CHAPTER 1
Samantha's POV
Grabeeeeh! Ang bilis ng araw parang kahapon lang nagsimula ang bakasyon.
Ako nga pala si Samantha Martinez, 12 years old na ako at only daughter kaya medyo spoiled ako sa daddy at mommy ko. Nag-aaral ako sa isa sa pinakasikat na Unibersidad sa Manila ito ay ang Famous University.
Ito ako ngayon nag-aayos ng mga gamit ko may pasok na kasi kami bukas kaya kailangan ko nang maayos tong lahat ng 'to para wala nang akong magiging problema mamaya.
----------
"Mommy, pupunta na po ako sa kwarto ko may kelangan pa po akong gawin" sabi ko kay mommy nasa kusina kasi si daddy may kinuha kaya kay mommy nalang ako nagpaalam. kakatapos lang namin kumain at syempre busog na busog ako.
"O sige anak, magpahinga kana rin at maaga pa ang pasok mo bukas" sabi ni mommy.
"Sige po mommy, Good Night po" pagkatapos ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko.
Naglinis muna ako ng katawan pagkatapos ay nagbasa ako, mahilig kasi akong magbasa ng mga love story ito ang ginagawa ko kapag hindi kaagad ako nakakatulog nagbabasa nalang ako hanggang sa makaramdam na ako ng antok.
"Parang ang tagal ko nang nagbasa ah, di parin ako inaantok" sabi ko sa sarili ko. Siguro dala lang ito ng excitement ko, excited na kasi akong pumasok bukas matagal ko na ring hindi nakikita ang mga barkada ko nakakamiss din kasi sila, minsan kapag nasa kwarto lang ako mag-isa naaalala ko ang mga ginagawa namin sa school last year yung mga kabaliwan namin at mga kalokohan na ginagawa namin noon.
Napag-isipan kong bumaba para uminom ng tubig kanina pa ako nagbabasa pero wala talaga akong naramdaman na antok. Pagkatapos kong uminom bumalik na kaagad ako sa kwarto ko at humiga nanuod muna ako saglit ng movie din tiningnan ko yung oras naku! 10pm na kailangan ko na talagang matulog. Urrrrrgh! Naisipan ko ulit na magbasa hanngang sa medyo inaantok na ako at ZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzz.
A/N: Excited na si Samantha pumasok. Ano kayang mangyayari sa first day niya sa school ?
Support! VOTE and COMMENT :) Tnx.