Kinaumagahan.
Sa Dorm ng DLSU lady spikers.
Nang magising si Mika, ang unang pumasok agad sa isipan nya ay si Jessey. Agad nyang tinignan ang kanyang cellphone. Pero walang message mula kay Jessey.
Mika's POV: Talagang nagtatampo na sa akin oh. Wala man lang text. Suyuin ko nga.
"Good morning best! Gising kana ba??"
nagdaan ang ilang mga minuto sa kakahintay ni Mika ng reply sa kanya ni Jessey pero walang reply.
Mika's POV: Baka hindi pa sya gising. Pero baka nagtatampo ngang talaga sa akin. Imposibli namang walang load yun kasi pareho naman kaming postpaid subscriber. Lagot nako nito, nagtatampo na sakin ang bestfriend ko dahil kagabi nung pinilit ko syang kantahan nya ako. Ano ang gagawin ko??? Ah, alam ko na, susuyuin ko sya.
Sa Dorm ng UST golden tigresses.
Nang magising na si Jessey. Tinignan nya ang kanyang cellphone. Marami syang narireceive na text messages mula kay Mika, at nakailang missed calls na rin ito.
Isa isa nyang binasa ang mga texts ni Mika. Nagi-guilty tuloy sya sa pagtatampo nya kagabi.
Jessey's POV: Bakit ganito? Nakakalito naman. Bakit parang feeling ko nagi-guilty ako kay bestfriend Mika ko... Hindi naman kami... Hayyy tama na Jessey, wag kana mag inarte, kainis! Bakit ako pa ang nagbibigay ng motibo sa kanya. Walang malisya yun. Hayys, kung anu ano na ang pumapasok saking isipan. Confused kasi ako sa pinapakitang kakaibang sweetness sa akin ni Mika. Hayys.... friend lang ba?... Lord, give me a sign.... hanggang mag bestfriend lang ba ang turing sa akin ni Mika...... or more than that??? .......................... Naguguluhan ang isipan ko... Nakokonsensya ako sa ginawa ko kagabi na di ko pinagbigyan ang request nya. Ayokong nahihirapan ang bestfriend ko sa totoo lang... Nakokonsensya ako.....
At nag decide na rin si Jessey na di na nya patatagalin pa ang pagtatampo nya. Di rin nya matiis actually si Mika.
"Besh, sorry for what happened last night. Sorry talaga.:("
Nakahinga na rin ng maluwag si Mika ng makita nyang nag reply si Jessey.
"no besh, ako nga dapat ang mag sorry sayo. sorry talaga last night ha, for forcing you to sing over the phone. im glad u replied. na worried talaga ako."
"Sorry.... sorry besh! Hayaan mo babawi nalang ako sayo. Promise!:)"
"really?... :)"
"Of course! What are best friends for di ba? ;)" reply naman ni Jessey.
"So ano, wala ka na nyang tampo? XD"
"Hmmp! Wala na nga.... :D"
At good na ulit ang dalawa. Nawala na yung tampo ni Jessey sa nakikita nyang pag-i effort ni Mika.
_________________________________________________
And as days passed....
Sa bahay nila Mika.
Mga around 8pm. Niyaya ni Mika ang kanyang teammates na sina Kim at Ara na mag sleep over sa kanila. Tumambay muna sila sa cottage. Si Kim at Ara ay pinagkakatiwalaan ni Mika at nasasabihan nya ng kanyang mga sikreto. Di na nya napigilan pa ang kanyang sarili na mag open up sa kanila tungkol sa kanyang nararamdaman para kay Jessey.
Mika: Ano kayang ginagawa ngayon ni Jessey??
Kim: Malamang nag aaral. LOL.
Ara: O kaya gumimik kasama ang friends and teammates nya? Bakit mo naman natanong.
Kim: Oo nga. Di mo ba alam?
Mika: LOL. Di ko naman inaalam lahat kung ano ang ginagawa nya o kung nasaan sya.
Kim: Aminin mo nalang na nami-miss mo sya! Haha.
At tinukso si Mika nina Kim at Ara kay Jessey. Yumuko si Mika at nangiti nalang sa tukso ng teammates nya.
Mika: Gusto nyo ba talagang malaman??...
Nagpalit naman ng tinginan sina Kim at Ara sa sinabi ni Mika.
Ara: Ang alin ba??
Kim: Ang alin? Kay Jessey ba??? XD
Mika: Oo
Simpleng sagot ni Mika.
Kim: Hmmm... Ano yung ibig mong sabihin na kung gusto ba naming malaman?
Mika: Bago ko sabihin, di ba makaka tago naman kayo ng sikreto.
Ara: Syempre naman noh, what are friends for? Ano ba yun?
Curious tuloy ang dalawa sa kung ano ang sasabihin ni Mika.
Mika: Uhmm........
Kim: Ano tol? Sabihin mo na.
Mika: (It took awhile bago makapag salita si Mika) - Si Jessey..... May gusto ako sa kanya.
Nagulat si Kim at Ara sa sinabing iyon ni Mika. Pero si Kim parang nakakahalata na rin kasi sya eh. Pero supportive ang mga ito kay Mika at kung san sya masaya dun din sila para sa close friend nila.
Mika: Sa tingin nyo dapat ko na bang sabihin sa bestfriend kong si Jessey ang nararamdaman ko para sa kanya?...
Kim: Kung ako ang tatanungin mo, oo, sabihin mo na. Baka mahuli pa ang lahat. Wala namang masama tol. Kami nga ni Mela, di ba? Kaya go lang ng go sa nararamdaman mo para sa kanya. Boto naman ako kay Jessey eh. Eh, ikaw ba Ara??
Ara: Uhm, oo naman. Wala nga namang masama. Kung san masaya si Mika, dun tayo. :) So Mika, matagal ka na palang may feeling for Jessey?
Mika: Oo, tinatago tago ko lang.
Kim: Naku tol Miks, alam na, pag ikaw nanligaw dun tyak sasagutin ka agad nun. Magpapakipot pa ba yun sayo??? Eh, ang tagal tagal nyo ng dalawang magka kilala. Saka parang halata ko naman sa kanya na may gusto din sya sayo.
Mika: Talaga? Pano mo naman nasabi yan??
Kim: Ako pa ba? Magaling naman ako mangilatis noh. Sa tuwing nakikita ko kayong dalawang magkasama, nakikita ko sa kanya yung kakaibang saya. Kilig na kilig nga yun sayo eh lalo na pag naglalambingan kayo. Lol. Kaya hindi mo na dapat pino-problema yan kasi may gusto din yun sayo. Ikaw lang naman hinihintay nya na ligawan mo sya. Solong solo mo na yun.
Nabuhayan si Mika sa mga sinabi ni Kim at sa pag suporta nila ni Ara sa kanya kay Jessey.
Mika: Thank you sa inyo mga tol ah! :) The best talaga kayo! :)
Kim: Kami pa? ;) Nararamdaman ko naman sayo na mahal mo talaga si Jessey. Kung ako sayo tol, ligawan mo na sya. Wag kanang ma torpe. Tignan mo ko, sasagutin ba ako ni Mela kung nagpa torpe torpe pa ako sa kanya? Dapat no hesitation na, kung mahal mo talaga ang isang tao, ipaglaban mo sya at patunayan mo sayong sarili. :)
Mika: Ok. Salamat talaga sa suporta nyo ni Ara. May naisip na akong idea kung pano ko liligawan si Jessey. :D