Chapter 1

130 5 10
                                    

sorry po kung may mga typos ako dito and kung pangit po ang umpisa .. sorry po tlga .. hope you'll like it .. :)

 Dedicated din po kay Ms. AD. :) Fan po ako eh. :)

- - - - - - -

-Chapter 1-

"happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to Michie~" kanta nila habang pumpalakpak. april 9 kse ngayon. 8th birthday ko. nandito kami ngayon sa isang private beach resort sa batangas. syempre, kasama ko ang family ko and also yung mga families na malapit samin.

isa na sa mga yun ang family nila Terrence.

magkakilala na kaming dalawa ni Rence since birth. oo, Rence. yan yung tawag ko sa kanya kse ang haba ng pangalan nya. nakakatamad bigkasin. hehe. pero ewan ko kung bakit naaasar siya dun sa pagtawag ko sa knya ng RENCE. gandang asarin. ang bilis mapikon.

turing ko na sa kanya eh, bestfriend. ewan ko nga lang kung ganun din yung turing niya sakin. siya lang naman kase lagi kong nakakasama since magbatch mates din yung parents namin. kaya close talaga kami. 

after ng kainan, ayun, nagsitakbuhan na ang lahat sa dagat. naiwan lang ako sa cottage kasi ewan ko ba kung bakit. pero nagulat na lang ako nung biglang nakita ko rence sa gilid. nakaupo lang at nakatingin sa kanila. nilapitan ko naman siya.

"bkit ka nandito?" tanong ko.

"eh ikaw? bakit ka rin nandito?" sagot nya.

nakoo! kahit kelan tlga ang suplado nito. kung di ko lng to bestfriend eh.

"wala lang." sagot ko sabay upo sa tabi nya.

naglalaro siya sa PSP nya habang ako naman, pinapanuod siya.

di namin namalayan nun na hapon na pala. halos lahat ng nasa beach ngayon, pinapanuod yung sunset eh. maganda kasi. parang kahit tinitignan mo lang na lumubog ung araw, di ka nabobore.

nagulat na lang ako nang biglang tumayo si Rence. nagulat ako nung sinabi nyang,

"paglaki natin, dapat maging tayo tapos papanuorin natin yung sunset ng magkasama." sabay lingon sakin habang nakangiti.

* * *

8 years later...

"ATEEEEEEE!!"

nagising agad ako dahil sa sigaw na yun. takbo ako kaagad sa labas at pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Mica na tumatalon-talon at nakaturo dun sa ipis.

"ATEE!! PATAYIN MO NA YANNN!! NAKAKADIRI!! EWWW!!" sigaw nya. ako naman 'tong si ate na masunurin, binato ko ng tsinelas yung ipis, at ayun.. patay na..

"ano ka ba naman Mica! ipis lang yan! kung makasigaw ka naman! tsk." sabi ko sa kanya.

"ehh sa natatakot ako eh, tsaka nakakadiri! eww!" reklamo niya.

"tss. magready ka na nga lang. dami mo pang arte. mamaya ma-late pa tayong dalawa eh!" sumbat ko sakanya.

"opo ma'am" pang-aasar nya.

"tss." =.=

ayaw ko sa lahat, yung tinatawag akong MA'AM. nakakaasar kase. ewan ko ba kung bakit. hay!

teka, di pa nga pala ako nakakapag-introduce sa inyo. I'm Michelle Rain A. Lopez, MICHIE for short. 16 years old. graduating na this school year. and yung babaeng tili ng tili kanina ay ang aking younger sister na si Mica Pearl A. Lopez, MICA ang nickname. 14 years old. and 2nd year high school. total opposite kaming dalwa ng kapatid kong yan. she loooves to shop and hang-out, napaka laid-back nyang tao, while ako naman is suuper strict sa time. perfectionist kase ako. gusto ko lahat nakaayon sa gusto ko. ako, simple lng. siya, fashionista. mahilig sya sa kung ano-anong burloloy sa katawan. kaya minsan, para kaming aso't pusa dito sa apartment dahil masydo daw ako PLAIN.

and yes, tama kayo ng basa. APARTMENT. kaming dalawa lng naman kse eh. yung parents namin nasa abroad, inaasikaso ung company.

at alam kong nagtataka kayo kung bakit sa apartment lng kaming dalwa. gusto kase namin ni Mica, I mean, gusto ko kaseng matuto na mabuhay ng normal. yung walang maid, walang driver. parang katulad din ako ng ibang tao.

naligo na ako, then nagready ng gamit na kelangan ko sa school. I brushed my shoulder length hair, naglagay ng konting lip gloss, sinuot ang contact lenses, spray ng konting perfume, and voila! ready na ako sa school.

paglabas ko ng room ko, wala ng tao sa apartment, nag-iwan ng note si Mica.

ate, una na ako. antagal mo naman kse. malalate na ako sa klase ko dahil sayo. osya, ako magluluto mamaya diba? ako na rin maggrogrocery. basta ikaw maglinis ng bahay. haha! sige. bbye. ingats! <3 Mica<3

nakoo! ung batang un tlga! tsk. sige na nga, makapunta na sa school. mga 10minutes walk lang naman mula samin hanggang sa school ehh..

magkaiba pala kami ng school ni Mica. normal private school lng pinasukan nya kse di nya daw kaya sa school ko. puro mga matatalino lang daw nandun. pero alam ko naman na di totoo un. habol lang naman ata ni Mica sa school na yun kse andun yung life long crush niya. tsk.

nakarating na rin ako sa school sa wakas. may 5 minutes pa bago mag bell. naglalagay na ako ng books ko sa locker ko ng may biglang nahulog na note.

see me after class. may sasabihin ako sa'yo. --Kevin

si Kevin Martinez, basketball player ng school, class representative at boyfriend ko.

nung nabasa ko ung note nia, nagtaka ako kung ano sasabihin nya sakin. siguro importante. hmm. bahala na nga!

papunta na sana ako nun sa classroom ng biglang nakita ko nagkumpulan yung mga girl na students sa may hallway.

ordinaryo na tong ganito sakin. di na ako magtataka kung bakit nagkumpulan ung mga un dun.

si Terrence Villanueva lang naman, ang aking bestfriend or should I say na ex-bestfriend. lagi namang pinagkakaguluhan yan eh. gwapo kse. talented pa. matalino pa. oh dba? pero simula nung naging sikat siya dito sa school nung freshman palang kami, di na kami nagkakasama. di ko na nga rin sya nakakatext or even sa facebook man lang. wala tlga eh. di nya rin ata alam na kami ni kev, pero who cares naman dba? di na nya ako nilalapitan, so, what's the point pa kung ganun. tss.

dumerecho na lang ako sa loob ng classroom pero napansin kong napatingin si rence sakin. ewan ko ba dun. hhaay.

mahabang araw nanaman toh.

=.=

- - - - - - - - 

A/N:

yea, i know.. pangit sya.. pero sorry naman po.. first timer ako ehh.. ahhahaha !! bukas nlng ulet ung next UD.. tulog nako.. night !! :)

All I want is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon