All rights reserved. No plagiarism. Do not distribute without my consent.
***
"Sabihin mo na kasi!" sigaw sa 'kin ni Nicole, kapatid ko.
"Ayoko nga! Baka kasi...iwasan nya ako 'pag nalaman nya 'yon!" sigaw ko rin sa kanya.
"Tss. Takot ka lang ma-reject," tugon nya sabay alis.
Haaay. Ang hirap namang i-solve 'tong problema ko. Mas mahirap pa sa Math problem. Bakit naman kasi ganito? Kung nagtataka kayo (kahit alam kong hindi naman) kung ano yung pasan kong problema na nagpapakuba sa 'kin, well, ganito kasi yun.
Ako, si Colein Madrigal, 16 years of age, 4th year high school, section A ay may gusto kay Luke Handrell, BESTFRIEND KO.
Tss. Pati ba naman bestfriend pinatulan ko pa. Eh kasalanan ko ba kung sya ang nilalaman ng puso ko? Pwe!! Ang corny ko na tuloy dahil sa love na 'to! Mapuntahan na nga sya. Sigurado akong nasa library lang yun.
Akala nyo nagbabasa 'no? ASA! Andun lang yun para magtago sa mga loka-lokang babae (na katulad ko) na may gusto sa kanya. Pagdating ko sa library, hinanap ko sya agad sa pinakadulong bahagi dahil alam kong do'n 'yong lungga nya.
"Hi bestfriend!" Bati ko sa kanya.
"Shh. 'Wag kang maingay. Baka may makarinig sa 'yo. Baka bigla silang sumugod dito," sabi nya habang nakalagay yung daliri nya sa labi nya.
"Yan kasi," ismid ko.
"Anong 'yan kasi? Kasalanan ko ba kung gwapo ako?" sabi nya sabay pogi sign. Tss. Oo alam ko.
"Nga pala best friend, kamusta naman 'yong sinasabi mo na babaing gusto mo?" tanong ko sabay titig sa mukha nya.
"Ayun! Manhid pa rin," malungkot nyang sabi. Hay. Kung manhid yung babaing yun, mas manhid ka! 'Di mo man lang napapansin na nahuhulog na 'ko sa'yo.
Oo na. Martyr na kung martyr. Tanga na kung tanga. Alam ko na may gusto syang iba pero pinipilit ko pa rin ang isang bagay na mangyari kahit na alam kong imposible. Gusto kong makita nya ako bilang isang babae na pwede nyang mahalin at hindi yung best friend nya na itinuturing nyang kapatid.
Kaya kailangan ko nang sabihin sa kanya yung totoo para lumuwag naman kahit papaano ang nararamdaman ko. Okay lang kung ayaw nya sa akin. Basta dapat best friends pa rin kami. Sana nga. Kasi hindi ko alam kung tatanggapin pa rin nya ako bilang best friend nya 'pag umamin na ako.
"Uhm, Luhan, pwede bang magkita tayo ngayong Sabado sa park? May sasabihin sana ako," kinakabahan kong tanong.
"It must be important," nakangiti nyang sabi. Pa'no nya nalaman na importante 'yong sasabihin ko?
BINABASA MO ANG
Can we be Friends? (Luhan: One-shot) ✓
FanfictionI don’t have a choice. It’s either ‘let go and move on’ or ‘fight and end up with a broken heart’.