Chapter 5

248 1 0
                                    

(Toll's POV)

Nagpaalam na ako kay Kira dahil hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. Sobrang bilis para siyang hinahabol pero, punta naman tayo sa soulmate ni Armiece. Nang ibaba ko ang telepono ko kay Kira agad kong tinawagan si Armiece.

''Hi Armiece, kumusta ka na. Feeling ko pagod na pagod ka. Bakit ka nga pala may sinabi sa akin na may sasabihin ka tungkol sa soulmate mo?''pangungumusta ko kay Armiece habang may follow-up question.

''Ah buti napatawag ka alam mo ba na kanina lang may nakita ako napakacute at napakagwapo na 3rd year sa school kanina. Hindi ko pa alam ang pangalan niya pero itatawag ko sa kanya ay HONEYBUNCH!''sabi ni Armiece na kinikilig pa nang sobra sobra.

''Grabe man ito, kung kiligin parang wala nang bukas pati ang tawagan akala mo close.''sabi ko habang tumatawa.

''Malaki kasi yung ganoon niya. Kaya nagustuhan ko siya.''sabi ni Armiece na parang tuwang tuwa.

''Eeeeeew,your such a pervert. Nakakadiri ka man bastos ka.''sabi ko na nagulintang dahil sa sinabi ni Armiece.

''Ha?Ano ka ba. Hindi yun kadiri ka. Ang sabi ko malaki yung appeal niya at charm kaya na LOVE AT FIRST SIGHT AKO!''sabi ni Armiece na nagulat din sa sinabi ko.

''Ahhh, akala ko yung, yung, yu........'' sabi ko na naputol.

"Kung ano man yang iniisip mo, huwag mo ng ituloy. Hayyy!" Sabi naman ni Armiece na parang naiinis.

"Paano nga pala kayo nagka-kilala nitong honeybunch mo?" Sabi ko kay Armiece.

"Kasi ganito yun..." sabi ni Armiece.

Flashback

(Armiece POV)

Naglalakad kami ni Eya galing sa CR dito sa 3rd floor. Oo, 3rd floor. Meron naman CR sa may 2nd floor pero yun nga lang, under maintenance. Nung nandun kami sa 3rd floor ay napadaan kami sa isang classroom. Mukhang walang teacher kaya nagkakagulo sila. Nung napadaan kami sa may pinto ay may tumapon ng bottle sa basurahan pero masyadong mataas ito kaya ulo ko ang natamaan at napabagsak ako sa sahig.

"Armiece? Are you okay?" Sabi naman ni Eya sakin habang hinahaplos ang ulo kong natamaan.

Hinahawakan ko ang ulo ko ng biglang may lumuhod sa harapan ko. Siguro siya yung bumato nung bottle.

"I'm sorry po. Ayos lang po ba kayo?" Sabi nung lalake.

"As far as I can remember, trash can ang tawag dun, hindi basketball ring." Sabi ko naman habang tumatayo ako at pinapagpag ko ang palda ko.

"Sorry po." Sabi naman nung lalake.

"Sa susunod kas..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napahinto ako sa itsura niya. Grabe ang gwapo niya. Medyo matangkad, kayumanggi tapos in fairness may muscle siya ha. Oh my goodness, wala na. May nanalo na.

"Yes..." sabi ko ng hindi ko alam kung bakit.

Tiningnan naman niya ako ng may nalilitong itsura habang si Eya naman ay shini-shake ang shoulders ko.

"Okay lang po ba siya?" Sabi nung guy kay Ia.

"Ayos lang to don't worry. Medyo may sayad minsan pero, okay lang to." Sabi ni Ia habang tumatawa pa.

Napangiti din naman siya. Oh my goshh! Bakit ganyan ang ngiti niya? Nakakapaakit. Take me now, my prince.

"Ah sige po, andyan na po kasi siguro yung teacher namin. See you na lang po dito." Sabi naman nung guy at pumasok na sa classroom niya.

Pagkapasok nung guy ay lumakad naman na ulit kami ni Ia.

"Grabe Ia, ang gwapo niya! Hala!" Sabi ko kay Ia.

"Hoy! Huwag ka nga diyan. Child abuse ka eh." Sabi naman ni Ia sakin.

"Sa love. Age doesn't matter, diba? Masama bang sundan ang tawag ng pag-ibig." Sabi ko naman sa kanya.

"Pag-ibig agad? Hindi ba pwedeng crush muna? Tsaka isa pa, huwag ka masyadong magtiwala sa mga ganyan. Sa umpisa lang yan, hindi rin yan magtatagal." Sabi niya sakin pabalik.

"Bitter much? Ano bang problema mo sa love at kulang na lang isumpa mo na yung salitang yun?" Sabi ko sa kanya.

"I'm just saying na huwag kang masyadong mafa-fall sa mga ganyan. Mahirap kasi silang kilalanin, lalo na, alam... ouch!" Sabi ni Ia at hindi na niya natapos dahil may nakabunggo sa kanya.

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sabi nung lalake na naka-black leather jacket pero naka-shades siya kaya hindi namin masyadong nakita ang mukha niya.

Paglingon ko kay Ia ay halata sa mukha niya ang inis at galit.

"Sorry ha! Naglalakad kasi kami sa corridor eh. Humarang pa kami sa dinadaanan mo! Grabe!" Sigaw ni Ia na pinariringgan yung lalakeng nabunggo siya kanina.

Bigla namang lumabas yung isang teacher sa isang classroom at tiningnan kami.

"May klase dito oh. And school ito, hindi palengke mga hija. Understood?" Sabi nung isang teacher na lumabas sa classroom na malapit samin.

"Sorry po maam." Sabi naming dalawa ni Ia.

Pumasok naman na sa classroom yung teacher at naglakad na kami pababa ng hagdan.

"Ikaw kasi, ang ingay mo eh. Ayan tuloy napagalitan tayo." Sabi ko kay Ia.

"Eh sino naman kasi ang hindi mabibwiset dun sa lalakeng yun. Siya na ang nakabangga, instead na mag-apologize, siya pa itong may ganang sumigaw. Nakakainis!" Sabi naman sakin ni Ia habang dinabog pa ang mga paa niya.

"Hayaan mo na! Baka nagmamadali lang yung tao." Sabi ko sa kanya.

"Bakit parang pinagtatanggol mo pa yung antipatikong yun?" Sabi niya sakin.

"Hindi ganoon. I'm just exploring some options. Kasi malay mo, hindi naman niya gustong sigawan ka. At isa pa, gwapo kasi" Sabi ko kay Ia.

"Naku, para kang si Kira. Kahit hindi kita ang mukha, sasabihin niyo gwapo. Bahala na nga kayo sa buhay niyo!" Sabi naman ni Ia at naglakad nang mabilis.

"Teka nga lang Ia. Anong gagawin mo? Gagantihan mo siya?" Sabi ko habang hinahabol ko siya.

"Eh basta, sinigawan na niya ako. Kapag nakita ko kahit anino niya, humanda siya sakin." Sabi niya na galit na galit.

End of Flashback

''Sige na bye bye na bukas na lang kita kwekwentuhan sa istorya ko tungkol sa soulmate ko. By the way, huwag mong sasabihin kay Ia na kwinento ko sayo yun ha. Lagot ako. Sige na. Bye bye'' Ibinaba na ni Armiece ang telepono.

''Hmmm. buti pa sila Kira at Armiece nakita na nila soulmate nila eh ako ni signs hindi ko pa alam.Wala man lang clue (umiiyak).Hmmmm matutulog na lang ako para makalimot na lang ako.'' sabi ko habang kinakausap ang sarili.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥

NAIINGIT NGA BA SI TOLL KAY KALA KIRA AT ARMIECE.MAPANSIN KAYA ITO NILA KIRA AT IBA PA TINGNAN NATIN SA SUSUNOD NA CHAPTER NG HIGHSCHOOL LOVE STORY.

The Ways Of Love (The High School Love Story Series: 1st Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon