Prologue

13 2 0
                                    

Matanong nga kita, ikaw ba, naniniwala sa na balang araw may isang taong darating sa buhay mo ay siya na ang 'the one' mo? Na once na maramdaman mo na yung sparks kapag nakita mo siya, eh, siya na talaga?

Bakit ganon tayo, ano? Iniisip natin na isa tayong bida sa isang teleserye at mayroon tayong leading man na kahit sa huli, balik-baliktarin mo pa ang plot, sila pa rin ang ka-love team mo.

Ako, sino nga ba ako? Ako si Moira Brey Armeña, simpleng estudyante lang, nag-aaral nang mabuti sa pampublikong paaralan na Sta. Elena High School. Oo, high school palang ako, kasalukuyang nasa ika-tatlong baitang at malapit ng mag-ika-apat.

So ano nga bang connect ng panimula ko sa kwento ko? Kasi kung ako ang tatanungin, hindi na ako naniniwala doon. Paano? Bakit? Anong dahilan? Siya. Alam niyo naman kasi na may mga taong pinagtagpo lang pero hindi itinadhana, at siguro ganon nga ang label na mailalagay ko sa status namin.

Meant to be YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon