What does 'CRUSH' means in Google?
Google answered: "The person You Love that will Never be Yours"
- - - - -
"The person you love that will never be yours" Yan ang nabasa ko nung nag-online ako sa Facebook. Sabi ni Google, yan daw Definition ng CRUSH? Weh? Parang hindi naman. Sabagay, nasasabi kong hindi kasi hindi ko pa nararanasan. ABNORMAL ba pag hindi pa nag kaka-crush? First year highschool na ko pero WALA pa din akong Crush. Uy, Hindi ako lesbian ah. Ewan ko lang talaga kung bakit wala pa.
Pero kung yan yung Iniisip nyo, pareho kayo ng mama ko!
Eh pano ba naman kasi! Tanong ng tanong kung sino crush ko. Pag sinabi ko namang wala bigla akong hihiritan na 'baka tomboy' daw ako! at baka daw crush ko yung bestfriend ko! Duhh? Babae kaya yung bestfriend ko! Tsaka tomboy nga may Crush e. tss. Mga kaklase ko din nag tataka kung bakit Wala akong crush. Eto nga convo namin ng bestfriend ko kanina e:
[VERBATIM]
Sya: Bakit ba wala kang crush? Tumingin tingin ka nga dyan sa paligid mo. Imulat mo mga mata mo. Ang dami daming gwapo dyan oh. Palibhasa singkit ka e.
Ako: HINDI NAMAN BIGDEAL YUN DIBA?
Sya: Easy lang best! Hindi naman sa bigdeal nakapagtataka lang. Yung iba nga Gr.5 palang may lovelife na e. Eh Ikaw? Wala padin! Maganda ka naman. Dami pang nag hahabol sayo para ligawan ka. Pati nga yung heartthrob gusto kang ligawan, dineadma mo naman.
Ako : eh baka kerengkeng kaya ganun. Buh! ang babata pa e may mga syota na! Tsaka malamang singkit ako, May dugong Chinese e. Sinong heartthrob? Si James? AruyJusko! Nuknukan ng yabang yun! Kala mo sinong gwapo.
Sya : Eh gwapo naman talagaaaaa! Tingin ko, tatanda kang dalaga!
Ako : Ok lang. Atleast, walang sagabal sa pag-aaral.
Sya : Duhh, inspiration kaya ang mag ka-crush!
Ako : Kaylangan pa ba yun kung Inspiration ko naman pamilya ko? *Roll Eyes*
Sya : Bahala ka nga!
***
Ay teka, dami ko ng nasabi pero hindi pa ko nag papakilala.
Ako nga pala si Yoona Ann Valmocena Lee. Only child lang ako. Maputi, tsinita, maganda sa isang salita. Madaming nagtatangkang ligawan ako pero nasisigawan ko lang sila. Matalino din ako. Top1 pa nga ako sa section namin e. Yan ang mga positive sides ko. Pero syempre, kung may positive, may negative. Mataray, masungit, parang laging may dalaw DAW ako. Sabi pa nga ng kaklase ko MAN-HATER daw ako. Adik no? Sabi nga nila baka yun daw dahilan kung bakit wala akong crush kasi ni-ayaw kong malalapit sa mga lalaki. Paano kasi, ang Gugulo, makukulit, mayayabang, manloloko! Manloloko? Huh? Pano ko nasabi? Wala lang. Parang lang. Pag sinabi ko naman yan sasabihin ng mga kaibigan ko: "Pano mo nalaman? Di ka pa nga nag kakaroon maski kaibigan manlang na lalaki e. Tsaka hindi naman lahat ganun!" Pero kahit ano pa ang sabihin nila, WALA AKONG PAKE! Tsaka kaya ayaw ko din sa mga Lalaki kasi 'SINASAKTAN NILA KAMING MGA BABAE' Pano ko din nasabi? Wala kasi yung bestfriend ko nasaktan na! Azar!
- - - - -
"YOOOOOOONA!" Sigaw nya habang papalapit saakin. Napatingin tuloy yung mga tao sa corridor.