The Japanese Girl

71 0 0
                                    

Tao's POV

"Antagal tagal naman ng katrabaho mo, noona. Anong oras na oh!" Pagrereklamo ko kay Ten noona. Kanina pa kasi nagiintay sa katrabaho nyang kasama naming manood ng sine.

Si Suho hyung slash noona's FIANCEÈ ang sumagot sakin. "Kakadating lang natin dito ng mga 15 minutes, saeng. Calm down." Tinignan nya lang si noona na nagtetext ng sobrang bilis. "Babe, ikaw din. Baka naman natraffic lang si Jurii." Hinawakan ni hyung ang kamay ni noona. Anniversary kasi nila kaya nandito kami in the first place.

"Beyen." Sabi ko na lang tas tumahimik na lang ulit ako sa upuang malapit sa may cinema.

Bat nga ba ako nandito kung anniversary nila, ang tanong nyo? Ako lang kasi naiwan dito at si Suho hyung. Yung ibang magagaling kong hyung eh may sariling adventures since halos mga masasaya sa lovelives nila. Summer ngayon kaya malamang sa alamang, bonding na din yun sa kanila lalo na sa mga may pamilya at ikakasal na. (Ehem. Kris hyung, Sheena noona, Suho hyung at Ten noona. XD) May trabaho kasi ako dito kaya di ko maiwanan. Madaming nagwoworkshop ng Wushu ngayon kasi walang ginagawa yung mga tao.

"Noona~ Matagal pa ba?" Isa pang tanong ko. Nawawala na yung excitement ko. Kahit libre to ni hyung, nagwewane down yung energy ko pag nagiintay ako ng matagal.

Nagsalita si hyung kahit nakatalikod sya sakin, still holding noona's hand. "Kulit mo, Panda. Malapit na daw-"

"Onee-chan!"(Onee-chan - older sister)

May biglang sumigaw sa di kalayuan. Yuna yata yung ininiintay namin. Napatingin ako bigla nang lapitan ni noona yung babae.

Bumalik samin si noona. "Guys. Meet Jurii Hibari. Sya yung kakalipat lang na employee samin. Japanese sya so she can't understand Tagalog." Tumingin sakin si noona. "English speaking, okay Panda?"

I rolled my eyes. "Arasseo, arasseo, noona. Kaja?" Lagi nalang ganyan si noona. Porket kasi may accent yung English ko, pinagtatawanan nya ako. -_- Ang bully nya. Parehas sila ni hyung. Kaya bagay sila eh. XD

Pinauna ko silang maglakad habang nasa likod nila ako. Magkausap silang tatlo kaya medyo OP ako.

I studied the girl from afar. Matangkad sya pero mas matangkad pa din ako. Kulot buhok nya pero di sobrang kulot. Di sya sobrang singkit and her eyes are heavily masked with eyeliner and mascarra. Nagmumukhang malaki yung mata nya na bagay sa kanya. Di sya payat, di din sya mataba. Sakto lang. Tas ang cool nyang pumorma. Rocker chick style.

Definitely NOT my style.

Nakarating na kami sa bilihan ng popcorn. Nakabili na sila noona at hyung ng ticket way in advance kaya pagkain na lang bibilhin namin.

"Oh, Tao. Eto na ticket mo." Inabot sakin ni noona yung ticket ko with a sly smile on her face then she went back in buying the food.

What's with the face? O_Oa Makangiti naman si noona, yung troublemaker smile na may gagawing kababalaghan-

Hang on a moment...

Tinignan ko yung pangalan ng movie na papanoorin namin ngayon sa ticket na hawak hawak ko.

Realization in 3...

2...

1....

What. The. Freaking. Heck?!?! Why didn't I noticed it before?

"Panda? Hello? Kanina ka pa namin kinakausap?" Biglang tanong sakin ni hyung. Tapos na pala silang makabili ng pagkain. May hawak silang 3 tubs of  popcorn at 4 na soda cups.

The Derp SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon