until we meet again !

49 0 0
                                    

Nakakalungkot dahil gra-graduate na ako ng highschool alam naman natin ito ang pinaka masayang level ng buhay natin dito tayo nagkakaroon ng bagong mga kaibigan,madaming kalokohan na gagawa at higit sa lahat dito yung panahon na sandamakmak ang crush natin yung handa mong libutin ang buong campus para makita mo lang sya.Totoo naman diba?Aminiiiiin!~

Pero sabi ko non ngayong 4th year aalis ako ng school na walang boyfriend or crush man lang.Mahirap kasi pag ganun alam mong hindi mo na sya makikita pagkatapos ng pag kuha mo ng deploma.

Pero makulit talaga ang buhay aalis na nga lang ako sa school maiinlove pa ako sa isang lalaki .Isang lalaking Matangkad,magaling magdala ng damit (pumorma),matangos ang ilong,matalino,mabait at higit sa lahat Chinito.

OO,chinito sya kaya nga nagkagusto ako sakanya eh.ambabaw ko ba?dahil lang chinito gusto ko na.Hindi ko din alam kung bakit ako nag kagusto sakanya ng ganun ganun lang.Basta hinanap-hanap ko na lang sya tuwing papasok ako ng school.Hindi nagiging kompleto ang araw ko kapag hindi ko sya nakikita .

Hanggang hiningi ko na yung number nya sa classmate nyang not so close pero nagkakausap kami.Grabe first time ko yung hingin ang number ng isang lalaki,noong nakuha ko na nga yung number nya hindi ko agad tinetext,siguro umabot pa ng 1 week bago ko pang mapag pasyahan na itext sya.

Naalala ko pa ang unang text ko sakanya ay "Hi!" kinakabahan pa nga ako nun e!hanggang mag *beep* yung cellphone ko at pag tingin ko sa screen ng cellphone ko pangalan nya ang nakalagay .

tumili ako sa sobrang saya !umikot sa kama.tumambling basta buong kama nalibot ko sa sobrang saya! Simula non araw araw na kami nag kakatetxt.Sa school nag tatago ako sa likod ng mga kaibigan ko kapag magkakasalubong kami.Nagkakamustahan kami sa text kung ano nangyari sa buong maghapon basta walang palya yon.Hanggang umamin ako sakanya na gusto ko sya kasi feeling ko non pwede maging kami.Pero ang sagot nya "Mas maganda na yung ganto lang tayo walang masasaktan".

Hiyang hiya nga ako nun e .hindi ko na nagawang replyan sya nun sa sobrang hiya at lungkot na naramadaman ko!Assuming ko kasi!Kaya mas lalo akong nahihiya sakanya pag nagkikita kami sa school hanggang sa natigil na yung ugnayan namin non no chat,no text message at iwas na kami sa isa't isa.Pero hindi ko nagawang iblocked sya sa facebook at twitter kasi ang totoo kahit wala na kaming communication lagi ako nakatambay sa wall nya tinitignan yung mga updates nya.

Dumating din sa point na nakipag balikan ako sa ex ko para makalimutan sya una ang hirap kasi sya lagi yung naiisip ko,minsan nga iniisip ko sya yung boyfriend ko eh at hindi yung ex ko pero di din nag tagal yon nakipag break din ako sa ex ko kasi mali yung ginawa ko naginawa ko syang rebound .

Nagpatuloy yung pag kagusto ko sakanya ng palihim.Lagi na ulit ako tumatambay sa facebook at lalo na sa twitter nya madami din naman kasi ang nagkakagusto sakanya lalo na si Jasmin 4th year student din sya matangkad,magaling magsayaw,matalino,morena at maganda kaya alam ko wala akong panama don.nakita ko yung mga usapan nila sa twitter aaminin ko nag selos ako non.Nalulungkot ako ng sobra kasi buti pa si Jasmin napapansin nya samantalang ako hindi .

Kung babasahin kasi yung mga tweet nila sa bawat isa aakalaiin mong merong "SILA".Inggit na inggit ako kay Jasmin non pero hindi ko magawang itweet sya kasi di ako showy sa mga tao at di ako marunong mag approach ng tao kayo yon tinitignan ko lang mga tweet nya kahit nasasaktan ako at nasasabi minsan na "Sana ako na lang,Ako na lang sana sya"

last Feb. 24 2014 nakasabay ko yung classmate nya na nagbigay sakin ng number nya.Nagkwentuhan kami habang nasa jeep hanggang napag usapan namin siya.tinanong nya sakin kung may gusto pa ko don sabi ko wala na pero ang totoo meron pa at mas lalong lumalala pa ayoko na kasing may nakakalam ng tungkol sa pag kakagusto ko don.May sinabi sya na feeling ko nagpahinto sa oras yun yung sinabi nya na "Nako!Aalis na kali yon pupunta na sa California at don nag titira at mag aral" ngiti na lang yung naging tugon ko sakanya na parang ayos lang saakin yung wala akong pakielam.

Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon