Hi I'm Michael Labuguen! Ang taong minsang naniwala sa mga pangako ng nakaraan, Ano nga ba ang pangako? At para kanino ba dapat natin ipagkatiwala ang mga salitang ito? Maybe iniisip ng karamihan sainyo napakadisperado kong tao. Pero heto lang ang masasabi ko, oo minsan naging desperado ako, naging desperado ako na mamahalin din ako ng taong gusto ko, pero hindi ko yun inisip dahil dun ko nakita't naramdaman ang tunay na ibig sabihin ng Pag-ibig. When i felt that, feeling ko nasa heaven ako, then before that words i don't know kung saan ako dadalhin ng pagibig na yan... Maybe pwedeng masaya, pwede ding malungkot, pwede akong ngumiti't kiligin at pwede din akong umiyak at masaktan hanggang sa makalimutan ko na ang sarili ko't mga taong nandyan sakin para iparamdam sakin ang true meaning ng Love. Masyado ko yatang kinunsinti ang sarili ko when it comes sa mga boys sa paligid ko at lalong lalo na sa taong minsan kong minahal at taong minsang nagparamdam sakin na Love is like a sun, Love is in the air. Because for me Love is Unlimited. Yes! UNLIMITED! Why? Kase ang Love pwede natin iparamdam kahit kanino, walang pinipiling edad, height, kulay at mas lalong walang pinipiling kasarian pag nagmahal ka. Kase pag nagmahal ka, dapat alam mo kung hanggang saan ang limitasyon mo/niyo each one of us. Kase darating din tayo sa point na hindi na kayo magkasundo, nandyan yung tampuhan, selosan, awayan hanggang sa umabot sa point ng hiwalayan. Yes! Because i felt that feeling when i'm on that situations. Masakit! Mahirap tanggapin, ang hirap magisip ng tama pag nandyan kayo sa sitwasyong yan. But you need to think! Wala kang ibang gagawin kundi mag-isip. Itama mo ang buhay mo. Itama mo yung mga mali mo. Maghanap ka ng ibang pwede mong gawin para makalimot pag sobra ka ng nasasaktan. Pero wag kang maghahanap ng taong gagawin mong panakip butas "Third Wheel" kung sabihin ng nakararami. Kase hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa'yo pag pinasok mo ang isang bagay na di ka sigurado, kase pwede ka din masaktan pag naghanap ka ng iba. Hindi mo lang alam kung yung taong ginamit mong panakip butas para di ka masaktan ng sobra ay may mahal pa lang iba. At kahit kailan hindi mo magagawang palitan.
_________________________________________
Lahat tayo may kanya kanyang "Bakit List" sa buhay natin, na yang mga tanong na yan ang magpapabago sa'yo, yang mga tanong na yan ang magsasabi ng mga salitang magpapaiyak sa'yo, mga salitang minsan mong pinaniwalaan at mga salitang magpapaguho ng mundo mo. Bakit nga ba tayo nagmamahal? Para saan ba ang Love? at para kanino ba dapat natin to pinaparamdam? Bakit nga ba sa kabila ng pagtitiwala nagagawa natin yung mga bagay na dapat hindi naman natin ginagawa? At bakit sa likod ng mga pangako na lumalabas sa bibig niya, Umo-oo ka nalang? Dahil ba mahal mo? Dahil ba hindi mo siya kayang tiisin kaya OO nalang kahit nasasaktan kana? Kahit na hindi ikaw yung mahal niya OO parin? Kahit na alam mo sa sarili mong hindi pwede OO parin? No! Say No for the better! Say No for making you happy! Say No because every No has a meaning. Say No kase maraming tao jan na totoong magmamahal at magpaparamdam na ang Love is the gratest feeling na mararamdaman ng isang taong totoong nagmamahal at magmamahal sa'yo kung ano at kung sino ka pa. Kaso ako heto eh, i said "Yes" Yes! Kase mahal ko, Yes! Kase hindi ko siya kayang mawala sakin! Yes! Na kahit alam kong nasasaktan na ko OK lang! And Yes again! And i'll choose Yes for the rest of my life to proved that every Yes is a decision that make me feel stronger! I'm strong, because i said Yes! Siguro hindi niyo ako masisisi kase tao lang ako, nagkakamali, nagmamahal kahit na nasasaktan. Pero pipiliin ko parin magmahal ng taong kahit hindi ako gusto basta pinaramdam ko sa kanya yung pagmamahal na dapat sa iba ko pinaparamdam, sa taong kaya akong mahalin kung ano ako. Kase ang Pag-ibig ay hindi lang isang laro na kapag nagsawa ka na basta basta mo nalang iiwanan, kase para sakin ang ibig sabihin ng pag-ibig ay isang pangako na dapat nating seryosohin, maging masaya ka man o maging malungkot basta pag nagmahal ka dapat totoo.
To be continued....
![](https://img.wattpad.com/cover/113108793-288-k497102.jpg)
YOU ARE READING
Tears In Heaven "A Love That Gives You A Hundred Reason To Stay" ♡♡♡
Short StoryAng storyang ito ay para sa mga taong nagmahal ng higit pa sa sobra na walang hinangad kundi mahalin din pabalik. Kaya para sa mga taong nagmamahal ng sobra tulad ko kalma lang, dadating din yung tamang panahon para saatin. Kaya Hanggat hindi kayo s...