Paligoy-Ligoy (Inspired by Diary ng Panget OST)

490 5 6
                                    

"Uyy Aleeyah. Alam mo ba mahal na mahal na mahal...

Ang bigas ngayon? Wag kang magsasayang ahh." Sabi ni Xander sa'kin. Duh. 

Anong connect nun? Para siyang tanga. Lagi niya kong sinasabihan ng 'I LOVE YOU' odi kaya 'MAHAL KITA' kaso laging may kasunod na ibang words.

Di niya alam na umaasa ako.

Natutuwa ako kada sasabihin niya yung words na mga yun pero bigla nalang din akong maiirita sa susunod na words na sasabihin niya.

Inirapan ko lang siya at nagtuloy tuloy lang sa pagkain ko. Nandito ako ngayon sa canteen at payapang kumakain kaso bigla siyang sumulpot tapos aasarin ako >______<

--

Pauwi na ko ngayon at kasalukuyang naglalakad sa hallway..

Kaso nagulat ako nung biglang may umakbay sa 'kin. Si Xander.

DUGDUG. DUGDUG. DUGDUG.

Ayan na naman yung puso ko. Naabnormal na naman dahil sa kanya. Ganyan epekto niya sa 'kin e.

"Pauwi ka na pala Aleeyah. Ingat ka ahh. I love you....

Joke lang." Sabi niya sabay alis na.

Anu bayan! Hindi na ba niya ko titigilan sa mga pang ti-trip niya? Nakakainis na. Umaasa kasi ako.

Oo na. Mahal ko si Xander. Dati pa. Kaso dahil sa ginagawa niya, Sinasaktan niya lang ako.

Pag-uwi ko sa bahay, Nag vibrate agad yung cellphone ko. Meaning may nagtext pag tingin ko..

From: Xander' MayLahbs. <3

Nakauwi ka na ba Aleeyah? Kumain ka na. Wag kang papalipas ahh. :D

May sasabihin ako,

I LOVE YOU.. I LOVE YOU.. ILOVE YOU..

Sabi ng Nanay ko yan sa"kin. Sweet niya noh? :))

Walanjong buhay 'to! Kailan niya ba ko titigilan? Kailan niya ba ko sasabihan ng i love you na hindi joke? Na walang halong trip? Pambihira!

--

Lalalala.. Goodmood ako ngayong pumasok sa school. Ewan ko kung bakit siguro makikita ko na naman kasi si Xander. Pero sana wag na niya kong pagtripan. Nakakapuno na kasi ehh.

Pagpasok ko ng classroom pagmumuka agad ni Xander bumungad sa 'kin.

"Hi Aleeyah. Ang ganda ganda mo talaga. Kaya mahal na mahal kita ehh....

Muka kang taeng pururot."

Shoot. Di ko na kaya. Punong-Puno na ko. Araw araw nalang niya kong ginagawan ng mga trip. Suko na ko.

"ANO BANG PROBLEMA MO XANDER? HA? ANO BANG GINAWA KO SA'YO? WALA NAMAN DI'BA? BAKIT MO BA KO PINAGTITRIPAN? SABIHIN MO!" Sigaw ko sa kanya na halos marinig sa buong classroom namin.

Napunta sa 'min lahat ng atensyon ng mga classmates namin. Anu bayan ayoko ng gulo.

Muka namang nagulat siya sa sinabi ko. Di siya makapagsalita ehh.

Bigla namang tumayo si Axel. Bestfriend ni Xander, Sabay sumigaw..

"Ayan Pre! Sabi ko sa'yo mapupuno na yang si Aleeyah ehh. Ang dami mo kasing alam! May paligoy-ligoy ka pang nalalaman!"

Di ko naintindihan yung sinabi niya. Yumuko naman si Xander.

"Sorry Aleeyah ahh. Wag ka ng magalit sa 'kin." Mahinang sabi niya.

"WAG MAGALIT? TANGA KA BA? SINONG HINDI MAGAGALIT SA MGA PINAG GAGAGAWA MO? PINAPAASA MO KO! HINDI MO BA ALAM NASASAKTAN NA KO? KASI MAHAL KITANG MANHID KA!" 

Hala. Teka. Nasabi ko ba yon? Shet! Nadulas akoooo. Nadala ako ng galit ko.

Bigla namang umangat yung muka ni Xander at tinignan ako ng deretcho.

Umiwas ako ng tingin ko, Nakakahiya ehh!

"M-mahal mo ko? Hindi nga? Nananaginip ba ko? .. O____O Bunutin niyo nga yung buhok ko sa kili-kili kung masakit. Feeling ko kasi panaginip lang talaga to ehh!"

Ehh? Napatulala nalang ako sa kanya. Talon kasi siya ng talon.

Nung nakamove on na siya sa sinabi ko, Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

Ako hindi pa rin makagalaw. Natatae na yata ako?

"Sorry Aleeyah kung lagi kitang pinagtitripan ahh.

Ayun lang kasi yung naisip kong paraan para aminin sa yong mahal kita ehh.

Natotorpe kasi ako. Pasensiya na. SORRY TALAGA KUNG NAGPALIGOY-LIGOY PA KO AH.

Natatakot lang kasi akong umamin. Baka kasi iba yung gusto mo,

Kaya tuwing sasabihan kita ng i love you nilalagyan ko ng kasunod.

Pero ngayon, sasabihin ko na.

MAHAL NA MAHAL KITA. HINDI ANG BIGAS. I LOVE YOU. WALANG HALONG JOKE. AT MAMAHALIN PA KITA. HINDI YAN SINABI NG NANAY KO.

PERO MAHAL NA MAHAL NA MAHAL TALAGA..

ANG GASOLINA NGAYON." Mahabang speech niya.

Pero anong sabi niya? Mahal ang Gasolina? Niloloko niya ba ko?

"Pambihira. Ako ba niloloko mo?" Sabi ko with taas ng kilay portion and nakapamewang pose.

Bigla niya kong niyakap ng mahigpit tapos kiniss ako sa noo. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Joke lang. Mahal naman talaga yung gasolina di ba? Pero wag kang mag alala. Mas mahal kita."

THE END~! <3

A/N: Sana nagustuhan niyo ^^ Madalian lang 'to ehh. HAHAHA. Salamat pala sa pagbabasa ng ibang stories ko :D Mahal ko kayooooo~! <3

🎉 Tapos mo nang basahin ang Paligoy-Ligoy (Inspired by Diary ng Panget OST) 🎉
Paligoy-Ligoy (Inspired by Diary ng Panget OST)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon