Ako si Francis. Graduate ako sa isang state university sa isang probinsya na di naman kalayuan dito sa Maynila. Pinalad naman ako dahil pagkatapos kong sunugin ang kilay ko ng limang taon sa pag-aaral para maging isang mahusay na engineer ay agad naman akong nakapasok bilang call center agent. Haha! Gulo di ba?
Hindi kasi ako nakapasa sa unang take ko sa board exam kaya nagpasiya na lang ako na lumuwas na lang sa Maynila para makipagsapalaran. Hirap kaya ng buhay ngayon.. Kelangan ko magbanat na ng buto.
Habang matiyaga akong naghihintay sa terminal ng bus, di sinasadyang may natapakan akong chewing gum at may nakadikit na flyer. Binasa ko yung nakasulat..
"YOU BELONG! We are currently HIRING! APPLY NOW!
Yun ang unang inisip na aapplyan pag makarating na ako ng Maynila.
Magulo talaga ang Maynila pero nakakasabik..
Mausok, maraming tao, at maraming bagay na di mo makikita sa probinsya namin.
Agad naman akong nakahanap ng matitirhan. Isang maliit na paupahang kwarto na sapat na para sa kagaya kong nagsisimula pa lang ang karera ng buhay.
Naalala ko yung flyer na nakita ko.. Kaya nung sumunod na araw, agad akong nagpunta sa address na nakasulat.
"Wow! Ang lamig naman!" sobrang lamig ng opisina. Di ako sanay.
Y-I-K-E-S, Yikes ang name ng company.
Kinausap ko agad ang receptionist at agad naman akong naisalang sa interview.
Sabi ng receptionist, one day process daw.
Initial interview, exams, personality test, behavioural test, drug test, pregnancy test.. WALANJO! Tinalo pa prelims sa dami ng mga test.
At ang ONE DAY PROCESS na sinabi ng receptionist, LITERAL palang isang buong araw. Kasi naman, dumating ako ng alas-otso ng umaga, natapos ako ng alas diyes na ng gabi.
Nabuo ko na ang isang buong araw na shift, may OT pa! Hahaha!!
Awa naman ng Diyos, nakapasa ako at pinapirma ng kontrata.
Isa na akong ganap na tao! Hahaha! Di na ako kasama sa 3.5 million na unemployed rate ng Pilipinas.
Francis Xavier Smith.
Yan ang buo kong pangalan. Ganda ng apelyido ko noh?! SMITH!
Di ako porenger, yung tatay ko lang.
Cook noon si Mama sa isang maliit na hotel sa Clark at dun niya nakilala ang tatay ko.
Nainlove daw ang ang tatay ko sa luto ni Mama pero nung 2nd year high school na ako, bigla na lang nawala si Damian Smith at nagfly away na daw. Nasarapan siguro sa luto ng iba kaya simula noon, si Mama na lang nagpalaki at nagpaaral sa akin.
Di talaga ako sanay na makihalubilo sa tao. Kaya medyo naninbago ako sa environment ng call center. Sumasagot o nagsasalita lamang ako kapag may tinatanong sa akiin ang trainer naming si Sir Dave.
Breaktime noon, kaya naman nagkanya-kanyang sibat ang mga kasamahan ko sa training program ng bigla akong tawagin ng kawavemate ko. Si Orly.
"Ui Francis!" si Orly
"Ui!" sagot ko.
"San ka pupunta?! Yosi tayo!"
"Naku, di ako naninigarilyo eh!"
"Ganun ba?! Sige sama ka na lang sa akin!"
Mabait si Orly at palakwento kaya hindi naman ako nahirapang makasundo siya. Dahil din sa kanya kaya nasimulan kong maging magiliw sa iba ko pang kasama sa training.
Ilang araw din ang lumipas at naging palagay na ang loob ko sa mga kasamahan ko. Pero may isa akong katrabaho na nagpamulat sa isip ko at bigla akong napaisip. Nung bigla niya akong tanungin kung may girlfriend na daw ba ako.
