"Sa Ibaba'y Tunay Na Langit" CHAPTER 1- Si Myrtle

264 2 5
                                    

      Si Myrtle, sampung-taong gulang at isang katulong sa isa sa mga mababait na pamilya sa Russia. Siya ay isang bata na maagang namulat sa kahirapan ng buhay.

"Inay, ngayong wala na si Itay, hinding-hindi po ako magsasawang magtrabaho para sa inyo at sa mga kapatid ko" ang wika ni Myrtle.

"Salamat anak! Alam ko na mahirap para sa atin ang mabuhay ngayon na wala na ang inyong Itay, subalit hinding-hindi tayo susuko hindi ba anak?" ang tugon at tanong ng kanyang ina.

"Oo naman po Inay! Ipinapangako ko po na gagawin ko po ang lahat ng paraan upang makaahon po tayo sa kahirapan at mapagamot ko po kayo" buong loob na sagot ni Mytle.

    Dahil nasa lahi nila ang pagkakaroon ng sakit na Cancer, maagang namatay ang kanyang ama sanhi ng Brain Cancer. Sa kabilang banda, ang kanyang ina ay kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na Breast Cancer. Gayunpaman, si Myrtle ay di napagod maghanap ng trabaho kahit sa mura nitong edad. Siya ang panganay sa kanilang magkakapatid kaya siya ang kumakayod para sa kanyang pamilya. Hindi tumagal at nakilala ni Myrtle ang mag-asawang Thompson, sina Mr. Keith at Mrs. Kharen Thompson. Isang taon na siyang namamasukan sa pamilyang Thompson at sa isang taon na ito ay wala namang naging problema kay Myrtle ang kanyang mga amo.

"Myrtle, kayo na muna ang bahala ni Manang Clodet dito sa bahat at mayroon lamang kaming aasikasuhin ng inyong Sir. Okay?" ang bilin ni Mrs. Kharen sa kanilang katulong na si Myrtle.

"Opo Ma'am Kharen, kami napo ang bahala dito. Mag-iingat po kayo ni Sir" ang mabilis niyang tugon.

"Salamat, O''siya sige mauuna na kami" ang paalam ng mag-asawa bago pa man sila tuluyang umalis.

   Patuloy parin si Myrtle sa paglilinis ng mga kagamitan at pagluluto ng pagkain. Magaalas-sais na ng gabi nang siya'y matapossa kanyang mga gawain at siya'y nagpasya nang umuwi sa kanilang tahanan.

"Manang Mariz, kayo napo muna ang bahala ni Manang Clodet dito sa bahay dahila kailangan ko na po umuwi. Maaari po ba?" ang p agpapaaalam nito.

"Osige, walang problema kami na ang bahala. Mag-iingat ka ha?" ang tugon ni Manang Mariz.

    Malapit lamang ang kanilang tahanan sa kanyang pinagta-trabahuhan kaya siya'y naglalakad lamang pauwi. Unang gabio noon ng Disyembre, naglalakad na si Myrtle dala ang isang supot ng pansit na kanilang pagsasalu-saluhan ng kanyang mga kapatid sa gabing iyon. Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa isang tindahan ng mga laruan at isang "SNOW GLOBE" ang kumuha ng kanyang atensyon. Napakaganda nito, tila ito isang mundo na puno ng  kasiyahan habang ang mga niyebe sa loob ay bumabagsak sa tahanan ng isang masayang pamilya. Hinahangad ni Myrtle na magkaroon nito subalit ang halaga nito ay katumbas ng dalawang sweldo niya na siyang pinambibili niya ng kanilang pangkain at pambili ng gamot ng ina.

  Nang makauwi siya ay nadatnan niya ang kanyang mga kapatid na pawang kumakalam na ang sikmura sa tinding gutom. Naroon din ang kanyang ina na nakahiga at inuubo sa sobrang lamig ng klima . Nang matapos nilang kumain at agad na humiga ang kanyang mga kapatid at natulog. Bago siya natulog ay nagdasal at nagpasalamat siya sa lahat ng biyaya sa araw na iyon.Biglang sumagi sa isip niya ang nakitang snow globe at walang sandali na hindi siya humiling na magkaroon nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Sa Ibaba'y Tunay Na Langit" CHAPTER 1- Si MyrtleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon