tayong lakas at meron din namang kahinaan, mga limitasyon na hindi natin maiiwasan.

            Ang kahinaan ng isang nilalang ay makikita hindi lang sa mga pisikal na aspeto kundi sa kabuuan ng kanyang pagkatao, kasama dito ang emosyonal, intelektwal, sosyal at maging ispirituwal. Unahin natin ang pisikal na kahinaan. Nakakita kana siguro ng bulag, pipi, bingi o pilay. Masasabi natin na dahil sa kakulangan ng isang parte ng kanilang katawan, eh nandoon ang kanilang kahinaan. Dahil sa di nakakakita ang bulag, walang pandinig ang bingi, di makapagsalita ang pipi at hindi makapaglakad ng maayos ang pilay. Sa komunikasyon pa lang, medyo nahihirapan na sila at pati ang mga pisikal na gawain o laro ng isang normal na tao eh naaapektuhan din. Ganon din naman sa mga taong “nasobrahan” naman ata sa natural nilang pangangailangan, anjan ang mga matataba, mga taong sobrang talino, sobrang yaman at kung anu-ano pa, na dahil sa kanilang estado eh naapektuhan naman ang pakikipagkapwa-tao at minsan pa, parang may mga sarili na silang mundo. Pero ganunpaman, merong mga iilan sa atin na sa kabila ng mga pisikal nilang kahinaan ay may naipapamalas namang galing sa ibang larangan, gaya ng isang bulag na isa rin palang magaling na singer, isang putol ang kamay pero kilala sa pagpipinta gamit ang paa at ang pinakabago ngayon, isang pinay na walang kamay, black-belter sa taekwondo at kauna-unahang Pilipina na lisensyado sa pagka-Piloto.

            Ngayon, punta naman tayo sa emosyonal na kahinaan, isa sa mga paboritong paksa ito ng mga taong nagmamahal, nasasaktan at pati narin siguro ang mga manhid, pero kung itatanong mo sakin kung saan ko nakuha ang mga yan, ang maisasagot ko eh, wala lang,naisip ko lang o baka trip ko lang ding isulat dito para may masabi lang. bahala ka nang humusga. “emotional weakness could be when you always feel bad about yourself, when your always down, when you are always letting people get to you emotionally  eto yung nabasa ko sa isang libro at ang abi dito, nasa pakiramdam mismo ng isang tao ang kahinaan nya at lalo pang nagiging kahinaan kung hindi mo naman alam ang dahilan ng nararamdaman mo. Bigay tayo ng isang halimbawa : may isang babae na may crush sa isang hearthrob sa school, syempre maganda lage ang araw nyan sa tuwing nasisilayan nya si guy diba, lageng blooming, at minsan pa eh inspired, pero ano kaya sa tingin mo mararamdaman nyan kung sakaling makita nya si “Crush” na may kasamang iba, girlfriend nya man ito o hindi, tapos mas maganda pa sa kanya. Dito na papasok ang tinatawag nating selos at pati na ang insecurity at inggit. At hindi lang sa mga babae nangyayari yan, pati din sa mga lalake lalo na kung pareho din sa scenario na nabanggit ko.

            Ang susunod, intelektwal na kahinaan. Ito na marahil ang pinakadominante sa lahat ng mga kapwa ko estudyante o mag-aaral. Nariyan ang mga estudyante na animo’y nanghihina, nanlulumo o nawawalan ng gana pag ang subject o quiz o exam eh tungkol sa MATH o kahit sa ibang subject na kinaaayawan nila. Meron din naman yung iba na tipong gusto nilang malaman ang isang bagay pero hirap silang intindihin at ipaliwanag ito at meron din namang mga kagaya ko na may alam nga sa iilang bagay pero hindo ko naman mai-share o kayang ipaliwanag sa iba, kumbaga, ako lang ang nakakaintindi dito at nasa sarili ko din ang dahilan kung bakit. Isama narin natin ang kawalan o kakulangan sa focus nating mga mag aaral, na madalas nangyayari pag apektado ng problema, mga kinababaliwang online games, at minsan pa eh lovelife na imbes na maging inspirasyon eh sumisira pa sa konsentrasyon natin. Sabi nga ng isang kakilala, pag inlove ka, ilagay mo sa puso pero gamitin mo ang utak, at hindi yung puro puso lang ang sinusunod mo dahil di naman nakakapag-isip yan,utak mo rin lang ang nagdidikta sa sarili mo kung inlove ka nga. (remember the function of the cerebral cortex).

            Sosyal at ispiritwal na kahinaan naman tayo. Ang kahinaan natin sa aspetong ito ay nakikita sa kakulangan o dahil sa hirap tayong makipagkapwa-tao, hirap makisalamuha sa iba, hindi kaya o hirap intindihin ang kapwa nila dahil na rin siguro sa pagkakaiba-iba natin at mga nakasanayan na natin. Isipin mo na lang kung anong pakiramdam ng isang batang lumaki ng sampung taon sa probinsya at biglang napadpad sa Maynila. Ang hirap mag-adapt diba. Eh paano naman kaya sa mga taong ang hilig o kinasanayan ng laging mag-isa, gusto man nya ito o hindi. Sa ispiritwal naman, malaki na agad ang kahinaan mo kung kulang ka sa paniniwala sa Diyos, at kung may paniniwala ka nga pero hindi mo naman kayang isagawa o ang paniniwala mo ay taliwas sa mga bagay na ginagawa mo at kung anu anu pa. Kung gusto mo pang malaman kung anu ano ang mga ispiritwal na kahinaang ito, abah eh isa lang maipapayo ko jan, pumunta ka sa simbahan, buksan mo at basahin ang bibliya nyo at wag mong paamagin sa loob ng cabinet nyo.

            At sa bandang huli eh ang iba pang paliwanag sa kryptonite ng pagkatao mo, na kahit sa kabila ng iba’t ibang talents na meron ka, topnotcher o dean’s lister ka man sa school, varsity player o kilalang SK sa baranggay nyo, kilalang singer o dancer , o kung hindi man sa nabanggit eh pinangarap mong maging gaya ni Superman, maging part ng Avengers o Justice League, hindo mo padin maikakaila na kahit sa dami ng mga bagay na meron sayo na bumubuo ng pagkato mo eh nandoon din lagi ang mga limitasyon at kahinaang kailangan mong tanggapin sa sarili mo. Bagkus ay hanapin mo ang lahat ng ito, alamin mo mismo ang kahinaan mo at unti unting bawasan ito, o kung hindi naman eh gumawa ka ng paraan para mabago ito, diskarte lang ang kailangan.

 Sa tingin mo ba, lalapit pa si Superman sa kryptonite ng walang dahilan kung alam nyang manghihina sya rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANO ANG KRYPTONITE MO ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon