_____
__________________________
"Enya gising na.."
"5 mins .."
Nag talukbong ako ng kumot at bumaluktot..
Ang lamig talaga ngayon.. malapit na kasi ang pasko..
"You know you're beautiful .."
""hmm?? thanks.."
Wait?? sino yung nag salita??
Imposible namang si lola Minda yun boses lalake e'.
Isapa parang ang lapit lang nung nag salita.
Iminulat ko yung mata ko
Hmmm?? OMO..
Nakangiting muka ng lalake yung nakita ko.
"Good Morning." Bati niya.
Ikinurap-kurap ko yung mga mata ko. Andito parin sya..
"You're so pretty Enya.." sabi pa nung lalake..
OMG
Napabangaon ako bigla at tinakip yung kumot sa katawan ko..
"Sino ka??" Nang aakusang tanong ko sa lalake.
"Ha?? Ahhmm.." Nag kamot yung lalake sa batok para bang hindi nya alam kung pano i e-explain ..
"Enya.. "
Nilingon ko yung nag salita .Si lola Minda nasa may bandang paanan ko sya..
"Lola sino to??" sabi ko sabay turo sa lalake..
Tumawa si lola.."Enya. Hindi mo na ba naaalala?? Ikaw ang nag dala sa Binatang multo na yan dito kahapon."
Saglit akong napaisip ..
syeeet...
Napapikit nalang ako na mariin nung na maalala yung lalake..
"So.. naaalala mo na ko?" Sabi ni Ghost
"Hehe... syempre naman makakalimutan ba kita ako kaya nag dala sayo dito nag jo joke lang ako kanina hehe.." Palusot ko
Ngumiti si Ghost "So anong oras tayo mag uumpisa sa Mission naten??"
Syempre ako bangenge nanaman sa Fez nyang napaka pogi. Kaya para i distract yung sarili ko tumayo nako..
"Gusto mo ngayun na e'" Sabi ko tas nag lakad na ko pa punta sa pinto..
"Enya.."
"Yes.. " Nakangiti kong nilingon si Ghost nung tinawag nya ko
Naka upo paren sya sa sahig at nakatingin saken.
"You're really cute.." Tumayo sya at lumapit saken nung nasa harap ko na sya unti-unti nyang inilapit yung mukha nya sa mukha ko..
Hindi ko maiwasang mapatulala sakanya. Ngayon lang ako nakakita ng multong kasing gwapo niya. Siguro marami na syang napaiyak na babae noong nabubuhay pa siya. Malamang marami ring nag luluksang kalahi ni Eba dahal patay na siya.
"Mamaya na tayo umalis, I think you need to wash your face first " Bulong niya saken.
Inilayo nya na yung mukha nya saken then umalis na siya.. tumagos siya sa pinto sa likod ko
"Enya.. hinga na apo." Sabi ni Lola Minda na may na nunudyong ngiti sa labi.
"Lola.." Napangiti ako. "Kanina sabi nya beautiful daw ako..tapos Pretty.. at cute.." O diba 3 in 1
Kinagat ko yung lower lip ko. I can't keep my self from smiling.
"O sige na apo.. mukhang kailangan mong maligo.." Agaw ni lola Minda sa pansin ko. pagkatapos ay umalis na..
ko naman parang wala sa sariling pununta sa banyo..
napatingin ako sa salamin na naka sabit sa ding-ding.
Agad akong napasimangot nang makita ko yung replection ko..
Ang gulo nung buhok ko. May muta-muta pa ko. Ang oily ng mukha ko, yung labi ko ang putla..
Ito ba yung sinasabi nyang pretty, beautiful at cute..
Tsk tsk tsk!! Sinungaling.. Ako naman uto-uto naniwala agad
Hmmmp!! bolerong multo!!