THIRD WARNING, grupo ng mga mayayaman, sikat, cold at kinikilalang master ng kanilang school
Third Carson. Siya ang lider ng grupong Third warning at pinaka maangas sa lahat. Siya 'daw' ang tinitingalang master ng school kaya nirerespeto siya ng lahat ng nakakakilala sa kanya. Kilala siya bilang isang bully, heir, at captain ng basketball team. Siya lang naman ang tigapagmana ng lahat ng yaman ng kanyang mga magulang kaya ganyan na lamang siya magyabang. Malakas sa pagyoyosi, paginom ng alak kahit underage pa, at habulin ng mga babae.
Kane Mendoza. Sya ang tumatayong kuya sa grupo, gwapo, myaman din, at habulin din ng mga babae. Sya ang bestfriend ni Third kaya alam niya lahat, as in lahat kahit ang mga nunal niya sa katawan. Siya ang casanova sa grupo dahil siya ang pinakamahilig sa babae. lahat ng babae pinaglalaruan niya at pinapaiyak niya sa huli kaya kinakainisan ko siya.
Vincent Louie Almeda. Siya ang goody good ng grupo, pinakamabait sa kanilang grupo. Ayaw niyang nakikita ang mga babaeng pinapaiyak ni kane kaya tinutuon niya nalang ang atensyon niya sa pagbabasa g libro. tumatakbo siya sa posisyong valedictorian ng kanilang klase kaya naman nabansagan siyang crush ng campus dahil sa taglay niyang talino at kagwapuhan.
Daniel Ferrer. Ang pinaka funny sa grupo. lagi syang nagpapatawa at nangpraprank sa mga studyante sa school at pati narin sa kanilang grupo. Mababaw ang kaligayahan niya kaya lagi syang natatawa pero kahit ganun seryoso syang tao. Bipolar sin minsan, ang bilis magpalit ng mood kaya naman tingin ng iba sa kanya ay The wierd guy ng grupo.
Jaylord Kramer. Siya ang pinaka mysterious sa grupo. Weird na kung weird ganun talaga siya. nagsasalita lang kung kailangan at laging nasa likod. Matalino din naman pero mas matalino sakanya si vincent. Siya ang tigaplano ng grupo kaya lagi siyang maaasahan. prefer niya ang magstay sa kwarto kesa makihalubilo sa tao.
at ako?
wag niyo ng tanungin
pero sasabihin ko pa din
ako si Prexy Beatrix Grey
isang dakilang nobody
wala akong kinakausap maliban sa aking prof., instructors at sa mga magulang ko. Loner na kung loner ganun talaga eh...Wala akong friends
kasi sabi nila weird daw ako
nerd
loner
-------------
Hi guys!
Just click vote and comment lang
Bagong author lng po ako dito sa wattpad :) kaya hope you like my story po!!!
BINABASA MO ANG
love warning
Teen FictionMeet Prexy Beatrix Grey, isang nobody. Nerd at binubully siya sa kanilang school, sa bahay at kung saan man siya pumunta ganun ang outfit niya. She's a total nobody, as in walang nakakakilala sa kanya kaya sinong magaakala na makikilala siya ng isan...