"Ha?! Single ka pa?! Eh ang pogi pogi mo!" si Shirley
"...?!" wala akong naisagot.
"Wala ka pa bang naging gf?... Kelan last relationship mo?... Bakit single ka pa?... Choosy ka siguro?.." tanong ni Shirley.
Andaming tanong ni Shirley. Pero ewan ko ba, di ko siya nasagot at napakunot ako ng noo.
Napansin siguro ng mga kasamahan ko ang pagtahimik ko, ganun din si Shirley kaya siguro naisipan niya na lang manahimik. Kahit ako nagtaka kung bakit di maganda mood ko sa tanong ni Shirley.
Bigla ko na lang tuloy naalala nung 9 years old pa lang ako..
May matalik akong kaibigan. Mark ang pangalan niya.
Sobrang close namin sa isa't isa lalo na kapitbahay ko lang siya at magkavibes ang mga nanay namin, dahil parehong sumakabilang bahay na ang mga tatay namin ni Mark.
Si Mark lang ang itinuring kong kaibigan. Mas matanda siya ng apat na taon sa akin at siya na ang tumatayong kuya ko dahil simula nung madalas ng hindi umuuwi si tatay sa bahay at lumiit na din ang intrega niya kay Mama ay nagpasiya na lamang na dalhin si ate sa tita ko sa Cavite at dun na din siya nagpatuloy ng pag-aaral, pero umuuwi parin naman si ate para mangamusta. Kaya ako at si bunso na lang ang naiwan sa bahay kasama ni Mama.
Sobrang bait ni Mark sa akin.
Lagi siyang may sorpresa sakin.
Minsan, dumadaan pa siya sa school namin para sabay kaming umuwi.
Grade 4 ako at 1st year high school naman siya.
Minsan, nung sinundo niya ako at habang nasa kalagitnaan ng paglalakad, bigla na lang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Akala mo end of the world na. Kasi naman, wagas ang lakas ng ulan.
May payong man ako, di naman kami kasya ni Kuya Mark.
At kamalas-malasan pa, bumaligtad ang payong at tuluyan nang nasira.
Kumaripas kami ng takbo ni Kuya Mark at napadpad kami sa isang abandonadong bahay sa di kalayuan.
"Lagot ako neto Kuya Mark!"
"Bakit naman?!"
"Kasi nagpaulan tayo, tapos nasira ko pa payong ni Mama"
"Di mo naman kasalanan yun eh."
"Sigurado ka Kuya?!"
"Oo! Ako bahala sayo. Teka basambasa ka Kuykoy ah!"
"Ok lang ako kuya...aaaachooo!"
"Naku, sinipon ka na, teka hubarin mo muna yang damit mo, baka kasi lalo ka lamigin"
Tinanggal ko yung uniform at sando ko.
Kinuha naman ni Kuya Mark ang towel niya na nakalagay sa bag niya at pinunas sa katawan ko. Nung mukha ko na yung pupunasan niya, bigla lang siyang tumigil at tinitigan ako na parang noon pa lang niya ako nakita sa buong buhay niya.
"Ang ganda ng mata mo Kuykoy! Parang chocolate, kulay brown!"
"Talaga Kuya?!"
"Oo!"
Pero nagtataka ako kung bakit di inaalis ni Mark yung kamay niya sa mukha ko at nakatitig lang siya sa mukha ko.
"Kuya Mark? Anong meron?!"
"May...uggh!..."
Bago ko pa man masabi ang sasabihin ko, sa laking gulat ko ay bigla akong hinalikan ni Kuya Mark sa labi.
Ang pinakalaking pagtataka ko pa, ay di ko siya pinigilan.
Parang nagmagnet ang mga labi namin at parang ayaw maghiwalay.
At bakit parang ang tamis ng labi ni Kuya Mark?
ITUTULOY..