Yasuo and Teemo

26 0 0
                                    

Dakilang gamer si Annicka ng larong League of Legends. Hindi kagalingan at hindi rin kabobohan, minsan baog minsan laging baog. Teemo, Akali, at Ahri ang favorite champions niya. Sa araw araw niyang naglalaro eh ibat ibang tao ang nakakasalamuha niya at nakikilala niya sa laro.

Isang gabi, gamit niya si Teemo. Teemo, Xayah, Sivir, Jax, at Yasuo. Dahil napaka baliw niya ng oras na yon, nag send siya ng message sa lahat.

" HELLO MGA ENEMIES AND ALLIES!!!"

Malakas ang sapak sa bungo niya ng oras na yon. Di niya alam na ang laro laro na message na yon ay magkakalovelife na siya.
Busy siya kakapatay ng creeps ng may nagrespond.

"HELLO DIN BABY KO!"

Hindi niya inaasahan yon. Pero dahil sa malakas ang sapak niya eh ginatungan niya ito.

" HELLO DIN BBY KO! "

Tuwang tuwa siya non dahil may nakikiride sa trip niya.

Tumagal ang laban ng napansin niya na ilang beses ng namatay si Yasuo. At dahil naka isip nanaman ng sapak ang ate mo....

" GO BBY KO! KAYA MO YAN! "

Sabi niya rito.

Tumahal ulit ang laban at mas lumalakas sila. Ngunit syempre uso ang trashtalk sa LOL.

'Napataba na ang Yasuo ng kalaban'

Edi syempre ikaw ba naman sa yasuo eh namatay lang naman ng pitong beses? Sinong hindi sisisihin. Pero sa pananaw ni Annicka, chill lang.

7-6 ang standing niya. Baog ba? Eh sa kanya hindi eh basta lamang ang kills. Masakit na rin damage ng champion niya kaya gorabells lang.

Pagdating na sa clash eh parehong namatay ang ate mo at yasuo bby niya.

" SORRY BBY NAMATAY AKO "
" HAHAHA NAMATAY KA RIN PALA "
" BABAWI TAYO "

Sa hindi malamang dahilan eh napangiti ng ate mo. Ngiti ng kinikilig na babae. Pigilan man ng utak pero kinikilig pa rin.

" SORRY BBY! HINDI KITA NALIGTAS! "
" NAMATAY AKK BBY "

Isang clash ulit ang nangyari pero namatay siya, ganon din ang yasuo. Hanggang sa natapos ang game sa standing niya na 7-11. O diba naging store pa. Goal niya kasi na maging 5-5-5 ang standing para daw ulam. At syempre C- ang ate mo kaya sad. Inadd niya ang yasuo bilang friend bago mag out ang pc niya at umalis sa computer shop.

Kinabukasan. Bumalik si Annicka kasama ang mga tropa niya para maglaro. Pagbukas niya ng LOL ay may nag message sa kanya.

paul********: Hello!
paul********: Ako nga pala si Darren, ikaw anong pangalan mo?

Kakamessage niya lang. At syempre dahil ang ate mo ay kinikilig, nireplayan niya ito.

cha*********: Hello din! Annicka pangalan ko. Inaccept mo pala request ko.

paul********: Bakit naman hindi? Ang galing mo ngang gumamit ng mga champion mo eh.

cha*********: Asus. Baog kaya ako. Mas marami deaths kesa kills.

paul********: Hindi naman kasi yun sa standing eh. Basta nagawa mo yung best mo. Kasalanan mo bang di mo talaga kaya kasi natatakot ka na mamatay.

cha*********: HAHAHA. Sabagay.

paul********: You know what. Since nung naging kampi kita, ewan ko ba kung bakit pero I think I like you.

cha*********: HAHAHA. Ikaw ah. Anong I like you ka diyan. Imposible!

paul********: Promise, Annicka. I swear to god. Kung ayaw mong maniwala, magkita tayo. I'm serious. Seryoso ako sayo. 09********* thats my number. And Darren Guillermo name ko sa facebook. And kung sakaling ready ka na makita ako, call me right away.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

League of Legends LovestoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon