Madalas akong makakuha ng suntok at sipa, at na kakatawang isipin na puro lang ako tawa kapag ganoon ang ginagawa sakin ni Phoebe. Hampas dito, hampas doon, kuha ng ballpen at saksak bigla sa kamay ko. Buti na lang at matibay ang balat ko, kundi baka kamukha na'ko si Spongebob =_= ngayon sa dami ng butas sa katawan.
Sabi nga sa barkadahan "physical Bully" siya. Kumbaga, kung ang bully nang-asar lang, siya nananakit.
"HAPPY MONTHSARY PHOEBS!" sabi ko, sabay bigay sa regalo ko sakanya. Isang photo mosaic'yon ng litrato niya na nasa pitaka ko, na ako pa mismo ang nag program sa software at ako pa ang gumawa ng picture frame na gawa sa mga materyales na nakita ko sa gift shop ni tita Mich.
Masayang masaya kong ipinakita' yon sa kanya, kung gaano ang pawis at hirap ko para lang matapos ang pinakaiingatan kong regalo niya. Ngumiti siya, mabuti naman. Mukha siyang kinikilig sa dating niya at kita ko ang sobrang ganda niyang dimple sa kaliwang pisngi niyang natatakpang ng pink-blush on at konting foundation.
PPPPAAAAAAAAKKKKKKKK!
hINAMPAS NIYA AKO SA LEEG SA SOBRANG SYA niya, at tinusok-tusok niya ako ng hawak niyang perdible dahil wala siyang mapagsidlan ng sobrang galak niya.
Pati si Ainse hinampas na niya sa kanyang braso dahil pinagmamalaki niya yung litrato niyang pagkalaki-laki.
"GRABE 'TO EH"sabi ni Ainse "TIGNAN MO OH, NAG MARKA PA YUNG KAMAY NIYA SA BRASO KO. TIGNAN MO YUNG PAGKABRUTAL NG GIRLFRIEND MO . PARANG LAGING MAY MASASAKTAN, MAY MAMAMATAY AT MAWAWALAN NG MATA TUWING TATABI SILA SAKNYA!"
"KAUNTING PASENSYA NAMAN, DUDE"sabi ko kay Ainse WAAAAAPPPPPKKKKK!!!! Hinampas nanaman ni Phoebe ang likuran ko, tapos binatukan niya ako.
":-D alam mo nakakatuwa ka"sambit ni Phoebe sakin."Sa tingin mo masaya ako at binigyan mo'ko nito?"
"hindi ba?"sagot ko
Ngumiti lang sya ulit. Itinaas niya ang ballpen niya, uminustwera niya na parang isasaksak sa'kin ang matutulis na. 3 G-tech pen
"hay ibaba mo nga yan"sambit ko habang kinukuha ang nakakatakot na sandata saknyang kamay "kapag ako natusok niya, tignan mo lang ah"
Ibinaba niya nalang iyon,umupo nalang sa tabi at sinimulang isulata ang asignatura niya sa Statistics.
Bihira ko siyang makitang nasa isang lugar lang. Sabi ko nga sa isip ko, parang kiti-kiti si binibining PHOEBE ANATHEA LAZARO FERNANDO.
Kapag kasama ko siya, parang hindi siya nauubusan ng lakas. Para siyang isang "Poring"
Lagi siyang tumatalbog lumulundag at lagi siyang tumatawa. Hindi lang basta tawang hihi, kundi tawang BWAHAHAHAHAHA!.Wala siyang POISE kahit kailan!
"patabi nga ako " sabi ko *upo*
"Bat' nag papaalam ka pa sa akin?"
"may masama ba kung magpaalam?"
"wala! sabi ko nga d'yan ka lang. Wag kang aalis dyan ah!? kapag umalis ka dyan sasamain ka sakin akala mo!!"
Ngumisi nalang ako, napatawa nang kaunti at umupo na lang sa lugar ko. Ganito nga siguro siyang maglambing.
Kunwari mananakit pero ang totoo, saksakan siya ng sweet AYYYYY..... Hinugut niya ang upuan ko papalapit sakanya. Iniyakap niya ang mga braso niya paikot sa'akin, pinahinga ang ulo niya sa balikat ko at natulog.
Kahit nakatakip ang buhok niyang makapal na amoy cherry sa maganda niyang mukha . kito ka pa rin kung gaano sya kapayapa.
Hindi nalang ako gumalaw. Ayoko na lang gumalaw. Sana tumigil ang oras at ganito na lang muna kami kahit isang oars, 30 minuto o kahit 15 minuto lang.
Ramdam ko ang paghinga niya, ang balbon niya sa braso ko at ang maliit niyang ngiti kapag nawawalan nang paunti-unti ang pagod niya sa maghapong paggawa niya ng kunga ano-anong review para sa mga subjects niya.
"bat ka tumatawa?snabi ko bang tumawa ka?"sabi ni Pheobe habang ginagawang punching bag ang likod ko
"wala lang " tipid kong sagot. Madals na akong matawag na masokista kapahg hindi ako natitinag sa kapisikalan niya. Hindi naman masakit. Hindi naman masyadong masakit.
Dumaan ang ilang araw at linggo ng ng huling pagmamarkahan.
"alam mo bang bumaba ang mga marka mo?" sabi ng profesor ko sa pisika "para kang lulubog lilitaw sa oras ko ah"
"sana naman abutan mo ang remidials mo sakin. gANYAN BA ANG ITINURO KO SAYO?"dagdag ng propesor ko sa mekanika
"nasaan na yung ginawa nationg software?" sabad ng isa kong kaklase sa mataas ng antas ng programa
"oh yung mga artikulo mo nasaaN? ang tagal nang tapos ang deadline"bati saking ng mga nakakataas sakin sa publikasyon
"bakit lagi kang ginagabi ? hindi kana nga nakakatulong sa bahay dahil pumapasok ka, karagdagan ka pa sa mga alalahanin namin ng lola mo!"sgaw ng tita ko
"ikaw my flashdrive ikaw na mag print" dagdag pang alienatic kong kasama.
"alam mo. problema lang si Pheobe sa'yo eh"
KAINIS!. Ano bang alam nila ? hindi ba nila makuha na mahina ako sa matematika kaya hindi ko masyadong makuha ang mekanika? hindi ba nila maarok na hindi ako matututo kung madalas akong makakuha ng trashtalk dhil lang sa hindi ko mashadong ma gets ang komplikadong problema na binibigay nila? hindi ba nila maintindihan na ang software ang gawa sa isang laksang dami ng mga scripts at codes na hindi ko naman lahat maiisip sa loob lang ng isang gabi? humihingi narin siguro ako ng pasensya sa mga patnugot ko sa publiksyon. Mahirap pagsabayin ang pinal na mga pagsusulit sa pag iisip ng mga ideya at pagsubok manood sa mga laro ng varsity habng conflict sila sa schedule ko. hindi na ba maiintindihan ng mga tao sa bahay na ako'y estidyante at patnugot . liban sa paggawa ko halos walang katapusang codes at paglayo ko sa paninigaw ng tita ko ng minsan nakakaasar na. tumutulong naman ako sa mga gawaing bahay ee!. hindi lang nila kinecredit yung dahil ang gusto nila na maging full time child ako.at kailan pa nag karoon ng karapatan ang mga alien na utusan ako?! kailan!!! sabihin niyo nga sge!
Umupo ako sa Cleopatra chair ng opisina ng publiksyon. May sore throat akong nakakagigil at halos bumigay na ang katawan ko sa dami ng gawain . gusto ko lang matulog . gusto ko lang matu.....
WAAAAAAPPPPPPPPPPPPPPAAAAAAAAAAAAAAKKKKKKKKKKKKKKKKK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
"HOY! BAT MOKO BINATUKAN?!"SABI KO. HBANG KALAhati pang tulos, Si Phoebe pala
"bakit lalaban ka?"sani niya . niyakap niya ako nagpahinga sa likuran ko at kinamot iyon.
madami kanang nagawa
hayaan mo sila.
isang araw maiintidihan karin nila
hindi ako aalis sa tabi mo
ako na ang bahal sayo
Nakatulog ako sa pagkakamot sa niya sa likuran ko. naisip kuna kung ano ang dapat kong gawin. bully nga siguro siya at ako naman ang geek niya. hndi na sguro mhalga ang ssbihin nila. hndi sya mbuti saakin? kasinungalingan. hndi nman nila alam, hindi naman sila ang minamahal. adik kung adik . baliw na kung baliw. ang saakin na lamang nandiyan siya , ginagawa ko ang kaya ko at alam kong walang masasaktang iba..
Bago ko tapusin ang aking kwento ako nga pala si NIEL JASPHER CALMA :)
SIYA AY ISANG BULLY AT AKO ANG KANYANG GEEK <3
THE END!
___________________________________________________________________
SALAMAT PO SA PAG BASA!