8. His Other Side

122 10 1
                                    

Jiro's POV

*DINGDONG* *DINGDONG* *DINGDONG*

"NANDITO NA!! LANGYA ANG INGAY!!"

Sino ba tong taong to?! Ang aga aga nambubulabog!

Binuksan ko yung pinto.

TSSS.

Yung babaeng yun nanaman. Ano bang problema nito?!

Tumayo lang ako sa harap ng pintuan.

"Anong ginagawa mo dito? Ang aga aga namemeste ka."

She flashed a wide smile. Tsk, ibang klase talaga siya.

"Gagawa tayo ng project diba? *winks*"

Excited naman ng babaeng to. Pwede namang after class.

"Mamaya na! Umuwi ka muna!"

Tumalikod na ako at naglakad na pabalik sa loob.

"Uy Jiro!Ang aga aga ko pumunta dito tas sasaraduhan mo lang ako? *pouts*"

Langya ang daming alam ng babaeng to ah! Pout pout pa di naman cute!

Eh ano pa nga ba?

Binuksan ko yung gate at pinapasok siya.

Dumirediretso naman siya sa loob na parang bahay niya to.

Inaantok pa ako.

"Oh saan ka pupunta?"

"Aakyat. Matutulog."

Naglakad na ako paakyat sa kwarto ko.

"Anong matutulog?!"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at di siya pinansin.

Humiga sa kama at muling natulog.

AJ's POV

Anong matutulog?! Pupunta punta ako dito tapos tutulugan niya lang ako??

Di pwede yun!

Umakyat ako at pumunta sa kwarto niya--- Teka!!

Nadaanan ko yung kwarto na madaming painting.

Sabi niya may isa daw na naiiba. Yung may color.

Binuksan ko yung pintuan..

Kaso naka-lock. Aish -,-"

Dumiretso nalang ako sa kwarto niya at ayun ang lalake! Natulog nga ulit!

"Jiroooo bangon naaaaaa"

Inalog-alog ko siya.--

"WAAAAAHHHH!---

Tinulak niya ko kaya nahulog ako sa kama.

Tumayo ako at inalog-alog siya ulit. Kaso waley. Tulog na tulog padin ang lalaki!

Inulit-ulit ko ang paggising sakanya pero inulit-ulit niya lang din ang pagtulak sa akin.

Fangirl Meets HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon