Chapter 1- Mayumi

22.9K 395 13
                                    

           
Yumi

Traffic...too bad, nakakabad trip.
Haaayyyy mapapakanta ka na lang sa gitna ng EDSA. Buti pa ang EDSA may forever. Forever traffic.
Papunta pa naman ako kay Christine. Kung bakit ba kasi sa sa Valenzuela pa gustong magkita eh galing pa ako Pasay para sa contract ng airbus na inaarkila niya.

"Hello Ms. Christine. Yumi here." I called her para naman masabihan.
"Where the hell are you? 8:45 na."
"Nasa EDSA Magallanes. Baka malate ako. Traffic na kasi."
"Hay naku Yumi. I am on the way to Tagaytay. Sa Grace Hotel na tayo magkita."
I closed my eyes and count 1 to 10. "Okay sige. Hintayin kita sa office ni Ms. Lise."
"Whatever." Sagot nito at binaba ang phone..

"Arrgggggggghhhhhhh" Busit na busit ako. Wala pa naman malapit na u-turn spot dito.

Gutom na gutom ako pagdating ko sa Grace Hotel.

Pansamantala akong nakiki-gulo sa studio ni Ms. Lise. Wala pa kasi akong office. Free Lance kasi ako kaya hindi ko pa naiisipang mag-open talaga ng office. For now, tie up lang ako kay Ms. Lise.

"Yumi. Akala ko may meeting ka." Nagulat si Ms. Lise ng makita akong pumasok sa studio nya.
"Nagbago ang isip ni Christine ng papunta na ako sa Valenzuela. Dito na daw kami magkita sa studio mo." Inabutan ako ng cupcakes ni Ms. Lise. Laging merong stock na cupcakes si Ms. Lises a studio niya.
Kumuha ako ng isa at mabilis na kumain.
"Hindi ka pa kumakain?" tanong nito.
Umiling ako.
"NAgmamadali kasi akong kuhanin ang contract sa RS Aviation. Eh sa Pasay pa yung office." I explained to her. Inabutan niya din ako ng mineral water.

Bless you Ms. LIse.

"Bakit parang may something sa inyo ni Christine? Hindi naman sa nakikiaalam ako." Tanong ni Ms. Lise.
"Well, nakikiaalam ako." Biglang bawi nya.
"I know she's a brat. Ilang beses din siyang nagpalit ng contract sa akin. I know din na kaya ka nasa sa situation na 'to is because of me. Kung hindi ko sinabing kailangan ka nilang kuhanin or else hindi ko siya ico-cover, wala ka sa ganyang kaloka na situation. Sorry Yumi. Hindi ko alam talaga."
"Naku. Ms. Lise wala yun. Utang ko sayo lahat ng client ko. Okay naman sa akin ang event na ito. One of a kind. Hindi pa ako nakapag-organize ng 1 month birthday celebration at yung party sa eroplano ang pinakagusto ko." Nahihiya ako na nahihiya si Ms. Lise sa akin because of Christine.

"Talagang mainit lang ang dugo sa akin ni Christine. Kahit noong highschool pa kami." I replied to her earlier question.
"Magkakilala na kayo dati pa?"tanong nito.
"Classmate kami noong highschool." I answered her.

"At mukhang hindi kayo friends." Ms. Lise guessed.
Umiling ako.
"May mga bagay po na kahit matagal na, mahirap kalimutan." I replied.
"Mukhang malalim yang hugot mo ah. Malalaman ko ba ang dahilan kung ano ang ginawa niya sayo?" nakangiting tanong ni Ms. Lise.

I was about to tell her when Christine came.
As always, she's wearing branded clothes at looking fresh lagi. She's pretty kahit noong highschool pa kami. Pero noong highschool, mahinhin siya. Tago ang pagkamaldita. Merong kwento, kaso hindi ko muna iisipin ngayon. Kailangan kong magtrabaho.

"Oh. Hi Ms. Lise." Nagbeso siya kay Ms. Lise.
Lise always has a smile on her face pero dahil siguro matagal ko na siyang nakakasama, alam ko ang tunay na ngiti niya kaysa na ngiting pang client.
Nagulat ako sa kasama ni Christine. John Guevarra. Pero hidi ko pinahalata na nagulat ako. Cool lang kahit ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Oh. Yumi nandito ka pala. Sorry hindi kita napansin." Baling ni Christine sa akin.
"You remember John, right? John baka hindi mo siya natatandaan, siya si Mayumi. Yumi na sya ngayon." Sweet pero may pagka-sarcastic ang pagkakasabi ni Christine.
Tumango lang ako. Ofcourse natatandaan ko si John. Tandang tanda ko nga eh.

Parang kumakanta sa isip ko si Elsa.
Don't let them in. Don't let them see. Be the good girl you always have to be.

"I have your contract for Airbus that you need." I gave her the contract and a pen.
Kinuha niya ang contract at tinaboy ang ballpen na binigay ko. Kinuha nya ang ofcourse parker niya sa bag.

"Hindi mo muna ba babasahin bago mo pirmahan?" I asked her.
"No. Money is not an issue. Kaya nga nandiyan ka para magbasa. Where will I sign?" she asked back.

Hindi niya napansin pero nataas ang isang kilay ni Ms. Lise.

Tinuro ko lahat ng kailangan niyang pirmahan kahit meron ng SIGN HERE na sticker na nakalagay.

Hay Lord mahaba haba pang pasensya ang ibigay poninyo sa akin.

First Love (Grace Series Book 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon