forbidden crush

1.8K 36 28
                                    

Forbidden Crush

 

“Okay class, since mukhang mga inaantok na kayo. Let’s have a 30 minutes break.” Sabi ng teacher namin sa Human anatomy and physiology. Hay naku kung alam lang niya kung gaano kami inaantok sa boses niya.hahaha. Halos buong klase ata nakatulog na sa mga lectures niya.

Kahit pa favorite ko ang human anatomy, di ko mapigilang ma-bored. Yung voice niya kasi napakasoft at mahina pa. para tuloy kaming hinehele. Tsaka, ang karamihan sa amin ay lutang ang mga isipan dahil hello summer kaya ngayon. Dapat nga nasa bahay kami at chill lang.

Hindi talaga biro ang maging physical therapist. Butas ng karayom ang dadaanan namin at dugo’t pawis ang nilalaan naming sa pagaaral pati nga summer vacation sinasakripisyo. Kelangan memorize namin ung six hundred muscles kasama pa ang action and insertion!. It takes a lot of brain cells to study Physical Therapy. Tapos sasabihin lang ng mga tao na masahista lang kami. Hello, hindi kami magaaral ng five years at magbo-board exam para lang maging masahista.Hindi naman ako galit pero kainis lang talaga. Hahaha, ayoko lang kasi minamiliit kami. Sa totoo lang matindi kasi ang misconcept sa mga physical therapist sa pinas.

Naramdaman kong may kumalabit sa akin at napalingon ako. “Tara jasmine, sasama ka ba? Baba kami sa canteen” sabi ni Tanya sa akin.

“Ay sige mauna na kayo, magpapa-photocopy lang ako.” Sabi ko sa kanya. Kinuha ko ung book na ipapa-photocopy sa loob ng bag ko at lumabas na ako ng room.

Eto pang isang paghihirap ko. Ang bumaba galing six floor ng walang elevator. Bakit kasi ngayon summer pa nasira ung elevator tapos aabutin ng isang buwan bago maayos uli. Pawis ka na nga dahil sa init ng panahon dadagdagan pa ng pagod sa pagakyat. Haggard ka na bago pa magstart ung class. Pasensya na napakareklamdor ko kasi.

Honestly hindi naman ganun kasama ang mag summer class. Araw- araw akong may allowance at ligtas pa ako sa mga gawing bahay, which is ang pinaka ayaw kong gawin kapag bakasyon. At Hindi lang yon, araw-araw ko ring makikita ang crush ko.

Habang pababa ako ng hagdan sa fourth floor ay nahagip ng mga mata ko ang dahilan kung bakit ginaganahan akong pumasok araw araw, walang iba kundi si crush!!!

Siya naman ay paakyat at kung kanina ay medyo matamlay ang ako nang dahil sa kanya ay  biglang gumanda ang araw ko. Medyo malayo pa siya pero sigurado akong magkakasalubong kami kaya bago pa siya makalapit sa akin. chineck ko ung hair ko kung maayos, sinuklay ko na ng mga daliri ko para sure. Inayos ko rin uniform para neat ako tingnan.

Yiiiieee!!! Ayan na si Sir Andrew.

Ready, one two three! Huminga ako ng malalim at binati ko siya

“Good Afternoon po” bati ko sa kanya may kasama pang ngiti, as in ung pinakamaganda kong ngiti. Napatingin siya sa akin, akala ko matutunaw na ako!

“Good Morning” sagot niya at may kasama rin ngiti, kita pa ung dimples niya, ang cute niya talaga!  Kilig na kilig ako.

FORBIDDEN CRUSH (UNDERGOING RE WRITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon