Hello! :)
Naranasan mo na ba yung feeling na sobrang nagseselos ka sa crush mo pero wala kang magawa? Kasi crush mo lang sya? Kasi feeling mo wala kang karapatan na magselos? Wag kang mag alala hindi lang ikaw nakakaramdam nyan.
Masakit man isipin pero may mga bagay na hindi talaga mapupunta sa atin. Kagaya ni crush, minsan iniisip mo na hanggang dun nalang. Kahit na ganoon nangangarap ka parin na makuha mo sya diba? Kaya pag may kasama sya o kaya kausap na iba o kapag may nakikita kang nagpapasaya na iba sa crush mo selos na selos ka. Galit na galit ka doon sa nagpapasaya sa kanya. Halos naiinggit ka na nga eh. Sabi nila kapag crush mo lang wala kang karapatan na mag selos. Pero diba kusa naman nating nararamdaman yan? Kusang inilalabas ng mga emosyon natin yan. Wala na tayong magagawa. Mahirap kasing iwasan ang mga emosyon natin. Mahirap pigilin ang feelings.
Ang paraan nalang siguro diyan ay iwasan nalang natin mag assume. Iwasan natin ang pagiisip na pagmamayari natin si crush. Kasi pag mas maiiwasan natin, mas konti ang sakit na maratamdaman natin. At huwag natin ibibigay ang buong buhay at atensyon natin kay crush. Gawin lang syang inspirasyon. Wag yung super obsessed. Gets nyo ako? :)
Payo ko lang yan ah. :)